'Hoy amazons. uuwi aq kay mama bkas kya late na tyo magstart ng lessons. K? tyaka wg mo masyadong mamiss ang kapogian ko ha masisilayan mo pko sa skul. Bye.'

Muntik ko nang maibalibag ang cellphone ko dahil sa text ng mokong na 'yun. Ang kapal talaga ng face at talagang nakagawa pa siya ng paraan para lang makuha ang number ko at bwisitin ako hanggang sa text ha. Nakoooo naman. Okay na sana eh, ang ganda na sana ng build up ko sa kanya eh, kaso lang lumagapak na naman dahil sa kayabangan niya. Gangster. Tss. Akala ko pa naman kung anong importante, paimportante lang pala.

Napa-pout lang ako matapos kong mabasa ang text sabay ibinaba agad ito. Hindi ko na lang siya nireplayan dahil for sure hahaba lang usapan naming dalawa at maiinis lang ako dahil aasarin lang ako 'nun which means mananalo siya dahil papatulan ko ang utak biya na 'yun at siya lang ang matutuwa saming dalawa.

"Sinong nagtext?" Si Kiel. Napansin siguro niya na medyo napataas ang kilay ko nang hawakan ko ang phone ko.

"Sino pa ba? Edi si gangster." Ako.

"Type ka ba 'nun? Lagi ka kasing inaasar e?"

"Type? Yuckkk. Baka type bwisitin at sirain ang araw." Nasusuyang sagot ko. "Hindi mo alam kung anong klaseng hirap ang inaabot ko para lang mapatino 'yung airhead na 'yun."

"Type ka 'nun, sigurado ako!" Nakangiting asong pang-aasar ni Kiel.

"Uy kilabutan ka nga sa sinasabi mo dyan. Impossible noh! Hindi ako gusto 'nun at lalong di ko siya gusto. Manapa baka tirisin, gusto kong tirisin 'yung airhead na 'yun. Grrrr."

"Okay, sabi mo eh.." Siya.

Napalo ko sa braso si Kiel dahil sa inis. "Bakit? Inaano ba kita? Tahimik na ko ha?"

"Tahimik ka nga kung makangiti ka naman parang ewan. Nakakadiri naman 'yung iniisip mong type ako 'nun eh napakamanyak kaya 'nun tyaka feeling pogi masyado."

"Bakit? Wala na kaya akong sinasabi.."

"Haynako ewan ko sayo." Napa-pout na lang ako. Just in time naman na dumating ang delivery boy kaya ako na ang lumabas at kumuha ng food namin.

"Ituloy mo mamaya ha?" Sabay palo ko sa braso niya at tumakbo ako papalabas ng bahay para salubungin ang pizza.

____

KIEL

I hate changes. Really. I mean how could everything be alright one day then the next day everything's fcked up. I mean, dati-rati ako lang ang meron siya, ngayon pakiramdam ko meron na siyang iba. And it sucks, big time.

Ayoko ng feeling na nakikipagkompitensya, at mas ayoko ng feeling na naiiwan at ang feeling na maipagpapalit sa iba.

At ang pinaka-ayoko ay 'yung may umaagaw ng atensyon niya.

Naguguluhan ako sa sarili ko, may something sa loob ko na hindi ko maintindihan. Parang may gustong sumabog na hindi ko alam.

Ayoko talaga ng nararamdaman ko, pero pilit itong sumisiksik sa kaunting space na nilaan ko.

May mga bagay kasing worth na mawala kung worth it ang pinaglalaban mo. Pero worth it pa nga bang maituturing kung mawawala naman in the long run ang unang naging pundasyon ng kung anong narating ng relasyon niyo?

Hindi ako selosong tao lalo na pagdating kay Samantha dahil alam kong ako lang ang lalaki sa buhay niya bukod sa Papa niya. At alam na alam ko kung ano ang lugar ko sa buhay niya. Pero, iba talaga 'yung pakiramdam ko sa Chase na 'yun.

Feeling ko may namumuo sa kanila pero hindi lang nila inaadmit na dalawa. Hindi nila ina-acknowledge dahil siguro hindi 'rin nila alam kung may nararamdaman nga ba sila.

The Legendary GANGSTER Meets Miss BRAINY Girl (KathNiel)Where stories live. Discover now