Chapter 13: When I see you

Magsimula sa umpisa
                                    

Naisipan kong pumunta sa puntod na lang ni Beatriz ko.

Habang nasa entrance pa lang ako nang cemetery, may taong nakatayo sa puntod ni Bea.

I was going to approach that person pero ang bilis niya ding nawala.

Someone left a candle and a flower today. Grabe love hindi talaga mawawalan ng tao na nagmamahal sayo.

Nilinis ko yung puntod niya at umupo sa tabi niya.
I prayed for her soul tas nilagay ko yung bulaklak na dala ko.

"Love start na volleyball season bukas, I wish sana nandun ka to play with me, with our dream team. Panoodin mo ako diyan sa taas ah. Tas guide mo kami, sabihin mo kay Lord bigay niya championship satin. We will dedicate this season for you Love. Wala na yung heart ng team, pero alam kong you'll stand by our side kasi alam ko namang di mo kami papabayaan diba? I miss you na love, three months already, di pa naman ako nababaliw at namimiss na kita ng sobra. I love you so much, isang hug naman diyan love! Kahit paramdam ka lang oh bukas sa game para may lakas ako, nakakapagod na love wala ka ih. Pero syempre lalaban ako for you."

Pinahid ko naman ang luha kong nagbabadyang tumulo, ayoko namang makita niya na malungkot na naman ako.

Sa pagpahid ko nakita ko ang isang papel na nakaipit sa may bulaklak.

"You need to wake up, find her, she's alive"

wow weird, sino naman kaya to? Tinago ko naman yung kapirasong papel kasi ayoko namang magkalat.

Nagpaalam naman na ako kay Beatriz at nagdrive na papunta sa sambokojin. Tinext kasi ako ni Ate Ells na kakain daw kami. Libre niya daw ako kasi may work na.


~ ~~~

*Restaurant

Nakadating na ako on time sa sinabing oras ni Ate Ells and in fairness nandun na din siya. Eagerly waiting for me hahaha ang saya niyang tingnan at halatang napipikon na. Ang dami na din niyang text sakin, siguro kanina pa to nag-iintay. Prank ko nga

*phone
"Hello Ate Ells" Jho

"Anuna Jho? Asan ka na?" Ella

"Hala sorry Ate Ells, nagpatawag si Coach ng emergency meeting eh. Cancel muna tayo sorry." Jho

"Langya naman Jho, 30 minutes na akong naghihintay dito." Ella

"Chos lang mare! Kita na kita cute mo sa red blouse! Ikaw na ba ang swerte namin this uaap season?" Jho

-table*

"Baliw! Ang tagal mo no?" Ella

"Gaga anong matagal 2pm usapan natin. Right on time ako ah! Sadyang maaga ka lang." Jho

"Eh hindi ko naman akalain na mabilis matatapos yung meeting ko." Ella

"Tama na explanation, kain na tayo!" Jho

"Wag na lang kaya kita ilibre?" Ella

"Joke lang naman Donya, madami ka pa bang kwento diyan?" Jho

"Wala! Umorder ka na nga lang diyan!." Ella

We ordered and then kumain din kami right after. Tamang catch up lang kaming dalawa, daming kwento parang isang taon kaming di nagkita.

"Picasso how's your heart?" Ella

"Kinakaya pa, dinadaanan pa din ako sa gabi ng lungkot, to the point na ayaw kong umalis ng kama ko." Jho

"Nandito lang kami for you, okay? Lalo na kapag kailangan mo ng kausap. Don't hesitate! Oki?" Ella

"You know Ate Ells yung feeling na laging may kulang. Tinalo pa yung pagkawala ko ng memorya. Miss ko na siya Ate Ells, miss na miss." Jho

Irreplaceable YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon