Chapter 17: Breathe

Start from the beginning
                                    

Hindi ko mapigilan ang utak ko na kung saan-saan na nakarating dahil sa sinabi niya. Wala sa sarili na hinayaan ko na lang siyang igaya ako papunta sa sasasakyan. Nang nasa passenger side na kami ay nagbaba ng tingin sa akin ang lalaki at parang hinihintay akong pumasok sa loob pero tulala lang akong napatingin sa kaniya.

Why would he even need a big car? Are we...are we doing it in a car?

Sa pagkabigla ko ay naiiling na hinawakan niya ako sa bewang para iangat ako at ipasok sa loob ng sasakyan. Pagkatapos no'n ay sinarado niya na ang pintuan at umikot sa kabilang side ng sasakyan. When he finally managed to get inside the car, he turned and looked at me with an unmistakable amusement on his face.

Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay napasinghap ako nang kumilos siya at dumakwang palapit sa akin dahilan para maglapit ang mga mukha namin. I instantly froze, scared that any sudden movement will make me touch him that will lead to my self-combustion.

"Breathe, Aiere." he whispered as my eyes drop down on his moving lips. Kumurba do'n ang isang mapaglarong ngiti.

Alam kong gusto niya akong pakalmahin pero pakiramdam ko ay mas lalong nagkagulo ang buong systema ko sa sobrang lapit ng mga katawan namin. I inhaled a breath but can't find myself to let it go when he moved closer again. Hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko at napapikit na lang ako.

Hinintay ko ang susunod niyang gagawin habang nakatutok ang atensyon ko sa init ng katawan niya at sa mahinang tunog ng paghinga niya. Pero imbis na malambot na labi na ilang beses ko ng dumaop sa mga labi ko ay matigas na bagay ang pakrus kong naramdaman na dumampi sa katawan ko pagkatapos ng isang mahinang pagtunog.

Binuksan ko ang mga mata ko at nabitawan ko ang hininga na kanina ko pa pinipigilan nang makita ko kung gaano kalapit sa mukha ko ang kay Archer na ngayon ay may mapaglarong ekspresyon sa mukha niya.

"Seat belt on." he whispered.

I know that my eyes remained open wide as he moved away from me and start the car. Nang tuluyan na niyang pinaandar ang sasakyan palabas ng BHO CAMP ay hindi makapaniwalang nilingon ko siya nang unti-unti ng pumasok sa isip ko ang pang-aasar niya. "I can't believe you."

"I can't help but tease you. You look so adorable."

"I'm not adorable!" I said in a hiss.

"You are." He looked at me for a bit and winked at me.

I harrumphed and crossed my arms as I look pointedly in front of me. Panigurado ako na kung saan niya ako dadalhin ay hindi 'yon sa kung saan man niya gagawin ang mga nasa isip ko. He just really love putting ideas in my head so he can tease me. Bakit parang disappointed ka ata? Hayok much, Aiere Roqas?

Ipinilig ko ang ulo ko at naniningkit na nilingon ko ang lalaking may ngiti pa rin sa labi. "Saan ba talaga tayo pupunta? And please stop the teasing games. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit iba ang naiisip ko."

He slowed down the car as he stopped on a red light before he turned to look at me. "Inaasar lang kita kasi nakakatuwa kang asarin. And you actually looked nervous so I teased you to lightened you up."

I rolled my eyes. "It didn't work."

He raised his hand and tug at my seat belt. He traced his fingers on the strap until he reached my neck. Nahigit ko ang hininga ko nang pinaglandas niya ro'n ang mga daliri niya hanggang umakyat sa gilid ng mukha ko kung saan marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. "We will have our fun, Aiere. But I want to do it when you're actually ready. Not when you just think you are."

Wala akong naisagot sa sinabi niya at nanatiling umid ang dila ko. Pinaandar niya na ang sasasakyan ng mag hudyat ng senyales ang stop light habang ako ay nananatiling iniiisip ang sinabi niya.

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now