"Anyway, there's something else I would like to ask for a favor" tumingin siya sa kapatid, "I mean, kung okay lang?"

She shrugged her shoulders, "Oo naman, ano ba iyon?"

"I was invited as a guest speaker for this event. It's a charity foundation and unfortunately, program ni Sofia. I can't miss her first ice skating play" Sofia was into ice-skating, sinuportahan ng Kuya habang bata pa dahil baka doon nga ito mag-excel.

"Sure!" Basta para sa pamangkin hindi siya makahindi, "Kailan ba iyan?"

"Sa friday" he said and slide a white envelope to her, Kinuha na nito ang anak sa kanya para matignan ang nasa loob, "It's in Indonesia"

Indonesia?! "All expense paid, may sasalubong sa'yo pagdating doon"

That magic word was tempting pero, "Kuya, I can't leave my business that long--"

"You will" bossy nitong sagot sa kanya, "I'll shoulder your pocket money, too" ngumiti ito sa kanya, "Please?"

Napatingin siya kay Sofia na nagprapractice ng ice-skating steps sa harap ng malaking salamin, how could she say no?

---

"Kailan ang alis mo?" Tanong ng kaibigang si Catherine. She's the sous chef of Emery's. Ito ang in-charge kapag wala siya sa shop.

Napatingin siya sa kaibigan, "Sa friday na, two days from now!" She couldn't believe it.

"Indonesia, right?"

Tumango siya, "Yup!"

"'Di ba si Crissa nasa Indonesia?" Catherine said pertaining to their college friend. They are known as the Trio Pastress (Pastry + Princess) nung college. "Makipagkita ka! Tapos sampalin mo for me!"

Natawa siya sa sinabi nito. Hindi naman galit si Cath doon, but who would not feel that way kung biglang naglaho ang kaibigan niyo na walang warning man lang? Tapos magpaparamdam na parang walang nangyari?

"Akala ko nasa Thailand siya? Indonesia naman?"

Umirap si Cath, "Soul searching daw ang drama ng kaibigan mo" anito, inis na inis. "Sana binigyan ko na lang siya ng MAPA, dapat kasama natin siya rito, hindi ba? This is our dream!"

Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan, "This is just our dream. Hindi pa pala nawawala ang tampo mo sa kanya" Crissa left them when they were about to enter third year college. Doon pa ito nawala! Kung kailan pwede na sila mag OJT, malapit na iyon sa finish line!

Malapit na sana sila sa pangarap nila.

"Tatlo na lang tayo, e" anito, "You both know that you're all the family that I've got"

Tinignan niya ito nang mabuti, "Okay, I'll contact her at sasampalin ko siya ng very light for you" natawa naman si Cath.

"Akala mo talaga, e" anito, hindi naman kasi siya bayolenteng tao, sumigaw nga madalang niyag magawa. Siguro sa isip na lang, "Baka naman paguwi mo, may asawa ka na?"

Asawa? Agad agad?

"Sira" hindi niya maiwasang matawa, "Charity event ang dahilan ng trip ko at hindi paglalandi"

"Or you can do both!" Tinaasan siya ng kilay nito, "Ano ka ba, huwag kasing give lang ng give! Receive, receive din!"

Napailing siya, "I still love my life, Catherine" she said, "Bata pa tayo, hindi natin kailangan magmadali--"

"You said that five years ago. Oo, five years ago bata pa tayo, ngayon hindi na tayo bumabata!" Five years ago, she's twenty-three. Make sense.

She crossed her arms and smiled, "Alam mo ang labo mo! Sabi mo kami lang ang meron ka pero bakit parang binubugaw ko na ako! Bakit ba lovelife ko ang pinagiinitan mo? Wala ka bang lovelife?"

"Hindi naman sa ganun... pwede naman yung boyfriend pero huwag magaasawa agad!" lumapit ito sa kanya, "Ang akin lang, mula ng nagbreak kayo ni Theo hindi ka na yata umibig ulit!"

Hindi na siya sumagot, tumawa na lang. Hindi naman sa ayaw niyang magbigay ng tsansa sa iba pero puso na niya ang sumusuko. Baka hindi na niya kayanin ang susunod na sakit.

"Tss, magfafasting na ako ulit. Sasabihin ko kay Lord na tumibok sana ulit iyan!"

"Lord, pagpasensyahan Niyo na po itong kaibigan ko. Mas marami pa pong may kailangan ng lovelife - parang siya, maliban sa akin!"

Nagasaran pa sila sandali bago unang bumalik si Catherine sa loob ng shop habang naiwan siya doon sa labas at sinimsim ang mainit niyang tsaa.

Iibig daw muli? Hindi naman sa naging bitter na siya sa love pero natutunan niyang hindi madaliin ang buhay niya.

She learned that rushing things would only break her heart, and she learned it the hard way. Madali lang naman magpatawad pero yung makalimot?

She can't forget because that taught her to go on. To carry on.

But, speaking of Theo, kumusta na kaya ito ngayon? Sabi nila, some people need to break up so they could grow up...

Did he grow up?

Beautiful GoodbyeWhere stories live. Discover now