Hinatak niya yung upuan sa harapan ko at umupo siya rito para makaharap ako.

"Alam mo, ikaw palang ang nakakatabi ni Hades." seryosong sabi niya.

Hades?

"Diba god of underworld yun? Si Kacey yung katabi ko." nagtataka kong sabi.

Bigla siyang tumawa. "Exactly! Kacey and Hades ay iisa."

"What?!" nawi-wirduhan din ako kay Tyler na 'to.

"Fine, I'll explain it to you. Kacey Clemente is a bully. She has a power to control and rule anybody. She can do anything she want to. Natatakot sakanya ang karamihan. So for me, she's the girl version of Hades." at tumawa nanaman siya.

"Eh, bakit parang ikaw ay 'di natatakot?"

He smiled. Ang weird niya talaga.

"Secret." Tumayo na siya. "Sige, ubusin mo na yang sandwich mo. Malapit na mag-time.

"Oh basta, tropa na tayo ha?"

I tried to smile. "O-Okay. Friends" makikipag-shakehands sana ako kaso tinanggihan niya ito.

"Oh, sorry dude. I don't do handshakes.  Brofist will do." At pinagbump niya ang fist naming dalawa.

Biglang pumasok ang pinaguusapan namin ni Tyler kanina.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa upuan niya na katabi ko lang.

"You don't have the right to stare at me!" sigaw niya sakin.

Napaiwas ako ng tingin. Kumagat nalang ako ulit sa sandwich ko.

**

Filipino Time namin at nagkaroon ng groupings. Group number 4 ako.

Lima kami sa group.

Nakaform kami ng circle at ito ang pwesto namin. Anne-Ako-Mike-Shekinah-Jack

Nalaman kong si Mike at Shekinah ang kabarkada ni Kacey.

Habang gumagawa ng report yung iba naming ka-grupo bigla akong kinalabit ni Shekinah.

"Steven, is it real?"

"Ha?"

"Is it real?" inulit niya pa.

Ano 'yon? Dalandan? Kendra lang?

"Hindi ko maintindihan."

"Kfine. Is it real na type mo si Kacey?" straight forward niyang tanong.

Napalunok naman ako.

"Naku! M-Mali kayo ng iniisip." tinaasan niya ako ng kilay.

"Ows?"

Mukhang 'di pa talaga siya naniniwala.

Tinaas ko ang kanang kamay ko na parang nangangako. "Swear, nagsasabi ako ng totoo. H-Hindi yun ganun."

"Okay. Sige, ano ba talaga ang real score?"

"Gusto ko lang namang siyang maging kaibigan and nothing more." nakayuko kong paliwanag.

Napatunghay ako nung bigla siyang tumawa at nasita tuloy kami ng teacher. "Sorry ma'am." sabi ni Shekinah.

Hinarap niya ako ulit. "Alam mo, dapat sinabi mo na kaagad. Nasampal ka pa tuloy. tsk."

"Ah hehe. A-Ayos lang yun!"

"Oh guys, ito na yung report natin. Ipasa nalang namin." biglang sabi ni Jack.

"Ako nalang magpapasa!" presenta ni Shekinah.

Trouble with the Nerds [On-Going]Where stories live. Discover now