Chapter 11

102 4 3
                                    

Mag iisang lingo na mula nang makilala ko ang ama ko. Nakakapagtaka man pero parang sanay na sanay na ko na nandyan siya. Kahit may ibang pamilya na siya okay lang samin ni mama. Madali naming natanggap.Pero pag nakikita ko yung pagtitig ni papa sakanya kita yung pagmamahal sa mga mata nya. Mmm, di bale mas okay yun. May isa pang anak si papa, lalaki. Pakikilala niya raw kami sa isa’t isa.  Kinakabahan ako pero excited. Dahil may kapatid pala ako sa ama. At lalaki pa. Excited na ko makilala siya…. “Oy! Nakangiti ka na naman mag isa diyan Paige!” sita ni Cloud,sabay hampas sa balikat ko. “Aray ko naman Ulap ka! Bawal na bang ngumiti ngayon ng mag isa?” asik ko sakanya. Kung makahampas kasi wagas e.

Nasa gilid kami ng campus, kung saan may mga  malalaking punong kahoy. Dito kami tumatambay pag walang magawa pag nasa school. Presko kasi ang hangin at may man-made lake pa. “Oo bawal kung ikaw lang nakakaalam ng pagngiti mo. Mukha kang baliw diyan eh.”

“Walang hiyang ULAP KA! Sa ganda kong to magmumukhang baliw? Ano Anghel na Baliw sa Lupa?” Mukha daw akong baliw. Samantalang may nagsabi sakin mala-anghel ang ganda ko. Hahaha.

Tinignan niya ko….” Sinong nag sabing mukha kang anghel?” tanong niya na halatang nang aasar. “TATAY KO! MAY ANGAL?”

Mula nang makilala ko si Papa nabawas yung pagsama ko sa barkada. Kasi lagi kaming nagba-bonding nila Mama at Papa. “WALA MAY SINABI BA KO?!” Sigaw niya sakin. Tss. Ako na naman napagtripan neto. Mmm. Teka bat parang di ko nakikita si Skye? Makapagtanong nga. “Oy Light nasan si Skye?” Tanong k okay Light na sobrang busy sa paglalaro sa iPad niya. “ahh… Nasa an… shit!” Sabi senyo eh. Tignan niyo nagmura pa. Haha. “Oops sorry. Nasira yung paglalaro mo ^_^”  Hinging paumanhin ko sakanya.

“Hay naku. Konti na lang sana malalagpasan ko na si Kidlat. Ano kasi yung tanong mo?”

“Saan  si Skye? Di ko pa siya nakikita tatlong araw na. Di rin siya nagtetext” Oo tatlong araw ko na siyang di nakikita. Ni isang text wala akong natatanggap galing sakanya. Napano kaya yun.

Nakita kong bigla siyang napatingin kay Cloud. Tapos si Cloud naman napatingin sakin. “Ahh, Paige nasa bahay niya. May sakit yata.”

Ano?! May sakit siya at di siya nagsabi sakin?” Tss. Ano bang problema nun. Sana  naman tinext niya ko na may sakit siya. Para kahit pano nabisita ko siya. Tss. Skye talaga.  Pero di bale. Mamaya pupuntahan ko siya. Alam ko naman address niya. 

“Baket GIRLFRIEND KA BA NIYA?” Tanong ni  Chen.

Oo nga naman Paige, HINDI ka naman niya GIRLFRIEND kung makapag react ka diyan, dinaig mo pa si Charlotte nung baliw na baliw pa siya kay Skye. “Hindi. Pero kaibigan niya rin ako. Tapos kayo lang nakakaalam.” Sagot ko.

“Ganun talaga yun. Minsan selfish lalo na kung may pinaghuhugutan! Hahahaha.” Si Light.

Tapos sabay  na napatingin kay Light sina Cloud at Chenisse.  Anong problema nang mga to. Parang may alam sila na ayaw ipaalam sakin. Hayy.  

“Pinuntahan niyo na siya?” Tanong ko sakanila.

“Oo naman. Everyday, All night.  ^_^”sagot na naman ni Light

“Ano?! Tapos di niyo ko sinasama? Ang daya niyo. Di bale. Mamaya pupuntahan ko nalang siya sa bahay niya.”  Sabi ko sakanila.

Si Cloud parang naging uneasy tapos tumingin sakin. “ Ahh, Paige. Hindi na kaylangan magaling na yun. Sa totoo niyan tinatamad  lang pumasok yun. Wag ka lang mag abalang puntahan  siya.” Sabi niya sakin.

“Hindi. Pupuntahan ko na siya. Wala naman akong gagawin eh. Gusto niyo sumama?”

“Sige……” Light

The other side of Paigeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن