Chapter 9:A Four Dimensional Earthquake

2 0 0
                                    


Napalingon si riruru dahil narinig niyang nagsalita si nobita.

Riruru:Nobita-kun?Dumating ka?!

Nagulat sila nang marinig nila ang boses ni riruru mula sa stringless paper cup phone,mukang narinig sila nito,pinakinggan nila ang sinasabi nito.

Riruru:tamang-tama!pinag-iisipan ko pa nga kung babalik ako roon at dadalhin kita rito,gusto kong palakihin mo ang labasan patungo rito sa mirror world.

Ang tinutukoy siguro nito ay ang roll up fishing hole.

Riruru:mayroon kasi kaming army na paparating na darating rito,masyado silang marami kaya hindi sila kasya sa labasan nakikita mo naman hindi ba,gusto ko ang iyong kooperasyon,interesado kaba,kung oo,bibigyan ka namin ng special treatment galing sa amin,kung kaya't lumabas ka na dyan,nobita-kun,lumabas ka na!

Hindi nila alam ang gagawin kung kaya't naisipan na lang nila na tumakbo.

Nobita:takbo!

Ginamit nila ang Takekoputa upang mas mabilis ang pagtakas nila.

Riruru:hindi ko kayo hahayaang makatakas!!!

Sabi ni riruru at hinabol sila nobita nakasakay siya sa robot na si Zanda-Claus, kumaripas ng takbo sina nobita,sa kanilang daraanan ay hinarang sila ng mga robot na kasama rin ni riruru.

Kaya sa kanan sila dumaan ngunit pinapatamaan sila ng Lazer beam ng mga robot patuloy naman sila sa pag-ilag,nadala si nobita ng isa sa mga robot,at nasira na rin ang Takekoputa ni nobita.

Nobita:aaahhh!!!!doraemon!!!!

Doraemon:Nobita-kun!

May kinuha si doraemon sa kanyang bulsa.

Doraemon:Air cannon bang!

Pinatamaan ni doraemon ang robot na kumuha kay nobita at natamaan niya nga ito,babagsak sana si nobita nang masalo siya ni doraemon,napabagsak rin si doraemon.

Patuloy naman silang pinapatamaan ng Lazer beam ni riruru na sakay sakay ni Zanda-Claus.

Napatumba sila sa lupa,nang tumingala sila kung Sino ang gumawa ng iyon ay nagulat sila sa nakita.

Nobita:what!

Doraemon:Zanda-Claus!

Riruru:welcome nobita-kun!

Tumakbo muli sila,habol habol sila ngayon ni riruru at ng kinokontroll niyang si Zanda-Claus,gamit gamit pa rin ni doraemon ang Takekoputa at hawak hawak nya naman sa kamay niya na si nobita,sira na nga kasi ang Takekoputa nito.

Doraemon:hayun na ang labasan!

Sabi nito na tila nagkaroon ng pag-asa.

Riruru:hindi maari!

Itinaas ni riruru ang kanang kamay niya at gaya nga ng ginawa niya sa polar bear pinatamaan niya Sina doraemon ng Lazer beam.

Ang Takekoputa ni doraemon ang natamaan kaya nasira ito dahilan para bumagsak sila.

At sa wakas rin nakapasok sila sa roll up fishing hole.

Ngunit gumuho ang mundo nilang Makita ang kamay ni zanda -claus sa roll up fishing hole at pilit na ipinapasok ito roon.

Riruru:hindi ko kayo hahayaang makatakas!pipilitin Kong makapasok sa portal na iyan,upang mas mapalaki pa iyan!

Nobita:masisira yung portal!

Doraemon:hindi mangyayari iyon!imposible!

Pinipilit pa rin ni riruru ang pagpasok sa portal,hanggang sa nagkaroon ng napakalakas na pagsabog dahil hindi ito kinaya ng portal,nagkaroon rin ng sandaling paglindol.

Napatalsik sina nobita dahil sa pagsabog,napasubsub tuloy ang mukha ni doraemon sa lupa at inaalis iyon,tinulungan naman siya ni nobita,yun nga lang ng maalis ni nobita ang ulo ni doraemon ay nadaganan siya nito,puro usok na rin ang mga mukha nila.

Nobita:ang bigat mo!

Doraemon:ay!sorry

Itinayo ni doraemon si nobita sa pagkaka-upo.

Nobita:anong pagsabog ang nangyari kani-kanina lang!

Doraemon:A four dimensional earthquake,dahil nagpupumilit si riruru na makapasok gamit ang robot na si Zanda-Claus,ayhindi iyon kinaya ng portal kaya nasira niya ito,at dahil doon ang portal lang na iyon ang tanging pasukan at labasan patungong mirror world ay na-block na lamang.

Pagpapaliwanag nito habang nakatingin sila sa sira sirang roll up fishing hole.

Nobita:ibig sabihin hindi na makakaalis ang mga nakakatakot na robot na naroroon?!

Doraemon:oo tama ka dyan!

Nagyakapan pa sila dahil sa tuwa.

Nobita:at kasama roon si........riruru...........

Ang tuwa sa mukha ni nobita ay napalitan ng lungkot.






Doraemon: Nobita and The New Steel Troop Winged Angels(Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora