"Inaagaw? Bakit? Tao, hindi mo na siya girlfriend. Pwede niyang kausapin lahat ng gusto niyang kausapin." Diretsong sabi sa akin ni Kuya Uno. Hindinko nagustuhan ang narinig ko. Wala naman siyang alam sa nararamdaman ko.

"Hindi nya ba naiisip na nasasaktan ako??" Puta ang sakit sakit. Sana Twaylem pinatay mo na lang ako.

"Bakit? Bakit niya pa iisipin iyon? You have her once, Tao. Pero anong ginawa mo? Ginago mo lang. Ngayon, sino ka para kwestyunin ang kasiyahan niya? Oo kapatid kita. Kaso ang gago mo." Nag sisimula na akong magalit kay kuya.

"Don't act as if you still own her. Tsaka, bukod sayo wala ng ibang may nakakaalam sa mga bagay na gusto niya. Tao, palayain mo na."  Kalmadong sabi sa akin ni Kuya. But I cannot fucking calm.

"Are you lecturing me?!" Hindi ako mag dadalawang isip na sapakin si kuya. "Ano? Dadaanin mo sa dahas? Sige,mag suntukan tayo. Sa ganyan ka naman magaling. Act your age! Hindi lahat pwede mo daanin sa suntukan." Tumayo ako at hinigit ang kwelyo ni Kuya.

"You have to accept the fact that she is no longer in love with you. You fucking cheated on her!! You left her with some bimbo girl. Now your acting as if you didn't cause her so much pain?"natigilan ako sa sinabi ni kuya.

"Kung pinahalagahan mo. Hindi siya mawawala sayo. Kung iningatan mo,sana andyan pa rin. Pero gago ka e. Kampante ka masyado. Porquet mahal ka? di mapapagod. Porquet mahal ka di ka iiwanan? At porquet mahal ka, kahit ginagawa mong tanga.. habang buhay na mag bu-bulag-bulagan?" Natawa si kuya sa sinabi niya.

"Tinuruan mo sya na mabuhay ng wala ka. Ngayon, ito yung consequence ng kagaguhan mo. Kapatid kita,pero di ko matatanggap iyong ginawa mo sa kanya."

Tumahimik lang ako. Kasi tama lahat ng sinasabi niya.

"I am trying my best na intindihin ka. Kasi ikaw yung kapatid ko e. Kaso mali, maling mali na ipg palit mo yung taong halos buong buhay niya i-alay na sayo. Tapos ipag papalit mo Diyan sa babaeng panandalian lang?" Ang sakit sakit. Putangina.

"Ngayon na nabubuhay siya na masaya na wala ka. Tanggapin mo. Tutal, iyan naman yung gusto mo diba? You have no rights to get tired from her love. Alam mo anong tawag sayo? Selfish." Nag sisimula ng mag taas ng boses si Kuya.

"You abused her love!. Inubos mo siya. Piniga mo siya. Dinurog. Winasak! She deserve someone better. You do not deserve her. Ngayon, kung mag papalamon ka diyan sa kalungkutan mo. Walang mangyayare sayo."

"Kuya Uno. Tama na."

"Kyd, you stay out of this. Baka mamaya isa ka din masapak ko. Tarantado ka din e. Bestfriend ka ba talaga? Kunsintodor ka ding hayop ka e." Napayuko lang din si Kyd sa sinabi ni Kuya.

"Ngayon mag tataka ka bakit iniwanan ka? Bobo ka bang gago ka?" Pinipigilan ni kuya Una na huwag maiyak.

"Oo guilty ka. Pero you have to move forward. Learn from your mistakes. Learn from it. Let her go. You love her, right??" Wala akong masabi. Gusto kong mag makaawa kay Twaylem. Gusto kong humingi ng kapatawaran.

"Kuya, ang sakit. Para akong mamatay."

"Alam ko."

"Anong gagawin ko??"

"You have to set her free." Tinuro ni kuya yung puso ko. "You have to forgive yourself. And accept things. Sa ganon paraan, mapapalaya mo sarili mo. Huwag mong ipilit ang mga bagay na hindi na pwede." Yinakap ko si Kuya.

"Bro, please.. tulungan mo sarili mo. I know the pain is killing you pero.. you have to live."

"Hindi ko na kaya kuya."

"Kakayanin mo. Basta I am here bro. Tutulungan ka namin. Kaya ayudin mo na sarili mo."

"Gusto ko siyang balikan.."

"Tao. Tama na. Magiging okay din lahat."

Hindi ko alam ano na mangyayare. Baka ikamatay ko na to.

6 months later...
Sinundo ko si Kyd. Nagulat ito nang nakita niya akong nag mamaneho na ulit.

"Tara?" Tuwang tuwa ito nang makita niya ako. Bagong gupit na ako. Susubukan kong ayusin din ang sarili ko. Lumayo na din muna kami kina Donald.

Ayoko na din makipag kaibigan sa kanila. Kailangan ko na din silang kalimutan. Tapos na din siguro yung phase nila sa buhay ko.

"Tumatawag si Donald." Sabi sa akin ni Kyd. "Hayaan mo lang."

Simula kasi nung nag hiwalay kami ni Twaylem, palaging nag yayaya si Donald ng get together.

"Tsaka na lang din siguro tayo makipag kita sa kanila. Kapag okay na lahat." Tumango lang si Kyd.

"Saan tayo pupunta?" Tanong nito sa akin. "Kakain. Gutom na gutom na ako."

Siguro ito na din muna sa ngayon. Kailangan ko muna ayusin sarili ko. Masakit pa rin na nawala si Twaylem sa akin. Pero, sana kung papalarin kapag naisipan niya na balikan ako. Di ko na iyon sasayangin. Pero hindi na din ako aasa.

Kung kanino man siya mapunta,magiging masaya ako para sa kanya.

LABYRINTH ACADEMY SEASON 3(COMPLETE)Where stories live. Discover now