Panimula

195 60 5
                                    


Ang istoryang ito ay pawang kathang-isip lamang. Ang mga pangalan, lugar, tauhan at ang pangyayari ay bahagi lang ng imahinasyon ng may akda.

Plagiarism is a crime that punishable by law.

@All Right Reserved 2020

***

January 14, 2020

Hindi ko alam kung saan ko na naman ibabaling ang aking ulo habang nakikinig sa hikbi ni Mom sa aking gilid. Gabi- gabi ay ganito siya lagi. Hindi naman sila nag-away ni Dad pero ganito nalang siya makaiyak. Maraming sinasabi sa akin ang mga kaklase ko na isang bayarang babae si Mom noong mga kabataan niya pero syempre hindi ako naniwala dahil napaka-imposible niyon. Sabi ni Dad siya lang ang minahal nito kahit na mahirap lang sila noon. Pero minsan hindi rin sa akin maiiwas na maniwala kasi hindi tama na umakto si Mom ng ganito. Iiyak ng walang dahilan. Iiyak na parang may ginawang kasalanan at patuloy siyang kinokonsensiya.

Minsan nakakairita na siyang pakinggan. Umupo ako ng maayos sa aking higaan at padabog na tinulak si Mom sa kama. Napaupo naman siya sa sahig at wala akong paki kasi napakahina niya. Napayuko lang siya at pinunasan niya ang kanyang mga luha habang patuloy na inaalis ang basa sa kanyang mukha.

Sinamaan ko siya ng tingin at mataray na dinuro. "Mom, can't you see. I'm sleeping. Pwede bang wag ka dito umiyak at humingi ng tawad dahil nakakairita na sobra. Bakit hindi ka nalang matulog katulad ng iba. Alas dyes na ng gabi, please magpatulog ka naman."anas ko sa kanya.

Pinagpag niya ang kanyang pang-office na skirt at pinahid ang mukha. "Sorry, anak. Hindi ko sinasadyang magising ka mula sa pagkakatulog. Gusto lang sana kita makita bago ako matulog."namamaos niyang sabi sa akin.

Itinuro ko ang pinto. "LABAS"sigaw ko sa kanya.

Hindi naman siya umangal dahil agad din siyang lumabas kahit labag sa kanyang loob. Sumasakit ulo ko sa kanya. Halos nasa pagtatapos na ako ng high school pero hindi pa rin siya tapos sa kadramahan niyang yun. Nang maramdaman kong wala na ang presensya niya sa kwarto ko ay bumalik ako sa pagtulog.

Kinabukasan ay agad na akong naligo at nagbihis para sa pagpasok. Sinuot ko ang aking puting long sleeve na may asul na stripe sa kwelyo habang kapares nito ay pulang ribbon sa harapan. Pumares rin ang asul kong palda na hanggang hita.

Hindi talaga ako nagsasawa na tumingin sa harap ng salamin. Para kasi akong modelo sa sobrang ganda. Matangkad ako at may matangos na ilong na sapalagay ko ay nakuha ko kay Dad. Medyo curly ang buhok ko, gusto ko sana ipastraight kaso sabi ni Dad bawal pa daw. Dapat daw akong maghintay ng tamang panahon upang magawa ko yun.

Nakangiti kong isinara ang aking kwarto habang dala- dala ang aking Gucci bag sa likod. Bigay sa akin ni Dad ng pasko. Sobrang saya ko talaga ng ibigay niya sa akin ito dahil halos lahat sa mga kaklase ko ay ganito rin ang bag. Mahal na mahal ko talaga si Dad kahit medyo strikto sa akin mahalaga ginagawa niya lahat ng gusto ko maliban sa isa.

Nawala bigla ang ngiti sa aking labi ng makita ko si Mom na parang wala na naman sa sarili. Nakayakap sa kanya si Dad habang nasa hapagkainan sila. Napaka-O.A talaga ni Mom. Iiyak- iyak tapos magpapalambing kay Dad. Ews! Ang tanda na nila.

Naramdaman nila ang aking pagbaba sa hakdan kaya kumalas na si Dad kay Mom. Lumapit ako kay Dad at niyakap siya.

"Good morning, Dad"bati ko sa kanya sabay halik sa pisngi.

LuciérnagasDonde viven las historias. Descúbrelo ahora