Chapter 16: Soldier

Start from the beginning
                                    

"Aiere, what I meant was, you're burning up."

"Mas matindi pa kesa sa hot?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Hindi daw ako hot. Umaapoy daw ako. So sa sobrang hot ko hindi na pwedeng gamiting description sa akin ang hot?

Bumuka ang bibig ni Archer para sagutin ako pero walang salitang lumabas mula sa bibig niya. Inihilamos niya ang mukha niya sa mga kamay niya pagkalipas ng sandali at pagkatapos ay nag-angat siya ng mukha sa akin at naiiling na hinila ako para muli akong humiga.

I giggled again for no reason and that's when the giant imaginary hammer finally appeared and strike my head so hard that I wonder why I'm still alive with a skull intact. Ang kanina ay tawa ko ngayon ay napalitan na ng hikbi. "Ouch."

Nakaramdam ako ng mabilis na pagkilos sa tabi ko at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Archer na patayo na. "I'll take you to the hospital."

Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan siya at lumuluhang nag-angat ako ng mukha sa kaniya, "No. Just hug me."

"I don't think that can help you. You need proper medication-"

"Hug me!" I screamed as another imaginary hammer joined the first one and started bashing on my head.

Mabilis pa sa alas kwatro na ikinulong ako ng lalaki sa mga bisig niya at kaagad naman akong sumubsob sa kaniya. Alam kong wala namang maitutulong 'to pero ayokong kumilos muna kami. I just want to lay down here and be in his arms.








YOU KNOW that feeling when you know you're asleep but at the same time it feels like your mind is awake? Iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko maimulat ang mga mata ko at halo-halo ang mga senaryong nangyayari sa utak ko na para bang pabalik-balik ako mula sa panaginip at sa kasalukuyan.

One second I was happily fishing for turtles that are swimming above my head then the next I can hear someone talking beside me and touching me.

"How long has she been like this? May ininom na ba siyang gamot?"

My vision turned into a kaleidoscope with various shapes circled in front of me as if hypnotizing me. Except it doesn't do the job and instead it's just making me dizzy. It felt like I was getting lost on the beautiful but confusing patterns in front of me when I heard Archer's voice echoing somewhere.

"Kanina pong bandang eleven ng umaga pinainom ko siya ng gamot. She slept until about two in the afternoon and she was still burning up. And she was crying from pain dahil masakit daw ang ulo niya but...well..."

"Tumatawa? Tapos umiiyak? Kinagat ka ba? Nauuring 'yan kapag may sakit."

"Po?"

"Kung makapagsalita ka naman, Autumn, parang asong nauulol ang anak natin. Look at her. She's so adorable."

"She is adorable. An adorable puppy with rabies."

Nakarinig ako ng mahinang pagtatalo na natigil sa pagtikhim ni Archer. Pilit na iminulat ko ang mga mata ko pero pakiramdam ko sobrang bigat ng mga talukap ko. At dahil na rin lumabas na naman ang kaibigan kong turtle at inaaya na naman akong mag-fishing. I followed the cute turtle and let him take me to the island of turtle while keeping half of my brain focus on the echoed conversation that I'm hearing.

"Hindi niya po ako kinagat." narinig kong nag-aalangang sabi ni Archer. "Just the laughing and crying."

"Hmm. That's new. The last time she got sick, she almost bite off her brother's arm and his father's."

"Umm..."

Sandaling katahimikan ang namayani bago muling nagsalita ang boses ng isa pang lalaki na sigurado ako na siyang ama ko. "Bakit ka nga pala nandito?"

BHO CAMP #7: The MoonlightWhere stories live. Discover now