Quatro--

84 3 0
                                    

Keith’s POV

BLAAAAAGG!

Napalingon ako at nakita ko sa Kulit na nakahandusay na.

“Alaea!” sigaw ko

Bubuhatin ko na sana sya kaso nakita kong binuhat na sya ni Eros. Hindi ko alam kung anong sumapi sakin pero parang gusto ko syang sapakin. Pero di ko naman tinuloy. Pano ko matutuloy yun? E dinala nya na si kulit papuntang clinic.

“Kainis!” mahinang bulong ko.

“Khione!” narinig kong tawag ni Calliope kay Khione tapos nagmadali na silang lahat papuntang clinic. Gusto ko sanang sumunod sa kanila, kaso hindi ko alam kung ano yung pumigil sakin at hindi ko man lang naihakbang yung paa ko. Peste! -____-

Natapos ang klase pero hindi pa din bumalik sila Calliope. Anu kayang nangyari? Ok lang kaya si Kulit? Aish!

Maya’maya nakita kong pabalik na sila Calliope.

“Kamusta si Kul- I mean si Alaea? Ok lang ba sya?” tanong ko kay Ache sya kasi ang pinaka’unang pumasok e.

“Okay na sya. Nagpapahinga na sa clinic.”

“Anong sabi nung nurse? May sakit daw ba sya?” tanong ko ulit.

“Mmm. Wala naman daw pahinga lang kelangan sabi nung nurse.” Nakangiting sabi nila sakin.

“A-ah. Salamat!” sabi ko.

“afjskghncdkkkj” bulong nung tatlo

“H-ha?” tanong ko hindi ko kasi naintindihan yung sinabi nila e.

“Wala.” Sabay sabay nilang sabi

Maya maya nagsimula na ulit yung kalase. Lunch time na pero hindi pa din nabalik si kulit sa room. Akala ko ba wala syang sakit? E bakit wala pa din sya? Kainis!

Pagkatunong nung bell, nagmadali agad akong pumunta ng clinic. Hindi ako mapakali e.

*tok* *tok*

Pinagbuksan naman ako nung school nurse

“Ahm. Si Kul- I mean si..”

“Si Ms. De Guia ba?” nakangiting sabi nya sakin.

“A-ah opo.” Mahinang sagot ka

“Nasa pangalawang cubicle.” Nakangiti pa ding sabi nya

Nagpunta na ko dun sa kwarto ni Kulit. Nakasunod naman sakin yung nurse. Napatingin ako sa kanya. At ang himbing ng tulog nya. Nakakpanibago, hindi kasi ako sanay na tahimik sya. (Tulog nga kasi diba!?) Psh! -_-

“Ok lang sya. Siguro pagod lang at stressed kaya nahimatay sa klase.” Sabi nung nurse

“E bakit po wala pa rin syang malay hanggang ngayon?” tanong ko sa kanya.

“Natutulog lang sya. Siguro hindi sya nalapagpahinga ng maayoskagabi kaya ganun.” Sabi nya

“Ahh.”

“Maiwan na kita. Tawagin mo na lang ako pagnagkamalay na sya.”

Tapos umalis na yung nurse at iniwan kami ni kulit.

“Tss. Ano na naman pinaggagawa mo Kulit?” tanong ko sa kanya.

O sabi ko naman sa inyo hindi ako masungit e. Kinakausap ko nga sya e. Tulog nga lang. ok na yan, mahirap kasi pag’gising to e. baka magwala kasi kinausap ko sya. Hindi ako OA ganun kasi talaga ang ugali nya. Pano ko alam? Sa tagal ba naman na nangungulit to sakin, siguro bilang lang sa daliri sa kanang kamay ko yung pagsagot ko sa mga pangungulit nya.

“Aish! Siguro hindi ka na naman natulog.” Sabi ko

Napansin ko din kasi kanina nung pagpasok ko pa lang na parang may problema sya. Parang lang naman hindi ako sure. Pero ewan. :D

“Babalik na muna ulit ako sa klase. Babalikan kita mamaya pag may vacant na.”

Bago ako tuluyang umalis hinalikan ko muna sya sa noo. O wag na umepal. Hindi ko napigilan e. At tsaka, wala namang nakakakita. Lol

Umalis na kong clinic at dumiretso sa canteen. Pagkatapos ng lunch balik klase na ulit hanggang sa mag’uwian hindi pa din bumabalik ng classroom si Kulit. Hindi pa rin ba sya nagigising? Kainis!

Narinig ko namang nag’usap yung mga kaibigan nya na pupuntahan nila si Kulit kasama ng mga kaibigan ko. Gusto ko din sana sumama kaso may practice kami sa Taekwondo.

Natapos na ko sa practice at nagmadali akong bumalik sa room namin. Nagbabakasakali lang ako na andun pa sila. Malapit na ko sa classroom namin nung may marinig akong lagabag.

BLLAAAAGG

Nakita kong andun sila sa pinto at namimilog ang mga mata. Kaya napalingon ako sa tinignan nila. At nakita kong nakapatong si Zac sa ibabaw ni Ache.

O_____O

Si MR. Sungit at Ako! :DUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum