"Yes, boss." Sagot niya.

"Good." Sabay ngiti nito.

Pagkatapos pumihit siya patalikod upang umalis sa harapan nito. At nagtungo na siya sa table niya. Kailangan kasi niyang asikasuhin ang mga previous report nila para bukas.
Kung kaya't naging abala siya at hindi na niya namalayan ang oras.

"Cassy."

Mabilis niyang inihinto ang ginagawa niya at pagkatapos agad niyang nilingon ang boss niya nasa harapan niya.

"Yes, boss." Tumayo pa siya.

Sinipat nito ang orasan at muling binaling sa kanya ang tingin. "Late na para sa lunch."

Yumuko siya. "Sorry, boss nakalimutan ko ang oras. Hindi ko po naalala na tanungin kayo." Sabi niya. Bagama't hindi naman ugali ng boss niya na nagpapa-order ng foods para kumain sa loob ng office niya. Hindi pa rin niya ito naalalang tanungin.

"Don't worry. Hindi naman ako kumakain dito sa loob ng office. Concern lang ako sa iyo dahil hindi ka pa kumakain."

"Busog pa ako." Labas sa ilong ang sinabi niya lalo't naririnig na niya ang pagkulo ng tiyan niya.

"I don't believe you, let's go with me kakain tayo ng lunch with my brother."

"Hindi na po boss." Pailing-iling pa siya.

"I don't allow rejection came from you. C-mon follow me!" Pumihit pa ito patalikod at nauna na itong lumabas ng office.

Huminga siya ng malalim at pagkatapos sumunod na siya sa boss niya. Ito lang ang hindi niya gusto sa boss niya. Hindi tumatanggap ng rejections. Kaya para hindi siya mawalan ng trabaho. Kailangan niyang sumunod sa gusto ng boss niya.

Tahimik siya nang sumakay sa kotse ng boss niya. Hindi ito ang unang beses na makasakay sa kotse ng boss niya. Madalas siyang hilahin ng boss niya kung saan-saan. Minsan nga kahit hindi na related sa trabaho sinasama siya pero kasama pa rin ito sa overtime pay sa kanya.

"This is your chance para makilala mo na rin ang bagong president ng company."

Tumango siya. Ngunit ang kabang nararamdaman niya ay hindi niya maipaliwanag. Hindi niya kayang makita ngayon ang presidente ng kumpanya na siya lang. Nahihiya at natatakot siya sa magiging presensiya nito. Sa boss pa nga lang niya katakot-takot na hiya ang nararamdaman niya para rito doon pa kaya sa bagong presidente.

"We are here." Sabi pa nito.

Huminga siya ng malalim upang bawasan ang kaba niyang nararamdaman. Pagkatapos lumabas siya ng kotse at sumunod sa boss niya.

"Faster! Cassy, kanina pa raw siya naghihintay. Ayaw na ayaw pa naman niyang naghihintay." Sabi pa nito.

Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba sa sinabi nito kung kaya't buo ang loob niyang magsinungaling ngayon.

"Ouch!" Halos sumigaw siya upang marinig ng boss niya ang daing niya. Napaupo siya habang hawak-hawak ang tiyan.

"What's wrong Cassy?" Tanong ng boss niya nang lumapit sa kanya.

"Boss, A-Ang sakit ng tiyan ko." Daing niya.

"Dadalhin kita sa hospital." Sabi pa nito.

"No need boss, mag-taxi na lang ako." Sabi niya habang hawak pa rin ang tiyan.

"Are you sure?"

Tumango siya. "Masyadong abala kung hindi niyo masisipot ang nanghihintay sa inyo."

"Okay, just call me kung anong result okay."

"Yes, boss." Sabi niya.

Sinamahan pa siya hanggang sa makasakay sa taxi. Nagi-guilty siya sa pagsisinungaling niya. Ngunit iyon lang ang paraan para matakasan niyang makilala ang bagong presidente. Gusto niya kasi sabay-sabay nilang mga empleyado makilala ang presidente at hindi siya lang mag-isa.

                   *******

Sinalubong niya ang kapatid niyang si  Eladia Chen nang matanaw niya itong papasok sa loob ng restaurant na napili nila para maglunch. Niyaya kasi niya ito upang humingi ng konting idea sa trabahong inalok sa kanya ng Daddy niya.

"Matagal ka bang naghintay?" Sabi nito.

"Thirty minutes late. Sanay na akong naghihintay sa'yo ate." Sabi niya nang makaupo sila.

"Biglang sinumpong ng sakit ng tiyan ang personal secretary ko kaya na late ako ng konti." Sabi nito.

"Baka makikipag date sa boyfriend kaya sumakit ang tiyan." Sabay tawa niya.

Nagkibit balikat ang kapatid niya. "Anyway, the foods look delicious. Let's eat while we talk."

"Better." Sagot niya.

"Abraham. what  do you want to know about our company?" Panimula nito.

Huminto siya sa pagkain. "Everythings that i need to learn."

"Sure, i will be your trainor in one month pagkatapos ikaw na ang mag-isa."

Tumango siya pagkatapos muli siyang  nagpatuloy kumain. Hindi naman huminto ang bibig ng ate niya sa kakapaliwag sa kanya ng mga bagay na kailangan niya sa kumpanya. Kaya halos umabot sila ng dalawang oras sa restaurant na iyon.

Gusto niya sanang umatras ngunit nagbigay na ng tulong ang Daddy niya sa paghahanap ng babaing naka-one night stand niya sa bar.

#AyanMagkikitaNaSilaBukas.

EIGHT HOURS AND TEN MINUTES #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon