My Online Ex Boyfriend ✍️

30 3 0
                                    

"Aba Denny, ang ganda ng ngiti mo ah?"

"Blooming ang lola nyo"

"Syempre, ikaw ba naman may lovelife"

Napapangiti na lang ako sa mga komento ng mga kaibigan ko.

Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. It's a text message from my online boyfriend, si Bobby.

Yes! you read it right online boyfriend ko lang 'sya, at one month pa lang kami. Nakilala ko sya thru chat. S'ya rin yung madalas maglike sa mga post ko.

"Kumain kana. I Love you."

Binasa kong muli ang text nya at saka nag tipa ng ire-reply sa kanya.

"Opo boss. Mamaya after class. I Love you too. Kumain kana din."

"Asus! Kilig na kilig ka na naman dyan sa Boyfriend mo, basta Den, ito lang ang masasabi ko sayo mag-ingat ka dyan lalo pa't sa online mo lang nakilala yan. Hindi natin alam kung mabuting tao ba yan."

Mahabang litanya ng best friend kong si Mia. Ganyan s'ya palagi tuwing nakikita akong katext ang boy friend ko. Feeling ko tuloy inggit siya sa akin, pero hinahayaan ko na lang. Marami kaming late night conversation ni Bobby. Hindi ko alam pero lalo akong nahuhulog sa kanya. Until one day, I received a text message from him.

"Magkita na tayo."

Agad akong napangiti sa nabasa ko, kung  dati rati ako ang nagsasabi nyan sa kanya ngunit tinatanggihan nya ako; kesyo may project daw sya or busy pa daw sya. Pero ngayon sya na mismo ang nagtatanong kaya hindi ko na ito palalampasin pa.

"Okay sige. Kelan? Saan?" I replied to him.

"Ngayon na, dito ako sa SM Calamba." Mabilis niyang reply.

I froze for a second kasi alas tres na ng hapon plus mag oover night kami ngayon sa bahay nina Mia, may group project kami. Medyo malayo pa man din ang SM Calamba sa amin dito sa Tanauan. Pero ng mabasa kong muli ang text nya ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa.

I shook my head at mabilis akong nagbihis without minding na may project kaming gagawin, siguro naman maiintindihan ako ni Mia. Nagpaalam lang ako sa ate ko na may bibilhin ako sa NBS na gagamitin sa project namin.

Medyo traffic kaya pasado alas sais na ako nakarating ng SM, 10:00 PM naman ito nag sasara kaya okay lang.

Nakasuot ako ng kulay pula dahil yun ang napag usapan namin, although familiar na ako sa mukha nya dahil sa pagpapalitan namin ng pictures sa messenger pero iba pa rin pag personal.

Pagkadating ko ng SM ay dumiretso ka'gad ako sa food court, dahil dito namin napagpasyahang magkita.

Medyo maraming tao doon.

Inisa-isa ko ang mga nakaupo dito.

Apat lang ang naka pula sa kanila.

Isang babaeng mataba.

Lalakeng medyo bata sa akin at may Kasamang babae na sa tingin ko ay girl friend nya.

Yung isa naman batang lalake.

Napatingin ako sa dulo malapit sa may bintana. Medyo napangiwi pa nga ako kasi matandang lalake ito, siguro nasa mid-thirties na sya at mukhang may hinihintay sya.

Napasulyap ako sa cellphone ko ng tumunog ito. Text message mula kay Bobby. Dali-dali kong binuksan ito at binasa.

Laglag ang panga kong napatingin muli sa gawi nung matandang lalake and there he is, nakatingin sya sa akin.

Muli kong binasa ang mensahe sa screen...

"Nandito ako malapit sa may bintana. Nakita na kita babe."

I froze for a minute. What to do now? Bakit ganun? Yung matandang  lalake sa dulo, sya si Bobby? Pero iba naman yung itsura nya sa facebook. I thought we're on the same age.

Sinulyapan ko itong muli. 

Nakangiti ito sa akin na animo'y teenager na kinikilig. Nakakatakot.

I count from one to three at nag step back na ako.

Hindi pa ako nakakalayo ng may marinig akong babaeng nagi eskandalo, awtomatiko akong napalingon at tama nga ang nasa isip ko kanina pa.

He's a family man.

Asawa nya yung babae, may kasamang dalawang anak. Yung isa karga karga pa.

"Ano? Hindi ka sinipot ng babae mo 'no? Siguro nalaman na may asawa ka na. Kaya pala ang aga mong umalis, ni wala ka man lang iniwan na pagkain para sa mga anak natin, Akala ko ba....."

Sa puntong yun ay mabilis akong naglakad palayo.

Hindi na ako lumingon pa kahit tinatawag nya ako. Oo, nagawa nya pa akong tawagin. Halos tumakbo na ako, makalayo lang ako sa lugar na yun. Pansin ko ring pinagtitinginan na ako ng mga tao, siguro alam nila na ako ang dahilan ng away ng mag asawa, dahil kabit ako o dahil sa umiiyak ako. Mabilis ang bawat hakbang na ginawa ko, hindi ko nga namalayang nakalabas na ako ng SM. It's 6:45 in the evening.

Pagkalabas ko ng SM ay agad kong sinuot ang jacket ko, good thing na dala ko ito. Ayokong may makakita sa akin na kulay pula ang suot ko. Baka makasalubong ko sya o baka makita ako ng asawa nya. Baka-

PEEEEEP!

Agad akong natigilan sa paglalakad.
Nakakasilaw na liwanag.

I looked around.

Maraming tao. Maraming sasakyan.

Gotcha! Nasa gitna na pala ako ng kalsada.

"Magpapakamatay ka ba Miss? Aba eh, huwag mo na kaming idamay"

Galit na bulyaw sa akin ng jeepney driver. Agad akong tumabi. Bakit ang malas ko ata ngayong araw na ito?

Nag unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Alam ko pinagtitinginan na nila ako. Mukha na kasi akong baliw dito. Walang direksyon ang aking paglakad. Gulong gulo ang aking isipan. Ilang sandali pa ay pumara na ako ng jeep at sumakay, Puno ito kaya sumabit na lang ako, hindi na kasi ngayon uso ang gentleman. Pakiramdam ko talaga ang malas malas ko ngayong araw na ito.

Yung inaakala kong boyfriend  ko na, hindi naman pala talaga. Agad kong naalala ang lahat, Sinayang ko lang ang oras at panahon ko sa kanya. Naalala kong ako pa pala ang laging nagpapaload sa kanya para lang hindi ma'cut ang communication namin. Naalala ko rin na napadalhan ko sya ng pera dahil sabi nya para daw sa project nya sa school, for sure para lang yun sa Pamilya nya.

One thousand lang naman yun pero malaking bagay na yun sa akin lalo pa't ibinawas ko lang yun sa ipon ko para sa librong bibilhin ko. Ang tanga tanga ko. Bakit ako nagtiwala ng ganun ganun lang? Bakit hindi ko pinakinggan ang advised sa'kin ni Mia. Hindi ako nag ingat. Ngayon anong mukha ang ihaharap ko sa kanila? Mas pinili kong makipagkita sa estrangherong iyon kesa gumawa ng project with Mia.

My phone rang.

Agad akong napatigil sa paglalakad. Tumatawag si ate, hindi ko ito sinagot. I glanced at my watch, it's already 10:00 in the evening.

Nakarating ako sa bahay ng hindi ko namamalayan. Nag-aalala sila. Nanunuri nya akong tiningnan. Alam kong alam nya kung saan ako galing, tinext ko kasi siya kanina hindi siya pumayag kasi nga may project kaming gagawin pero nandoon na ako kaya wala na siyang nagawa.

Kinabukasan, I talked to her about what happened. I told her everything but she never blame me. She gave me some advised, instead.

In this life with the new technology, kailangan mong maging maingat lalo na kapag nakikipagsalamuha ka na sa social media.

Hindi lahat totoo, may nagpapanggap at higit sa lahat may mga manloloko.

I've learned to be careful in posting a status in all social media accounts. Pipiliin din kung sino ang ia-add friend. Limitahan ang information na ilalagay, such as address, contact numbers and any personal info.

I deactivated all the accounts I have, tapos gumawa ako ng bago. Naging ma-ingat na ako sa pag-gamit nito. Hindi naman kasi masamang gumamit ng facebook and such, just make sure to use it wisely.

My name is Dennise Dela Torre and this is the story with my online ex boyfriend.

THE END. ✍

My Online Ex Boyfriend ✍Where stories live. Discover now