Chapter 37 ∞ Moment Part I

167K 3.3K 376
                                    

James POV

"Hello Batangas!"

=_=

"Wag kang sumigaw. Para namang magha-Hi sayo ang batangas pag nag-hello ka. Tch. Tara muna sa suite natin." Yaya ko kay Mandy.

Tuwang tuwa eh. Nandito na kami sa Batangas. Kasama namin sina Bro at Yumi pati ilang tigers. Buti nga pumayag si Kyle na dito kami. Napa-reserve nya kami ng kwarto. Madami din kasing pumupunta ditong mayayamang businessman para magpahangin.

Gusto kong i-spend ang three days ko na kasama si Mandy bago ako bugbugin ng XBang. Para kung anuman ang kalabasan non, napasaya ko siya.

Walang kasiguraduhan kung mananatili pa akong buhay o tutuluyan na ako ng XBang. Bahala sila. Gago sila eh. Tch.

"Hey. Sabi mo tara na. Natutulala ka na naman dyan?" Naagaw ni Mandy ang pansin ko. Wala eh, napapaisip na naman ako. Diko maiwasan lalo't alam kong pagkatapos ng tatlong araw, mapapaiyak ko siya.

Hindi nya pwedeng malaman ang gagawing pambubugbog saken ng XBang. Lalo na si Bro, di pwede. Gusto kong tumayo sa sarili ko. Hindi ako bakla para maduwag sa mga gagong yun. Mas pipiliin kong mamatay mag-isa kesa manalo nga ako, pero nakakapit naman ako kay Bro. Hindi ako ganon kahina.

Malakas ako. Dahil kaya kong harapin si Kamatayan after three days.

"Let's go." Yaya ko. Hinawakan ko sa kamay nya si Mandy.

Hinayaan naman nya ako kaya naglakad na kami papasok sa hotel diretso sa suite namin.

Malaki ang kwarto. Buntisin ko na kaya si Mandy? Para kung mamatay man ako, may alaalang matira sa kanya.

Waahahaha. Wag na pala. Baka tatanggalan ko palang ng damit si Mandy, nadikitan nako nyan ng pink card sa noo. Tch.

"Ano palang nakain mo at bigla kang nagyaya dito ha?"

"Sabihin na nating pamamaalam." Biro ko.

Nagbago ang ekspresiyon ng mukha nya. "Hoy James! Gusto mong bunutan kita ng buhok sa kilikili? Alam mo ba kung gaano kasakit yun? Ha? Psh! Wag ka ngang magbibiro ng ganyan."

Hahahaha. Si Mandy talaga, ang brutal. "Joke lang. Gusto lang kita pasayahin."

Napansin ko ang pagngiti nya. Halalalala! Kinikilig. Ampu!

Di bale. Half totoo, half hindi ang sinabi kong pamamaalam ko 'to.

"Wag mo na ulit sasabihin yun. Psh."

Mahal talaga ako ni Mandy. Mahal ko din naman siya, at ayoko syang masaktan.


--

Mandy POV

"Hahahahahahaha! Ayoko na!" Sigaw ko.
Si James kasi, hinuhuli ako dito sa tubig. Kanina lang nagsi-swimming kami tapos ayan nangungulit na.

"Ano? Takbo na!"

=__=

"Baliw ka ba? Paano ako tatakbo? Nandito ako sa tubig. Psh." Lokong James. Hanggang dibdib ko yung tubig oh. Makakatakbo ba ako nito?

"Hahahahaha. Lipad ka nalang Mandy ko!"

=__=

Kikiligin na sana ako dahil sa tawag nya saken kaso...lumipad daw ako. "Gusto mong ikaw ang lumipad pag sinipa kita?" Pagtataray ko.

"He-he. Joke lang Mandy ko. Masyado kang hot."

"Psh. Kanina mo pa ako inaasar." Sabi ko. I pouted my lip saka medyo inilubog ang katawan ko hanggang sa may leeg ko.

"Mandy ko naman, di na mabiro. Gusto ko kasi masaya tayo. Alam mo yun? Walang tampuhan, puro happy moments lang."

Hindi ko alam pero may something talaga kay James. Iba yung pakiramdam ko eh. May laman lahat ng sinasabi niya.

"O-okay." Sabi ko. "Let's eat. Gutom nako." Yaya ko. Lunch na rin naman. Ang aga naman kasi naming nakarating dito kanina. Tapos nag-swimming agad.

Napaawang ang labi ko nang maramdaman ang biglang pagyakap saken ni James. "I love you Mandy.."

Napalunok ako. Ang weird talaga ni James. "I love you more James, alam mo yan."

Kumalas sya ng yakap saken saka ngumiti. "Yes. I know. Let's have lunch."

Hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming umahon ng tubig. Hindi ko alintana kung may mga napapatingin samen.

"Tch. Dukutin ko mata ng mga yun eh." Sabi ni James.

"Huh?"

"Yung mga lalaking kung makatingin sayo para kang hinuburan. Tch. Bilisan na nga natin nang makapagsuot ka na ng robe."

Hinila nya ako ng mas mabilis. Okay. I get it. I'm wearing my two piece. And hindi naman sa pagmamayabang, sexy naman ako.

Hindi nga lang ganon kasobrang sexy tulad ni Yumiko. Napatingin kase ako sa kanila. Nasa kabilang way sila, mukhang magla-lunch na din sila. Naka-red swimsuit sya at kasama nito ang asawang si Lance. They looked perfect. Hot si Lance, hot si Yumiko. Para silang mga model ng sexy magazine.

Pansin na pansin kay Lance ang pagiging possessive nito kay Yumiko. Nakahawak ba naman sa waist ni Yumi. Akala mo maaagaw eh. Napatingin ako kay James, lahing Abellano 'to. May pagka-possessive din kaya ang lalaking ito? O kaya may pagka-monster, kumbaga parang si Lance. You know, tatak Abellano. Nakaka-curious lang kase. Almost opposite sila ng ugali ng kapatid nya.

Hay. Bat ko ba iniisip ang bagay na'to?

Hindi ko tuloy namalayang narito na kami sa isa sa cottage. Narito ang ibang tigers. At halos kasabayan lang naming makarating dito sina Yumi kahit don sila galing sa kabila.

"Here."

Si James talaga. Mukhang lumalabas na ang pagka-possessive. Sinuot ko yung robe ko na inabot ni James. Saka ako naupo sa tabi ni Jerome--isa sa tigers.

"Fvck! All of you! Close your eyes!"

=_=

Yan ang tinatawag na uber possessive. Si Lance yun habang sinusuotan ng robe si Yumiko. Baliw talaga.

"Ang OA mo Lance." Sabi ni Ken.

"Isa ka pang manyak ka."

Hahahaa. Nakakatawa talaga si Lance kahit in a harsh way sya magsalita.

"Psh. Hubby tama na yan. Let's just eat. Wag ka na nga magsungit dyan. Nawawalan ako ng ganang kumain kapag ganyan ka eh." Si Yumiko, at last nagsalita din.

"Boom palag!" Biro ni James.

"Sorry, wife. Tch. Let's eat." Sagot ni Lance.

Aba, aba. Biglang bumait. Pag-ibig nga naman. Nakakatuwa lang na kahit madami ng dumaang heartaches sa kanila, still naging matatag sila.

Unlike samen ni James, happy-go-lucky lang naman kami. Alam kong di maiiwasan ang heartbreaks sa isang relasyon pero..nakahanda ako ro'n.

Mahal ko si James to the point na sya na ang gusto kong maging last guy sa buhay ko. Kaya anuman ang mangyari, haharapin ko lahat ng buong tapang. Di bale ng makaramdam ako ng sakit, kung ang magiging resulta naman non ay makakasama ko si James habambuhay, why not to fight?

"Ubusin mo 'to." Sabi ni James na lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko. Almost seafood lahat kasi nandito kami sa resort.

Napatingin ako sa alimango.

"Why?" Tanong ni James.

"Di ako marunong nito.." Tinuro ko yung malaking alimango na nilagay ni James sa plato ko.

"Paghihimay kita. Kumain ka lang dyan. Masarap yang pagkakaluto ng hipon." Sabi ni James.

Sinimulan kong kumain ng hipon banag si James pinagbabalat ako alimango.

"Here."

Nakatingin lamang ako sa kamay niya na hawak ang laman ng alimango.

"Eat." Utos nya saka inginuso yung hawak nya.

Waaaa! Parang iba yung feeling. Susubuan nya ako gamit ang kamay niya? Geez. I find it..romantic? Isn't it?

Kinain ko yun. Masarap..lalo na't may touch of James Abellano. Hahaha! Ano ba 'tong nasa isip ko.

"Sweet couple. Bat di pa kayo magpakasal?"

Muntik na akong masamid sa sinabing iyon ni Yumiko. "We're not officially, ah..ano.."

"We're official. I love you. You love me. We hug. We kiss. We..."

O____O

"What?!" Sigaw ko. Kinikilabutan ako sa way ng pagtingin saken ni James. Parang...nang-aakit?

"If you want, we can make lov---AWWW!""

Hinampas ko nga ng alimango. Well malinis naman iyon at tuyo.

"Hahahahahhahaha!" Tawanan ng tigers.

"Abellano ka nga! Psh." Sabi naman ni Yumiko.

"What's with Abellano?" Tanong ni Lance.

Lahat kami naka-abang sa sagot ni Yumiko.

"Pervert." Simpleng sagot nito pero lahat kami natawa.

Except pala saken. Namumula ang mukha ko. Nakakahiya kaya. "Psh." Pagtataray ko.

"What? I'm just asking you. Buti nga nagpapaalam ako. Eh yan nga si Bro basta nalang ginagapang si Yum--OHH! Joke lang!"

Hahahaha. Natawa ako. Si Yumiko kasi bigla nalang binato ng calamansi si James. Oo, may mga calamansi pa dito. Para sa mga sauce.

"Magtigil ka dyan James." Sabi ko. "Kumain ka nalang. Saka bilisan mo nga maghimay nyan."

Na-stuck na yata sa kamay nya yung alimango. Mamaya, lasang kamay na yan.

"Oo na, my devil boss!"

Devil boss? Devil pa din. Baliw na James.

Nagpatuloy kami sa pagkain. Asaran dito, asaran don. Tawanan dito, tawanan don. Ang saya nila ka-bonding, in fairness.

Natapos kaming lahat at nagpaalaman na. Ang iba magsu-swimming.

"Bro, libutin lang namin ni Mandy ang buong resort." Paalam ni James kay Lance.

"Ge. Sa suite lang kami." Sabi ni Lance.

"Awtsu! Gusto mo na namang gapangin si Yumi. Wahahaha! Grabe Bro! Walang pinipiling lugar ah! Hanep!"

"Fvck you!" Sagot lang ni Lance.

"Mandy! See you later at the dinner. Enjoy!" Sabi ni Yumi saken.

"Kayo din!" Sagot ko.

Kakaway palang ako pero nahila na ako ni James.

"Bakit bigla ka nalang nanghihila?"

"Wala. Hahaha. Para ma-solo na kita." Sagot lang ni James. Kinilig ako don promise! Simpleng salita nya, humahaplos talaga sa puso ko. Ewan ba, ganito yata talaga kapag mahal mo yung isang tao.

Hinawakan ako ni James sa kamay ko. Yung holding hands. As in magka-intertwined yung kamay namin.

"Mandy.." Mahinang tawag nya.

Everytime he called me by my name sa ganyang tono, it was like a music to my ear. Basta, I like the feeling.

"Hm?"

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa gilid ng dagat. Hindi alintana ang init ng araw. Well, kaya nga beach. So mas feel kapag maaraw. Naka-swimsuit nalang ulit ako kasi tinanggal ko na ang robe ko kanina sa cottage.

Si James, naka-summer short lang. Topless pero walang ABS. Hahahah. Joke lang. Kahit naman wala syang ABS, macho pa din sya. Laki kaya ng muscle. Saka ang puti nung katawan nya. Nakaka-insecure na sa kaputian, dinaig pa ang babae eh.

"Hindi ko alam kung paano tayo nagsimula. Hindi ko nga rin matandaan kung paano ko naramdaman na mahal na pala kita. Basta nalang dumating yung time na gusto ko lagi kitang nakikita, nakakausap, nakakasama..kung nagsimula man tayo sa asaran. Tanda mo? Lagi kitang iniinis dahil sa ginawa mo dati kay Chelsea? Pero hindi ko akalaing magdi-dilang anghel si Adrian. He once told me na baka daw kainin ko yung mga sinabi kong hinding-hindi kita magugustuhan. What happened? Kinain ko nga ang mga sinabi ko. Hindi lang kita nagustuhan, minahal pa.."

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Nakikinig lang ako kay James habang patuloy kami sa paglalakad.

"Hindi ko makalimutan yung time na nakita kita sa bar, lasing na lasing. Inuwi kita sa condo ko kasi pakiramdam ko kailangan kitang alagaan. Hindi kita kayang basta nalang balewalain at hayaan doon sa bar."

Yeah, I remember those times na nagising nalang ako isang umaga, nasa condo na ako ni James. And that was the start of our love story..

"Hinalikan mo pa nga ako no'n. I'll be liar if I tell you na hindi ko yun nagustuhan. I really like it, when we kiss.."

>.<

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Well, to be honest. Kahit ako, gusto ko yung pakiramdam na magkalapat yung mga labi namin.

"Kakaibang babae ka, sa lahat. Hindi ikaw ang tipikal na babae na kapag may nag-away, iiyak. Matapang ka. Sobra. Alam kong lahat ng pagsubok na dadating, kakayanin mong harapin. Am I right?"

Hindi ko na naman maintindihan ang sarili ko. May something talaga. Alam nyo yung, ramdam na ramdam ko na may laman talaga eh.

"Yeah. I'm brave." Sagot ko lang.

"I love you Mandy, I will always do. Promise me that you'll be brave forever, for me."

Dug, dug..
Dug, dug..

Bakit ganon. Yung kaba sa dibdib ko bigla nalang sumibol. Yung mga sinasabi nya, ang lakas ng impact saken eh.

"Bakit mo sinasabi ang mga bagay na yan, James?"

"Nothing. Gusto ko lang makasiguro na hindi ka iiyak. I hate seeing you crying. Ayokong masaktan ka. Gusto ko, kahit wala ako sa tabi mo at may pagsubok na dumating, kakayanin mo yung haraping mag-isa."

Napatigil ako. Yung luha ko kusa nalang tumutulo. "James, is there something wrong? Please tell me.."

"Damn. Kakasabi ko lang na ayokong nakikita kang umiyak tapos heto, pinaiyak naman kita." Anito saka nya ako niyakap.

"James tell me.."

"Wala Mandy. Sinasabi ko lang ang mga bagay na ito, just for your own sake. Ayoko lang na masaktan ka. Yun lang. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano. We're here to enjoy. I told you, I want happy moments only."

Pinahid ko yung luha ko nung makakalas ako sa pagkakayap nya. "Pero kasi naman yung mga sinasabi mo.."

"I'm just stating the fact. Nasa reality tayo Mandy. Alam ko at alam mo na hindi habambuhay ang palagi tayong masaya. May mga pagsusubok na dadating at gusto ko lang na maging handa ka, na kapag dumating na yun, gusto kong maging matapang ka. Mahal na mahal kita Mandy."

"Pero James, hindi mo naman ako iiwan diba? Wala namang mangyayaring masama diba?" Tanong ko.

I don't know if I'm just being paranoid pero hindi ko maiwasan eh. Yung way kasi ng pagsasalita ni James ngayon, feeling ko may mangyayari.

"Forever, you'll always be in my heart Mandy. Kahit pa anong mangyari, hindi mababago yun. Tangayin man tayo ng bagyo, magka-amnesia man tayo, my heart will be faithful. Hindi yun basta basta mababago."

I'm touch. Okay. "James, mahal na mahal kita. I don't know what to do if..you'll leave me. I don't know if I can sti---"

"Sshhh. Don't say it Mandy. Stop it. Basta isa lang ang masasabi ko, be brave and hold on to my promises--that my heart will love you forever. Its not about happy ever after anymore. It's about being happy whatever happens after."

Napayakap akong muli kay James. Hindi ko namang inaasahang magkakaroon kami ng ganitong heart to heart talk.

"Mandy.."

Kapwa kaming nakatingin sa isa't isa. Hindi ko pinansin ang dahan dahan na pagtungo nya sa mukha ko. Ilang inches nalang at malapit ng magdikit ang mga labi namin. Hinayaan ko lang sya.

Hindi ko kailangang magpakipot pa. Then there, I felt his soft lips againts mine. Ang puso ko, ang lakas na naman ng tibok.

I suddenly grab his nape and deepen the kiss. Sa paraan ng paghalik nya, ramdam na ramdam ko na mahal nya ako. Bawat galaw ng labi niya, parang sinasabing ako lang ang mamahalin nya habambuhay.

Naramdaman ko ang paghawak ni James sa waist ko. We're still kissing as if we're in a private room. For God's sake, we're outside, at alam kong maraming nakakakita samen. Well, I don't really care.

He groaned. I can feel now the desire on his kisses. Mas idinikit ni James ang katawan nya saken.

"Shit Mandy..I don't know if I can still stop myself but.."

He kiss me on the tip of my nose. Tiningnan ko lang sya. Hindi ko alam kung tama ang naiisip ko, na para bang gusto niyang..

"We need a room, shit." He whispered.

Oh geez! Tama ba ang nasa isip ko? "James.."

"Sorry, but I promise..you'll never regret this." Sabi nito saka ako hinila pabalik sa hotel.

Pinuno ng kaba ang dibdib ko. Ibig sabihin ba nito, mag-a-ano kami? Seriously? Gusto kong mag-freak-out pero may bahagi naman sa isip ko na parang sinasabing, 'Go! Go for the goal!'

Ang sarap tadyakan ng isip ko eh. Ang traidor.

Hindi ko na namalayang nakarating kami dito sa hotel suite namin. Mabilis na ini-locked ni James ang pinto saka ako isinandal roon.

Magsasalita pa sana ako ng bigla nyanag siilin ng halik. Oh, God! The way he's kissing me right now, it's driving me crazy. I just don't know why. This is my first time to feel this way..like ugh! I'm still a virgin!

Napadilat ang mata ko nang maramdaman ang paggala ng kamay ni James sa katawan ko. Gusto kong mapanganga sa ginagawa nya pero wala, angkin nya ang labi ko. Ni hindi ako makapagsalita.

"Oh, fvck. Mandy..I'm sorry.." Napatigil sya sa ginagawa nya.

Napansin ko ang mariing pagpikit nya at paghilot ng sentido nya. Handa na ba ako sa ganito? Handa ba akong ibigay sa kanya ang virginity ko? But I love this man. I love the feeling when he touch me, when he kiss me..

Nanatili kami sa ganitong posisyon. Nakatayo. Nakasandal ako sa nakasarang pinto, samantalang sya. Nakaharap saken at nakatukod ang magkabilang kamay nya sa pinto. Nasa gitna nya ako.

Huminga ako ng malalim. I know gusto na nya 'to. Handa naman na, yata ako? Parang? Gusto naman ng katawan ko eh, isa pa. Tanda ko yung sinabi nya kanina bago kami umakyat dito sa kwarto, I will never regret this..

If he say so. Then fine.

"James.." Tawag ko. Nakatungo lang kasi sya. Parang nahihiya sya bigla dahil sa ginawa nya.

Tumunghay sya. He looks..anong tawag don? Yung parang itsura ng nalugi, nabitin, ganon?

I smirk at him. "Now, take me."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko pero mas nanlaki pa ang mata niya ng kalasin ko ang pagkakatali ng brassiere at bumungad sa kanya ang hinaharap ko.

"Shit Mandy.."

"Wag kang basta magmura dyan. Take me." Mataray na sabi ko.

Gusto kong matawa sa itsura ni James. He really looks surprise. Parang di pa sya mapakali kung anong una nyang gagawin.

Well, I think I need to do the first move.

I grab his head and kiss him, intensely. "Now take me or..I'll take you?" Pang-aasar ko.

"Fvck. You're turning me on. I like the way you...teased me." He said then bigla nalang nya akong binuhat papunta sa kama.

Then the moment I felt the bed against my back, I am now ready for what will be the consequences for doing this thing..

Even if it meant to stay with him, forever.

*
A/N : Author! Bitin po! Lol. Maghunisdili kayo. Next UD na ang pink alert if ever. Wag kayong hot. Gusto nyo ba ng pink alert? Hahahaha. Paghahandaan ko pa. Well, this is the start of JamDy moments before the big event--ang pambubugbog ng XBang. So guys, hold your breath. Magsaya at kiligin muna kayo ngayon.

Hashtag? #DBMJamdyMoments
Sana magtweet kayo para mas malaman ko ang mga reactions nyo. Follow me on twitter @pinkyjhewelii

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon