" Nasaan ang babae mo?!" Galit na wika ko kaya napatitig si Stefano sa akin.

" Anong babae?" Kunot ang noo nitong nakatingin sa akin.

" I call your phone babae ang nakasagot sabi naliligo ka daw. Ilabas mo siya kung ayaw mong iba ang ilalabas ko!" Galit na sabi ko. Halos magtaas baba ang dibdib ko dahil sa sobrang galit.

" Calm down baby wala akong kasamang babae? At hindi ako naligo dito." Lumapit ito at hinaplos haplos ang buhok ko.

" Sabi ng babae kasama mo siya at naligo ka lang daw." Nangilid ang mga luha ko.

" Baby hindi totoo iyan. Kaninang nasa meeting room kami naiwan ko ang phone ko doon. Pinakuha ko sa Secretary ko at sabi niya may babaeng nagbigay sa kanya nakita daw sa table. Tsaka baby hindi ako naligo dito? Hindi ko gawaing maligo dito alam mo iyan" Napanguso ako oo nga pala. Palagi kasing nagbababad sa bath tub ang sweety pie ko. Oh di ba daig pa ako. Ako ligong ibon lang.

" Sino yung babaeng nanloko sa akin? Napaka walanghiya niya humanda talaga iyon!" Wika ko. Hinagkan ni Stefano ang noo ko. Pinaupo niya ako sa sofa.

" Okay, I'll check the CCTV in the conference room. Malalaman natin kung sino ang nanloko sa iyo." Napasandal ako sa dibdib ni Stefano.

" Sweety pie nagugutom ako." Bigla kasi akong ginutom sa galit.

" Okay ano ba ang gusto mo? " Tanong nito. Hinimas niya ang mala pakwan ko ng tiyan.

" Sweety pie gusto ko ng pizza na ang toppings puro gulay. Ayoko ng may meat." sabi ko.

Mula ng nagbuntis ako ayoko ng kumain ng baboy puro gulay, isda at prutas lang ang kinakain ko. Diet yata ang anak namin tsaka health conscious.

" Okay baby" Hinagkan niya ang labi ko.

" Thank you sweety pie. I love you so much"

" I love you too baby" Sagot naman nito. Kinikilig ako.

Patingin tingin ako sa babaeng nakahiga sa sofa ko. Buti na lamang malapad ang sofa at kasya si Alonah. Plakda ang babaeng nakalunon ng pakwan.

Tiningnan ko ang CCTV footage na pinakuha ko sa Secretary ko. Nagplay ang video nakita kong may isang babaeng naiwan sa conference room. Napakunot ang noo ko nang may kinuha itong phone sa pinag-upuan ko.

Pinazoom out ko ang kuha ng video nakita ko ang kabuuan ng mukha ng babae. Ito iyong kinuha naming model para sa ilalaunch namin sa product. Nakita kong sinagot nito ang phone ko umupo ito sa mahabang table ng conference room. Para tuloy siyang starlet na nagpo-posing. Itinaas pa ang paa nito habang nakapameywang pa. Parang gusto ko siyang ihulog sa building namin.

Tinawagan ko ang Secretary ko para ipatawag ang babaeng starlet. Parang gusto kong manabunot ng bulbol ngayon. Nang dahil sa ginawa niya nagalit ang baby ko. Paano kung mapaanak sa daan si Alonah at may mangyari pang masama sa anak namin.

Habang hinihintay ang salarin sa panloloko sa baby ko lumapit ako kay Alonah para bigyan ito ng halik sa labi.

" I'll be back baby" Bulong ko kay Alonah. Nakakatawa ang hitsura niya. Nakanganga at plakdang plakda ang pagkakahiga niya. Ang baby bump niya ay talaga namang kitang kita. Excited na akong makita ang baby boy namin.

"Sir nandiyan na po siya" tinanguan ko ito. Tumayo na ako para pumunta sa conference room.

Pagkapasok ko sa loob ng conference nakita ko ang babae na prenteng prenteng nakaupo. Napatingin ito sa akin nagpacute pa ang hitad. Parang gusto kong sabunutan ang buhok nito. Seryoso ko lang itong tiningnan.

 Tumayo ako sa harapan niya binigyan ko ito ng isang matalim na tingin.

" You're fired! You will no longer work in my company anymore!" Anunsiyo ko na ikinagulat ng babae.

" Why are you firing me?" Aba may gana pa itong magtanong sa akin. May pinindot ako sa remote at lumabas sa malaking screen ang mukha ng babae. Nakita nito ang ginawa niya mula sa pagkuha ng phone hanggang sa sagutin niya ang phone ko at ang paghiga niya na parang nagmomodel sa ibabaw ng table.

"What is the meaning of that? Bakit mo sinabi sa asawa ko na naliligo ako at magkasama tayo?" Nanlilisik ang mata ko sa galit. Isipin ko lang na may masamang nangyari sa mag-ina ko kahit babae pa siya mananapak ako. 

"Ahm... ano nagbibiro lang ako naniwala naman siya. Tanga lang siya nagpapaniwala sa biro ko" Dahil sa inis ko hinaklit ang braso niya na ikinangiwi ng babae.

"Alam mo bang kabuwanan na ng asawa ko? Wala kang karapatan na gamitin ang phone ko dahil in the first place you are just an employee here! Hindi mo alam kung gaano nagalit ang asawa ko at kahit malaki na ang tiyan nagpunta pa  dito dahil naniwala sa kasinungalingan mo! "Sigaw ko sa babae.

"S-sorry hindi ko naman alam na ganoon ang reaction niya." Hinging paumanhin nito pero wala naman sa pagmumukha niya ang senseridad. Pabalya ko siyang binitawan kaya napaupo ito.

"Get out of here ayoko ng makita pa ang pagmumukha mo!" Nanlaki ang butas ng ilong at mata ko sa kanya. Itinuro ko ang pinto para lumabas na siya. Halos ang litid ko sa leeg ay lumabas na. Nagmadali itong lumabas sa pinto halos muntikan na itong madapa sa pagmamadali.

"Sir hinahanap po kayo ni Ma'am Alonah" bungad sa akin ng Secretary ko. Nagpasya na akong puntahan ang baby kong bundat.

"Sweety pie naiihi ako." Inalalayan ko siyang tumayo. Napatingin ako sa sahig napansin kong basa ang sahig. Pati na ang binti ni Alonah ay basa na din. Naihi na siya.

"Baby naihi ka na!" Wika ko. Nanlaki ang mata ni Alonah.

"Oh my god, my water broke! Lalabas na si baby, sweety pie. Dali buhatin mo na ako manganganak na akwoooooo!!!!" Hysterical na sabi ni Alonah.  Naestatwa ang beklash . Nagloading pa sa utak ko ang sinabi ni Alonah the bundat. Manganganak? Ano iyon?

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13




BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon