Chapter 2

19.9K 529 19
                                    

" Ano ba fanot ako na naman isasangkalan mo diyan sa drama mo sa Mame mo lalo kay Granny?  Hay naku ayoko na! Sa iba ka na lang humingi ng favor. Huwag ako?!" Singhal nito sa akin.

" Baks sige na promise last na ito. Hindi na ako hihingi pa ng favor sa iyo." Napatingin ito sa akin. Kaya ngumiti ako ng ubod ng tamis.

" Pangit mo! Mukha kang lalaki!" Napangiwi ako sa sinabi niyang pangit.  Inirapan ko siya anong mukhang lalaki? Lalakwe kaya ako

" Sige na baks. Promise I'll be good." Napatulis ang nguso nito at pumaling sa kabila. Habang nakahawak sa baba nito. Naiinip ako kasi ang tagal niyang mag-isip. Para ngang nag-stop ang hitsura niya. Siraulo talaga. Bigla ko siyang tinampal sa pisngi. Nanlisik bigla ang mata niya sa akin.  Tsaka niya ako sinapak ng mahina sa panga ko. Shit! Ang sakit! Napahawak ako sa panga ko.

" My god bakit mo ako sinapak?! Ang face ko!" Hysterical na wika ko. I looked at my face in the mirror on my table. I felt relieved no bruises on my face. Ang OA.

" Bagay sa iyo iyan. Sinampal mo kaya ako!" singhal niya sa akin.

" Anong sinampal tinapik ko lang iyang face mo ang kapal nito!" Reklamo ko sa kanya.

" Sige na baks" Pakiusap ko. I clasped my hands. Napasulyap siya sa akin.

" Sige pero last na ha? Kasi nakokonsensya na talaga ako eh." Nakangusong sabi nito. Kung lalaki nga lang ba itong si Felicidad siya na lang syinota ko.

Hindi ko na inabala ang bestfriend ko baka naman mag-ala dragona na naman iyon. Mag-isa akong nagpunta sa bar para magrelax. Relax ba kamo baka magboy hunting ka na naman? Sabi ng isip ko.

Ewan ko para akong nawalan ng gana sa pagboboy hunting. May hinahanap akong hindi ko mahanap kasi hindi ko alam ano ang hinahanap ko? Baka naman alien ang hinahanap ko. Ano ka na bakla pati alien papatulan mo! Ang desperada mong bakla!

Habang umiinom may mga babaeng hitad na lumapit sa kinauupuan ko. Well magaganda at mga sexy naman sila. Para silang model ng bikini. Pero mga besh wala silang dating sa akin. Promise.

Napainom ako bigla humingi pa ako ng isa pang shot sa bartender. Oh, di bawala silang dating sa akin? Napalunok ako ng laway ng makalapit na sila sa akin.

" Hi pogi. Can we join you?" bumulong ang isang babae sa teynga ko. May pagkalandi ang pagkakasabi ng babae. I know she is seducing me. It's obvious naman mga baks. Naramdaman ko ang malalambot nitong dibdib sa aking braso. Sinadya nitong ibundol sa braso ko ang dalawang bundok tralala. Wala naman epekto sa chorva ko. Hindi ito tumindig.

Lumapit sa kabilang side ko ang isa pang babae. Dinilaan naman ang panga ko. Shit! Tumaas ang balahibo ko sa dibdib. Bakit naman doon dapat sa batok.

Nagulat ako ng may babaeng yumakap mula sa likod ko. Parang gusto kong ibuga ang iniinom ko ng himasin nito ang aking talong. Oh my gosh feeling ko ang talong ko magiging torta.

" You like it hun" sabi ng babaeng nasa likod ko. Para akong maiihi ng hipan niya ang batok ko. Kasi may kiliti ako doon sa part na iyon. Nagsimula ng mamaga ang betlog ko. Sa sobrang intense ng ginagawa ng babae sa akin. Diyos ko ano ba itong pinadala niyo sa akin. Mga maniac!

" Do you want to go somewhere, babe?" sabi ng isa na nasa gilid ko. She kiss my cheeks. Nakakaramdam na ako ng init sa katawan. Hindi init na sexual ang nararamdaman ko kung hindi mainit talaga. As in my god ikaw ba naman lingkisin at palibutan ng tatlong hitad sinong hindi maiinitan. Naka three piece suit pa naman ako. Kaloka.

" Can you please get off me!" sigaw ko sa tatlo. Pero tumawa lang ang mga babae sa akin.

" Girls take him!" Utos ng babae sa mga kasama niya.  Bigla nila akong hinila at sapilitang nilabas ng bar.  Para silang mga lalaki. Walang nagawa ang beauty ko sa lakas nila.  Isa akong mahina? Mahinang bakla!

" What the fuck! Saan niyo ako dadalhin!" Sigaw ko sa tatlo habang pumapalag. Nagulat ako ng may malamig na bagay na nilagay sa kamay ko. Pinosasan ako ng isang babae at ikinabit sa kamay ng babae.

Anong klase ang mga babaeng ito? Mga rapist! Sexual harassment ang ginagawa nila sa akin. May sports car na huminto sa harapan namin. Nanlaki ang mga mata ko dahil mga mayayaman pala ang mga ito. Sports Car ang pumarada sa harapan namin. Napangisi ang mga babae sa akin. Nanlaki ang mata ko ng may itinurok sila sa leeg ko. Mga ilang segundo lang nagdilim ang paningin ko.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #2  Seduce Me  (Stefano Dela Costa Story) COMPLETEDWhere stories live. Discover now