Chapter 2: The first meeting

23 0 0
                                    

Anna’s POV

“Ate!!!!!!!!!”

“Waaaaaaahhhhh!!!!!!!!”

Sh*t!!!! Bakit ba ang malas ko?

“Ate! Ayus ka lang ba?” Lumapit sakin si Seungri para tignan kung ayus lang ako.

Nung kasing binilisan ko yung takbo ko hindi ko napansin yung bato nakaharang.

“Ang tanga naman kasi nung bato ehh!!!! Hindi umilag!!” sisi ko sa bato.

Nakakainis talaga!! Eh kung umiwas yung bato hindi sana ako nadapa at naputikan!

Nakakainis talaga!!!

“Ate pano ka nyan? Ang dumi mo na! Kasalanan ‘to nung driver nung kotse ehh! Ang bilis magpatakbo akala mo sa kanya ‘tong daan eh pare-pareho lang naman tayong mamamayan ng Pilipinas! Gusto mo ate upakan ko yun huh? Sabihin mo lang!”

Natawa na lang ako sa sinabi ni Seungri.

“Adik ka ba? Mamaya isabit ka na lang nun sa puno ng camachile! Tulungan mo na nga lang akong tumayo!”

Inalalayan ako ni Seungri sa pagtayo pero bumagsak pa din ako.

Masakit kasi yung paa ko. Naipitan yata ng ugat.

“AAAAAHHHH!!!” sigaw ko nung pilitin kong itapak yung paa ko.

“Ate anong gagawin mo nyan? Malapit na magsara yung gate ng school nyo.”

“Gugulpihin ko talaga yung driver nung kotseng yun pag nagkita kami!!! I swear!!! Cross my heart!! Hope to die!”

Natawa na lang si Seungri sa sinabi ko.

“Mukha yatang hindi na kita dapat tulungan dahil baka mamaya gulpihin mo pa ako.”

Napaangat kami ng tingin ni Seungri dun sa nagsalita.

Isang lalaking nakasalamin na mukhang nerd ang nakatayo sa harap ko.

Lumuhod sya sa harap ko.

Yung luhod na yung parang magpo-propose ng kasal.

Tinignan nya yung paa ko pero tinabig ni Seungri yung kamay nung lalaki.

“Sino ka ba? Huwag mo ngang hawakan yung ate ko!”

Nagulat ako sa ginawa ni Seungri.

Sa totoo lang palakaibigan siya kaya hindi ko inaakalang magsusungit syang ganito kay Mr. Nerd.

“Bata, pumasok ka na at malapit ng magsara ang gate ng skul nyo. Ako ng bahala sa ate mo.”

Mahinahong sabi nung lalaking nerd.

Teka…. Kaklase ko ba ‘to?

Parang nakita ko na kasi sya di ko lang matandaan..

“Ayoko! Hindi ko iiwan yung ate ko sayo! Ang pangit mo! Ang weird mo kaya!”

“Seungri!” saway ko sa kanya. Masyado na kasing grabe yung sinasabi nya dun sa lalaki.

“Paweird weird ka pa jan! Bakit? Alam mo ba ibig sabihin nun huh bata?”

Tanong nung lalaki kay Seungri. Mukhang inis na sya pero ang galing nyang magtago ng feelings.

“OO! WEEEIIIRRRDDD!!! Nakakatakot!”

Napangaga na lang ako sa sinabi ni Seungri.

Meron na bang pagbabago sa meaning ng weird sa dictionary ngaun?

Baka naman sa Oxford nea tinignan yun hanggang Webster’s lang kasi ako eh.

“Ayos ka lang bata? Adik ka ba?”

~Fake Identity~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon