CHAPTER 11

1.2K 13 2
                                    

Chapter 11

                “Let start the party!” sigaw pa ng mga tao sa loob ng kwartong iyon. May tugtog na pang party at mga alak sa lamesa gayun din ang maraming pagkain na halos nagkalat na dahil sa mga lasing na kaibigan ni Rissa, mga nagsasawayan sa maliit na dance floor na sila lamang ang gumawa at nagsabi sa kanilang sarili na isa itong dance floor. Kandong-kandong ni Erol sa bisig nito si Claire habang sinasabay ang pag-indayog ng tug-tog sa kanilang katawan. Naiirita naman si Mira sa kabastusang ginagawa ng dalawang magkasintahan na ito, walang pakundangan sa paglalandi sa kanilang harapa na para bang sila lang raw ang tao doon. Kaya itinuon nalang nito ang pagtingin sa isang lalake na nasa kanyang gilid na tahimik na nakatingin sa boyfriend ng kaibigan nitong si Rissa. Pero noong napansin ni Diego na tinititigan ni Mira ito, kaagad niyang nilapitan ang binata at kinulit ito. Hinila palayo sa mga taong mapanghusga.

                “Ano ba?” reklamo pa ni Jake sa binatang nang hila palayo sa kanya doon sa loob ng kwartong iyon. Nasa veranda na silang dalawa, medyo mainit sa loob ng kwartong iyon. Hindi lang dahil sa paglalampungan ng dalawang magkasintahan na iyon, kundi literal na mainit sa loob. Dahil nasira raw yung aircon at tangin Ceiling Fan lang ang gumagana at nagbibigay ng lamig sa loobt ng kwartong iyon.

                Tinanggal ni Diego ang pagkakahawak sa kamay ng binata, nakatitig parin siya dito na may kasamang kakaibang ngiti. “Nagtataka lang ako, paano kayo naging magkaibigan ni Rissa?” tanong ni Diego kay Jake. Biglang kumunot ang noo ni Jake, ano naman ang pakielam ng lalakeng ito sa nakaraan nilang dalawa ni Rissa? Gayong, sa tingin naman nito ay wala naman talaga siyang pakielam doon. Gusto lang siya nito inisin.

                “Bakit mo ba natanong?” tugon ni Jake. Sumimangot si Diego, “Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh.” Reklamo pa nito sabay sapo sa ulo.

                “Bakit ko kailangan sagutin ang tanong mo?” balik na tanong ni Jake sa kanya.

                “Wala lang, gusto ko lang malaman.” Wika ni Diego. Nakukulitan na si Jake, at mukhang wala na siyang takas sa pang-iiterrogate nito sa kanya. Huminga ito nang malalim, at saka na ito nagkwento.

                “Magkaibigan kasi ang pamilya namin, at magkapit bahay pa kaming dalawa noon. Kaya sobrang close na kami sa isa’t isa at walang ni isa sa mga kaibigan niya ang tumatagal sa ugali niya, kundi ako lang.” paliwanag pa ni Jake kay Diego, hindi nito alam kung nakikinig pa ito o inuubos lang nito ang kanyang pasensya dahil sa pagpapacute nito. Paano niya na sabi na nagpapacute ito? Simple lang, marami na kasi ang gumagawa noon sa kanya. Sa totoo lang, hindi maintindihan ni Jake kung bakit lapitin siya ng mga gwapong lalake. Gayong kahit hindi naman halata na bading siya.

                “So ibig sabihin, ikaw itong unang nakakita noong niregla siya?” saka biglang tumawa ng malakas itong si Diego, pero si Jake? Hindi natawa. Ano naman kasi ang nakakatawa doon? It’s normal sa mga teenagers. Lalo na sa mga babae darating at darating ang oras na iyon sa kanilang buhay, at parte yung ng pagiging dalaga nila.

                “Nakakadiring tanong naman yan, Diego!” napalingon si Jake sa may pintuan. Nakatayo na pala doon si Claire ang kasintahan ni Erol. Nakapamewang at nakatingin sa dalawa. Lumapit ito kay Diego at hinila niya ito. Kanina pa raw sila hinahanap doon dahil sa magkakaroon daw sila ng kaunting laro. Sinabe naman ni Jake na susunod na lang siya. Noong nakaalis na ang dalawa. Muling natahimik ang loob niya. Pero hindi ang puso’t isip niya. Dahil nasa baba parin ang lalakeng nagpapakaba sa kanya.

                Pagkalipas lang nang ilang minuto ay nakapagdesisyon na si Jake na bumaba pero noong tumalikod siya patungo sa may pintuan ay napahinto ito sa kanyang nakita. Hindi man niya ineexpect, pero naisip na rin niya na mangyayari ito. Hindi pwedeng hindi sila magkita ni Andrei sa bahay na ito.

THROUGH THE YEARS (Revised Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon