Chapter 56

126K 3.4K 654
                                    

James POV

"Tell me what's your problem. Ayokong isipin na nagiging katulad na kita, James."

Huminga ako ng malalim saka tinungga ang isang bote ng alak. Nandito kami sa bar counter sa may kusina. Kaaalis lang ni Yumi at Mandy. Aaminin ko, tinamaan ako sa sinabi ni Yumi kanina. 

"I hate her." Sabi ko. Which is true. I hate her. I hate what she did to me. But..I hate myself too dahil sa ginawa ko kay Mandy kanina. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nadala ako sa galit. Ngayon ko mas maintindihan, na kapag galit ang isang tao, hindi na alam ang ginagawa, wala sa katinuang isip. 

"You hate her because of what she did to you but you love her. You still love her." 

Yeah. Lance is right. I love her so much pero ayoko munang pairalin ang pagmamahal ko sa kanya. Natakpan na yun ng galit.

Betrayal..madness..heartaches. 

"Pero mali ang ginawa mo sa kanya, James. I learned my lesson. I changed for the better, that's why now? We're happy. I'm happy with my wife. I'm happy that we end up together sa kabila ng kagaguhan ko noon. Pinatawad niya ako kahit ilang beses ko siyang sinaktan. Binigyan niya ako ng last chance. Last chance na ipinagmakaawa ko sa kanya. Ang laki ng galit ko sa kanya noon, pero sa kabila ng galit ko mas nangibabaw pa rin ang pagmamahal ko kay Yumiko. Lagi kong pinapairal ang pride ko, lagi kong pinangungunahan ng galit, ni wala nga akong guts na bigyan siya ng chance na mag-explain. Nag-conclude lang ako kaya ang daming heartbreaks ang dumaan sa'men. Yung time na.." Napatigil siya. Lumagok ng alak. I saw tears from his eyes. He's really inlove with Yumiko--her wife. 

"...yung time na nag-give-up na siya sa'ken dahil sa putan**nang pride ko, halos gumuho ang mundo ko. Parang nawalan ako ng buhay. Mas pipiliin ko pa nga no'ng mamatay nalang kung hindi ko rin lang siya makakasama habang buhay. Mahal na mahal ko siya. Halos balewalain ko siya non, sinaktan ko siya, sinabi ko na wala na akong pakialam sa kanya..pero nung nawala siya saken, nung bumitaw na siya sa'ken..don ko na-realized na hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawala siya sa'ken. Kaya nga nilunok ko na ang pride ko. Ginawa ko ang lahat para magbago. Para bumalik siya sa'ken. Para maging masaya na kami. And now, I'm proud of myself dahil sa kabila ng ginawa kong ka-gaguhan, nagawa ko pa ring makabawi."

Tang*na. Tamaan ako sa sinasabi ni Lance. Yeah. Alam ko ang pinagdaanan niya, nila ni Yumiko. Saksi ako sa kagaguhang ginawa niya noon--na ngayo'y ginagawa ko rin. 

"Tayong mga lalaki, may pagka-insensitive talaga tayo. Minsan, hindi natin alam na sa simpleng kilos natin, simpleng salita, malaki na ang impact sa mga babae. They are all fragile, matapang man sila sa panlabas na anyo. Aawayin nila tayo, sisigawan but deep inside, their soft heart..unti-unti na pala nating nababasag. Sa simpleng pananakit natin sa kanila, may sugat na naiiwan sa puso nila. Naintindihan ko lang lahat mula nang magbago na ako. I won't hurt her again. Ayokong iwan niya ako, dahil hawak na niya ang mundo ko. Hindi ko kakayanin."

Ang kapatid ko. Kilala siyang cold-hearted, heartless, harsh. Pero nung dumating si Yumiko sa buhay niya, nakita ko ang malaking pagbabago nya. He's right. He's really right. 

"Pakinggan mo ang explanation niya. Hear her side. Hindi mo sigurado na tama ang nakikita ng mga mata mo. Minsan, mas lamang ang tainga natin kesa sa mata. Because there's always a reason behind the things that we can only see, but we can't hear. Remember that."

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon