Ilang minuto rin ang nakaraan ay dumating na siya kasama ang doctor at chineck up ako. Kinuha nila ang bp ko at tinanong ng kung ano ano habang si Kelso ay tahimik na tinitignan ako.
"You are having your panic attack. Kailangan mo ngayon ng pahinga at magsusubside na rin mamaya 'yang nararamdaman mo." wika ng doctor na tumingin sa akin. Tinignan naman ako ni Kelso saglit at pagkatapos ay nagpasalamat na rin sa doctor. Naiwan na lang kaming dalawa dito sa loob.
"Tara anae at humiga ka doon para gumaling ka na." wika niya sabay lahad ng kamay niya sa harap ko. Tumango naman ako pagkatapos ay kinuha ang kamay niya at inalalayan niya kong humiga sa isang kamay. Nilagyan niya rin ako ng kumot pagkatapos ay umupo siya sa upuan sa tabi ko.
"Anae, ano ba ang nangyari sa'yo kanina at natrigger 'yang sakit mo? At kailan ka pa nagkaroon ng sakit na ganyan? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" sunod sunod na tanong niya na halatang nag aalala sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya bago sumagot. "Hindi ko alam ang nangyari sa akin kanina pero bigla ko na lang hinahanap si Momo eh. Bigla na lang akong nanerbyos kasi di ko siya makita."
"Iyong tanong mo naman kung kailan ako nagkaroon ng panic attack, hindi ko rin alam basta isang araw ng junior high school, nanerbyos ako ng walang dahilan. 'Yong tipong bigla bigla ko na lang naramdaman 'yong kaba buti na lang at nasa bahay ako noon at nakita ako ni mama. Kaya pinunta nila ako sa doctor at doon nalaman ko na lang na may ganito akong sakit pero 'wag kang mag alala kasi isang beses ko lang 'to naramdaman at hindi na nasundan pa. Ewan ko lang kung bakit natrigger 'to ngayon." wika ko na medyo naluluha na.
"Huwag kang mag alala at aalagaan kita. Pero sana sinabi mo sa akin kaagad para mahanap natin si Momo. Teka pupuntuhan ko lang sila sa classroom mo at ipa-excuse ka sa mga instructors mo para malaman nila." akmang tatayo na sana sa pagkaka upo si Kelso ng mas hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay niya para 'di siya tuluyang maka alis.
"Wag mo kong iwan." nagmamaka awa kong tugon sa kanya. Napa buntong hininga na lang siya.
"Don't worry anae. I am here. I will never leave you." wika niya kaya napa ngiti ako dahil sa sinabi niya. Nanatili lang siya sa tabi ko habang inaawitan niya ko. At namalayan ko na lang na unti-unti ng bumibigay ang tulikap ng mga mata ko.
❌❌❌
Naalimpungatan ako ng may naririnig akong bulong bulungan sa paligid ko. Unti unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang mga kaibigan ko na halatang nag aalala.
"Gising na siya!" sigaw ni Cela kaya napa tingin silang lahat sa akin.
"WAHHHH BESHYWAPSSS! SORRYYY! Huhuhu! Dahil sa akin natrigger 'yong sakit mo. Sorry kung nakalimutan kong mag paalam sa'yo kanina eh kasi naman si ma'am initusan ako at umalis na kayo agad kaya ayon." pag eexplain sa akin ni Momo. Ngumiti lang ako at nag mouthed ng 'okay lang'.
Marami pa silang tanong na tinanong sa akin at mga kwento pero tahimik ko lang silang sinagot. Medyo omokay na rin ang pakiramdam ko at unti unti na ring bumalik 'yong dating diwa ko. At kahit papaano, I feel at ease.
Bigla ko na lang naramdaman ang gutom ko kaya't nagtanong ako sa mga kaibigan ko. "Anong oras na pala mga besseu?"
"Ahhh 12:30 na besseu. Bakit?" sagot ni ate Resse. Umiling lang ako. Ayoko namang sabihin sa kanila na nagugutom na ko at 'di pa ko nag lunch. As in cue, biglang napatigil sa pagmamasid sa akin si ate Resse at napatingin sa hawak niyang bag which is 'yong bag ko.
"Oo nga pala Keisha! Sorry, hindi ka pa pala nakakain ng lunch. Heto pala 'yong bag mo kinuha na namin. Teka kunin ko lang 'yong lunch box mo." kinuha naman niya ang lunch box sa loob ng bag ko at binuksan pero kanin lang ang laman non. Nagtinginan silang apat tila nag uusap ng biglang dumating si Kelso.
"Oh anae, gising ka na pala. Dala ko 'tong pagkain para sa'yo. Teka susubuan kita." wika niya sabay bukas ng lunch box na hawak niya at mukhang mainit pa 'yong pagkain. Tumayo si ate Resse sa upuan niya dala ang lunch box ko na kanin lang ang laman samantalang ang bag ko naman ay na kay Diana. Umupo naman si Kelso sa upuan na inupuan ni ate Resse kanina at sinimulan na niya akong subuan pero tinanggihan ko lang.
"Okay na ko Kelso, huwag mo na kung subuan. Kaya ko na at isa pa kumain ka na rin para may lakas ka. Kanina mo pa ko binabantayan dito." saad ko sabay kuha ng kutsara sa kanya. Nag buntong hininga na lang siya at hinayaan niya lang akong kainin 'yong pagkain niya. At katulad niya ay sinusubaybayan lang din ako ng mga kaibigan ko.
❌❌❌
Buong araw lang ako dito sa infirmary. Sinabihan ko na nga si Kelso na okay na ko pero pinilit niya pa ring mag stay lang ako dito. Baka daw kasi sumulpot ulit 'yong sakit ko.
At katulad ng sabi niya kanina, hindi niya ko iniwan. Iniwan niya lang ako kapag naiihi siya o kapag inuutusan siya ng doctor doon. At thankful ako dahil don. Iyong mga kaibigan ko naman ay umalis kanina noong nag bell para sa first period sa hapon. Nag iinsist nga sila na mag stay din dito sa infirmary para bantayan ako pero sinabihan ko na lang sila na mas magandang bumalik na sa classroom para ma excuse nila ako sa mga instructor namin. Buti na lang at sumang ayon sila. Nakakahiya nga eh dahil nabigyan ko na naman sila ng pasakit at ayaw ko naman 'yon.
"Ang tahimik mo ata." napa tingin naman ako kay Kelso na katabi ko. Nandito na kasi kami sa park ng brgy namin at tumatambay saglit bago umuwi. Nag insist kasi ako na magstay muna dito noong pina uwi na ko. Ayoko pa kasing umuwi eh.
"Wala. Iniisip ko lang 'yong kanina. Nahirapan ka sigurong magbantay sa akin. Salamat ha!" wika ko sabay ngiti ng maliit. Niruffle lang niya 'yong buhok ko dahilan para mag pout ako.
"Wala 'yon anae atsaka isa pa, huwag kang mag iisip ng negative. Mag isip ka ng positive na bagay para 'di ka ma-stress at para hindi ka na magpanic attack." sagot niya na ikinangiti ko naman.
"Pero Kelso, thank you talaga. Ang dami mo ng ginawa sa akin at ang dami mo ng sakripisyo. Paano ko kaya mababayaran 'yon?" tanong ko sabay tingin sa malayo.
"Simple lang," wika niya na dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Sagutin mo na ko at mababayaran mo na lahat ng efforts ko."
"Eh?"
"Hahaha! I'm just joking anae. Katulad nga ng sinabi ko sa'yo noong nakaraan, I will wait for you. Nga pala, anong gusto mong regalo sa birthday mo?" napa tigil naman ako sa pagmumuni muni ng tinanong niya 'yon.
"Alam mo kung kailan birthday ko?"
Isang matamis na chuckle lang ang natanggap ko galing sa kanya. "Ofcourse ako pa. So ano nga?"
"Ikaw." nahihiyang bulong ko pero narinig naman niya.
"Ako? Well, I'll be yours right here right now gusto mo?" naka smirk na sabi niya. Pinalo ko naman ang balikat ng mokong na 'to. Ang byuntae niya eh.
"Finally, bumalik na rin 'yong dating ikaw. I hope you'll be okay."
Tumitig lang ako sa kanya at ngumiti. Ngumiti din siya pabalik.
I hope I'll be okay. Everything's will be okay. Because Kelso will always be there when I needed him the most.
❌❌❌
YOU ARE READING
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
💕 NOBODY'S BETTER 32 💕
Start from the beginning
