chapter 1

174 11 4
                                    

Me?

I'm Paige Green

Isang makulit at masayahin na estudyante sa Ysleta High School.

simple lang ako.

Mayaman? Hindi.

Maganda? Hindi...ewan ko... haha,di ko alam eh.

Sexy? Aba syempre!

Matalino? Oo di lang seryoso.

Mabait? Oo naman, super..

I'm 15 years old.

Kami lang ni mama magkasama sa bahay.

Tatay ko? Di ko alam kung nasan siya.

Hiwalay na sila ni mama di pa ko nakakalakad.

Pero walang negative na sinabi si mama about sa tatay ko.

Marami akong kaibigan sa dati kong school.

Oo,kakalipat ko lang sa YHS.

Sabi ni mama dun na daw ako mag aaral.

Tinanong ko siya kung bakit.

Kasi hindi naman kami mayaman.

tapos dun ako mag-aaral ngayon?

eh pang mayaman yung school na yun eh.

Pero yaan na. Naenroll na ko ni mama eh.

Sana marami akong maging kaibigan sa pagpasok ko sa YHS.

~~~~~

Kasalukuyan kong inaayos mga gamit ko.

Ngayon kasi first day ko sa YHS.

Excited? OO ^__^

Sana mababait mga tao dun.

Pagbaba ko,nadatnan ko si mama na inaayos ang aking lunchbox.

"Ma alis na po ako. Baka malate ako."-sabi ko kay mama.

"O sige anak. Eto lunchbox mo. Ingat ka, tsaka,bawasan ang kakulitan. Baka kulitin mo mga bagong kaklasi mo. Tandaan mo iba na school mo at iba na rin yung mga tao dun. O siya at lumakad kana. Ingat."- mama.

"Haha,sige ma. Thank you"-ako.

Lumabas na ako sa bakuran namin at pumara ng tricycle.

Hindi ko pa nikita ng personal ang mayamang paaralan pero sikat ito dahil na rin sa mga mayayamang estudyante na doon nag aaral.

Nakatatlong sakay na ko. isang trike at dalawang jeep.

Medyo malayo rin ang YHS sa bahay namin.

Habang palapit ng palapit ang sinasakyan kong jeep sa YHS ay lumalakas ang kabog sa dibdib ko.

Kinakabahan ako....

Kinakabahan sa sobrang excitement!!!!! ^o^

"Para hooooo"-Sigaw ko kay mamang driver.

yung mga pasahero ay napatingin sa akin.

Na para bang hindi makapaniwala na ang isang Ysletanian ay nagcommute.

Samantalang kanina pa ko nakasakay ngayon lang nila napansin ang uniform ko.

Dali dali akong bumaba ng jeep.

at pagtingin ko sa harap ko ay ang napakalaking gate ang tumambad sa akin.

Ganito pala talaga kayaman ang paaralang papasukan ko.

Halaga palang ng gate na to ay makakapagpagawa ka na ng tatlong malaking bahay para sa mga low class.

Pumasok ako sa gate ng naglalakad.

"Good morning miss. Where's your car?"-bati ng School guard.

"Ah wala akong kotse. Di naman ako mayaman eh."-sabi ko.

Nakatingin lang siya sakin.

Parang hindi alam kung maniniwala sa sinabi ko o hindi.

"Manong maniwala na kayo na mahirap lang ako."-sabi ko ulit.

"Ah...eh...Pano po kayo nakapasok dito kung mahirap lang kayo?"-tanong ni manong

"Yan din ang tanong ko sa mama ko kagabi. O sige kita nalang tayo mamaya manong pasok na po ako."-kumaway ako sakanya.

at.

"WHAT THE EFFF! BAKIT TATANGA TANGA KA?"

Ooppss!

May nabangga ako.

Patalikod kasi akong lumakad dahil kumaway pa ko kay manong eh.

dahan dahan akong humarap sa nabunggo ko.

"Sorry. Sorry. Sorry."-sabi ko habang nagbbow sakanya.

Tapos.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAAHHAHA"-tawa ng mga YHS students.

Tinaas ko yung ulo ko para tignan kung sinong pinagtatawanan nila at nang makitawa rin ako.

pero.

"Mukha syang tanga! hahaha" sabi ni girl 1.

"Nagsorry siya kay Skye pero hindi man lang siya pinansin. Kawawa naman. hahaha"-girl 2.

"Aww,papansin kasi eh. hahaha. ayaw pa naman ni Skye yung mga kagaya niyang papansin."-girl 3.

yumuko ako at lumakad papunta sa locker room.

Buti naman at binigyan ako ni mama ng Mapa ng school na to.

Pagkarating ko sa locker room ay may isang panget na babae dun na nagbabasa ng libro.

"uhm, Hello! :)"-bati ko sakanya.

Gusto ko makipagkaibigan eh.

"Hi."-sabi niya nang walang emosyon.

"Pwede makipagkaibigan? Bago lang kasi ako dito at wala pa ak....."

Bigla nalang siyang tumayo hindi pa ko tapos magsalita.

Bakit kaya ganun yun?

Parang ayaw niya ng kaibigan.

Uhm.

At ang una kong misyon dito sa YHS ay ang makipagkaibigan kay.... kay...... aalamin ko palang. ^___^

The other side of PaigeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon