CHAPTER 16

1K 15 6
                                    

Chapter 16

                Oh what a night, di ako makatulog

                Parang tukso, tanging laman ng isip

                Wala kundi ikaw.

                Naiinis si Diego, dahil hindi niya alam kung bakit siya naiinis sa kantang ito. Kanina pa niya pinapaulit-ulit ang patugtugin ang kantang ito, pero paulit-ulit din siyang naiinis dito. Nababaliw na ba siya? O nababaliw siya sa kakaisip sa isang tao?

                Sino naman ito?

                “Bakit ba hindi ka maalis sa isip ko?” inis nitong sabi sa sarili habang ginugulo ang buhok nito. Halos buong araw na siyang nasa loob ng kwarto nito. Hindi siya lumabas o kumain man lang nang umagahan at ngayon na hapon na ay hindi parin siya kumakain. Naiinis na nga ang mga kasambahay nila dahil sa parang wala talagang gana ang amo nilang kumain, sayang na naman tuloy ang pagkain niluto nila para dito.

                “Having you in my life is more than just a gift from GOD, it’s a Blessing.” Hindi talaga niya mawari na ang kaibigan niyang si Andrei ay isang Bisexual. Pero bakit siya naiinis? Naiinis siya sa mga nasaksihan niya. Kitang kita niya kung paano magmahalan ang dalawang iyon. At parang gusting hilain ni Diego si Jake upang siya nalang ang galawin nito. Kaya nga nagpurisige talaga siyang makuha ang binata at doon nga sa isang laro na siya ang nagsimula ay muntikan na niyang makuha si Jake. Mga ilang lalake na ba ang gumawa sa kanya nito? Hindi na niya mabilang, pero pagkatapos ng nangyaring iyon. Yung pagsapak ni Andrei sa mukha niya, yung gulat ng mukha ni Jake, at ng mga tao sa kanilang paligid. Parang narealized niya na mali pala talaga iyong ginawa niya, hindi niya dapat sinasaktan ang taong nagugustuhan niya.

                Una palang niya kasing Makita ang binata noon ay parang may kakaiba na siyang naramdaman. Yung pagtitig nito sa kanya habang naglalakad ito papasok doon sa resort sa may Tagaytay. Ay alam na nitong kanina pa siya tinititigan ng binata. Hindi naman kasi sa pagmamayabang, may dating din ang kagwapuhan nitong si Diego at kahit na wala na ata siyang alam na hair style kundi ang kalbo ay makikita parin ang kakisigan at kaastigan nito. Napaka-hot nga niya tignan sa tuwing nakasando lang siya at short with his shinny shimmering hair.

                Hindi na niya kaya ang mga nangyayari. Kailangan na niyang muling Makita si Jake, pero papaano? Ni hindi nga nito alam ang numero ng binata. O saan ito nakatira. Kaagad na pumasok sa kanyang isip ang though na isearch ang binata sa facebook. At dahil sa magkaibigan sila ni Andrei sa facebook ay naadd niya ito. Doon niya rin nakuha ang numero ng binata at tinawagan niya kaagad ito.

                Sa parking lot kung saan ipinarada ni Diego ang kotse nito, halos lumuwa ang mga mata niya, ganun din ang puso niya sa kanyang nasaksihan. Muli na naman niyang nakita na naghahalikan ang dalawa, hinalikan ni Andrei si Jake bago ito muling pumasok sa kotse nito at pinaharurot ito paalis ng parking lot. Doon na lumapit si Diego kay Jake noong nakatalikod na ito at naghahandang maglakad pabalik ng opisina.

                Pero bago pa man siya maalis ay hinarangan na siya ni Diego, ang kamay nito na, nakaharang sa may pader at ang ngiti nito na siyang kinaiinisan ni Jake sa hindi niya maintindihang dahilan. “Anong ginagawa mo dito?” napalingon si Jake sa direksyon na kung saan kakaalis lang ni Andrei. At muli siyang napabalik ng tingin sa lalakeng nasa kanyang harapan, but this time kinakabahan na siya. At tila gusto nang lamunin nalang siya ng lupa dahil sa sobrang hiya at takot na baka nakita ng mokong na ito ang nangyari sa kanila ni Andrei.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant