Chapter 27

186 8 1
                                    

Hahaha. Last update sabi ko, June 19. Sarreh, mags-September na pala. Sarreh na guys. Love ko naman kayooo eh. <3

Welcome back, author. Mehehe.

____________

Joaquin's POV

Kinabukasan... 

Pagka-uwi namin kagabe, I mean, hindi pala sila sumabay sa akin. Hinatid lang ako ni Dovan sa bahay. Syempre, siya lang naman yung maaasahan kong kaibigan pag nawala na ang lahat eh. Hays. 

Sila Anikka naman at sila Seth nauna ng umuwi kagabe. Kasabay nila si Chichay at malamang nawalan na ng mood yun. Tanga ko kase eh! Ba't ko kasi nilapitan si Lia? Edi sana masaya na ngayon. Pero wala! Bwisit. 

Hindi ako naiinis sa iba. Naiinis ako sa sarili ko! Hinayaan ko yung sarili kong ganito. Hinayaan kong mangyare 'to. Minsan na nga lang magka-gusto sa babae, fail pa.

*phone vibrates* 

Malamang nagtetext na mga ka-tropa ko. Malamang, hinahanap na nila ako para gumawa ng paraan para mag-sorry sa kaibigan nilang si Chichay. Babaeng minamahal ko. Ang tanong, mahal pa kaya ako? 

From: Donovan.

Kung gusto mo pa ipaglaban, habang maaga pa dapat gumagawa ka na ng paraan para maayos na. 

Ang tinde talaga ng words of wisdom ni Donovan, di ko kinakaya eh. Siguro sa sobrang tino nya, hindi na sya papakawalan ni Charlene. Hays, buti pa sila. Dating mag-bestfriends tapos nagkatuluyan. Wala eh, destiny. 

Pero imbis na nage-emote ako, naligo na ako. Wala naman pasok dahil Saturday ngayon. Balak kong mag-sorry kay Chichay. Masakit para sakanya yun lalo di nya alam yung totoong dahilan kung bakit nangyare yun.

At gusto ko, ako yung gagawa ng paraan para maayos ang gulong 'to. 

_______________

CHICHAY'S POV 

*phone vibrates* 

From: Donovan.

Kung gusto mo pa ipaglaban, habang maaga pa dapat gumagawa ka na ng paraan para maayos na. 

Nung nabasa ko yung text ni Donovan, naisip ko ka agad si Joaquin. Paano kaya siya nakauwi kagabi? Sino kaya naghatid sakanya? Kasama nya? Si Lia kaya? Sobrang daming tanong na nasa isip ko ngayon.

Pero hindi ko naman masagot kahit isa man lang kasi nga hindi ko pa sya nakakausap simula kagabi. Ang sakit, oo. Pero mas masakit yung wala sainyong dalawa ang gusto umayos ng gulo. Kaya kung ano man mangyare, kailangan ko muna babaan ang pride ko. It's time. 

Ako naman ang gagawa ng aksyon.

____________________

JOAQUIN'S POV 

"Anak, saan ka pupunta? Gwapo mo naman ata ngayon?" sabi ni Mama. Tss. -__- Pagka-bolera eh. Natawa nalang ako at dumerecho sa garden, kumuha ng isang flower. Dadalin ko kay Chichay. Fresh from my our garden. Haha.

My Bestfriend's LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon