Chapter 1: Why Can't I?

6 0 0
                                    

Marga's POV 

"Baby, you ready?" mommy asked as I closed my luggage. 

"Yes, mmy." 

"I want you to know na kahit kami, ayaw naming lumipat and..." hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng mommy kasi nga I already know the reason nga. 

Lilipat na kami sa probinsya dahil nalulugi na ang kompanya ni daddy and they want to start a new business doon sa lilipatan naming lugar. 

"mmy... I completely understand. Isa pa, kahit saan pa yan, kahit sa dulo ng mundo, ok lang basta kumpleto tayo. Ikaw, si Daddy, si Nay Shelly at ako." 

"What did we do to deserve such a daughter like you?" She kissed my forehead. "Bumaba ka na at baka malate tayo sa flight". 

"mas maswerte ako dahil tatlo magulang ko" sabi ko sa isip ko. 

Hi! Ako nga pala si Margaret Reyes, Marga for short. And yes, tatlo magulang ko dahil si Nay Shelly, yaya ko, ang tunay kong ina. Tinatago nila sa akin yun, pero alam ko. And di ko kinamuhian ang Nay Shelly ko kasi naiintindihan ko siya. 

May sakit siya sa puso, at walang ibang kamag-anak na makakapag-aruga sa akin kung sakaling kunin na siya ng Panginoon at nag offer ang mag-asawang si Lily at Peter Reyes of which mommy and daddy ko na ngayon. Paano ko nalaman ang lahat ng iyon? Nakakabasa ako ng isip ng tao. 

Nung bata pa ako, akala ko may mga bumubulong na multo sakin. Umiiyak ako dahil iba-iba ang naririnig ko, lalo na kapag nasa public place kami. 

Pero naintindihan ko nadin as I grew up, and nasanay nadin at the same time.Nang naghigh school, sobrang nadepress ako dahil sa gift ko (kuno) na ito. Binabackstab ako ng friends ko, of which alam ko. May nanligaw sa akin nung grade10 ako, of which alam kong pinaglalaruan lang ako. Kaya siguro gusto ko din itong paglilipat namin ng bahay. 

 Mag-ggrade11 na ako. Perfect timing to start a new life. New life na iiwas sa mga sinungaling at manloloko (if there's any difference between the two). 

The plane landed at Davao City. 

 "Baby, There's something we need to do ng mommy mo. So mauuna na muna kayo ng Nay Shelly mo sa bago nating bahay, okay?" –Daddy. Business matters yun, narinig ko sa isip nila kanina yun. 

"Okay ddy" 

"Nak, puntahan ko muna ang susundo sa atin ha? Dito ka lang." –Nay Shelly. She calls me nak, ganun kasi daw talaga tawag ng mga bisaya sa anak nila and Bisaya si Nay Shelly, meaning bisaya din ako. Bisaya na hindi marunong mag bisaya. But I understand though. 

Nag-iisa ako dito with a lot of luggage. Then someone bumped me. Wait, what?! How did someone bumped me? Naririnig ko kasi isip ng tao so malalaman ko kung may papalapit sa akin o wala. 

 "Excuse you?!" I said in a sarcastic way. Then I looked into his eyes trying to figure out what he's thinking. 

But NOTHING. I hear nothing!! Wala ba siyang iniisip? O baka naman wala talaga siyang utak? I was shocked as he is also. Wait... Why is he shocked? Kilala niya ba ako? Did we met before? Baka may utang yun sakin... What?! Nakakafrustrate!! 

"I'm sorry" he said and left.

Hear My HeartWhere stories live. Discover now