"Ano nga ba sa tingin mo?" He grinned.

"H-Huwag mong sabihing..." Ano bang sinasabi ko? Tumaas ang kaniyang kilay na animong naghihintay sa aking susunod na sasabihin. "...h-hahalikan mo ako?"
Kinakabahang tanong ko.

Nakagat ko ang labi. Bakit ba kailangan ko pang itanong 'yon e alam ko naman na inaayos niya lang ang puwesto ko! Argh!

Napatitig pa muna siya sa'kin bago nagpakawala ng malakas na tawa. Tawang tawa ang hinayupak! 

Tengenee!!! Ako pa yata ang mapapahiya e.

"Ano ba?" Inis kong saad. Napatingin naman siya sa'kin na maluha luha pa sa sobrang katatawa.

"W-What?" Natatawang aniya.

"Bakit ba tumatawa ka?"

"Ha? Hahahaha! Wal-hahahaha! Wala."

Tanginang 'to! Pakyuuu!

"Isa pang tawa mo! Basag 'yang kaibigan mo!" Asar kong sabi habang nakatingin down there!

Natahimik naman siya agad at umayos ng upo. Ngayon ko lang napansin na nakatigil pala kami dahil sa traffic. Binalik ko ang tingin ko sa kaniya. Lalo pa siyang ngumisi.

Ewan ko ba! Nag iinit ang ulo ko pag ngumingisi siya!

"Mmm..." Ayan na naman siya, sa 'Mmm' niya!  "Ginawa mo pang dahilan 'yon ah gusto mo lang yata hawakan."

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Buwisit ka! Bakit ba kasi ang lapit mo sakin?!" Umayos na siya ng upo at sumeryoso.

"Inayos ko lang ang puwesto mo. Hirap na hirap ka eh. Baka kasi pagpreno ko bigla ka na lang mahulog diyan. Don't think too much." Aniya saka pinaandar ang kotse.

Napansin ko pang tumigil sina Erin sa tabi kaya nauuna na kami.

Bumaling na lang ako sa bintana. Hindi ko maintindihan, alam ko naman na ang sagot sa tanong ko kanina pero nagtanong pa rin ako. Sa totoo lang, hindi talaga 'yon ang nais kong marinig mula sa kaniya. Ewan ko ba! Parang may hinahanap akong iba. Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na lang na nagbilang ng posteng aming nadadaanan. Naisip ko na naman ang sinabi niya.

'Don't think too much.'

Pakyut ang pucha! So iniisip niyang may iba pa akong iniisip ganoon? Luh, fine!

Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Hindi na siya nagsalita pa kaya ganoon na rin ako. Maya-maya'y tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi ko siya nilingon pero ramdam ko ang pagkilos niya sa gild ng aking mga mata. Sinagot niya ang tawag.

"Yes? Oh?..tsh. Bakit?" Nakikinig lang ako. "Kate, hindi kami papasok. Tsh. Ano ba kasing ginagawa mo diyan?"

Kate? Ahhh! So? Babae.

"Fine! Uuwi rin naman kami. Yeah..Mmm..Okay. Hahaha. Sige." Saglit niya pang tinitigan ang cellphone bago binalik sa unahan ang tingin.

Bakit ko ba kasi pinagmamasdan siya? Nakikisakay ka lang, Carla!

Hindi na lang ako umimik. Naiiyamot ako sa pagbabago ng nararamdaman ko! Hayop! Kakakilala lang namin ah!

Napalingon ako sa kaniya sa ginawa niyang pagtikhim. Naipit na naman kami sa traffic! Timing na timing talaga e!

"Nagugutom ka ba?" He asked. I just shook my head. "Sigurado ka?" I nodded.

Hindi na siya nagtangka pang magsalita kaya tumahimik na rin ako.

The Unwanted Wife (Unwanted Duology #1)Where stories live. Discover now