Chapter 4 ✿ The New Guy

1.9K 19 4
                                    

Anong meron sa araw na to? Bakit parang may something na hindi ko kayang i-explain? Ewan ko ba, wag ko na lang kaya isipin. Bakit kasi tayong mga babae nakaka feel ng mga something something na yan. Inayos ko na lang ang buhok ko na kanina pa pinagsasamantalahan ng hangin. Pumasok na ako sa classroom.

"Abeth!" sigaw ni Miles. Joke lang. Hindi niya ako binati. Nakaupo lang siya at nakatulala which is not her. Pag ganitong umaga, binabati niya ako pagpasok ko ng room ng isang malaking ngiti at isang malakas na sigaw. Eh kaso ngayon, ang lumbay niyang tingnan. Para siyang nalugi.

Siguro hindi pa sila okay ng kakambal niya. *sigh*

"Miles, good morning!" bati ko then naupo na ako sa tabi niya.

"Hi abeth." walang buhay na bati niya.

"Di pa rin kayo bati?"

Tumango lang siya.

"Hayaan mo muna siya Miles. Siguro kailangan niya lang ng time para magpa refresh."

"Eh miss ko na si Mika! Hindi niya ako kinakausap! Hindi niya ako pinapansin, iniiwasan niya ako!" sabi niya habang nakapout.

Grabe naman ka atat nitong si Miles kay Mika. To think nasa iisang bahay lang naman sila nakatira eh namiss pa niya ang kakambal niya.

"Pero Miles, pasalamat ka pa rin kasi nakikta mo pa rin si Mika. Sa ngayon, iappreciate mo muna yung moment na yan. Dadating din sa point na papansinin ka niya at kakausapin."

"Grabe ka man Abeth! Parang ang sinasabi mo mamatay si Mika ko."

"Uy wala akong sinasabi."

"Hello Abeth!Hi Miles!" bati ni Ryuu. Kaklase rin namin siya ngayon. At seatmates rin kami.

"Hi Satoh." sabi ni Miles. Nag "Hi" na rin ako.

"Uy alam niyo ba, may bago tayong classmate?" simula niya.

"Ha? Pwede yan? Super late naman niya mag enroll." sabi ko.

Meron din palang ganyan sa college.

"San mo naman narinig yan ha Satoh? tanong ni Miles.

"Sa office." sagot ni Ryuu.

Active si Ryuu sa school, at kahit freshmen siya nag aactive siya sa department namin, tumutulong siya sa office at sa mga officers. May balak rin kasi siyang maging member dun, kaya for preparation purposes sinisimulan niya ng tumulong.

"Wow ha, kung sino man yan." sabi ni Miles.

"Balita ko kasi, pamangkin siya ng president ng univeristy kaya madali lang siyang naka lipat. Actually, transferee siya. Sabi nung isang student, di daw nun gusto yung dating school kaya lumipat." sabi ng kung sino.

"Wow talaga. Ang arte niya!" sabi ni Miles.

"Teka sino ka?" tanong ko.

Biglang may umepal na nilalang sa likuran namin. Aba'y matindi, ang alam ko kami lang naman ang nag-uusap dito nina Ryuu at Miles, tapos may biglang nanchisimis.

"Hi! Ako si Demi Lovato pero siyempre joke lang yun. Nag boboard ako dati sa isang haunted house pero lumipat na ako sa totoong bahay dahil may nakita akong gwapong nilalang. Ahahaha." 

Tiningnan namin siya na parang nagtatanong. Kinkwestyon namin ang humanity niya. Kung siya ba talaga ay tao. Weird ha? As in weird.

"Ay BS Psychology guys!" pagkasabi niya nun inoffer niya kami ng handshake. At dahil mabait kami, tiningnan lang namin ang kamay niya.

"Ay by the way, hahaha hindi niyo lang ako napapansin kasi nasa likod lang ako nakaupo, pwedeng makipag friends?"

"Sorry miss, ayaw namin ng weirdo!" sabi ni Miles.

Innocent BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon