Chapter 1

714 17 17
                                    


Chapter 1


MAJHIE'S POV

Pababa na ko ng jeep nang mabilis na hablutin ng lalaki ang wallet ko. Fifty pesos nalang ang laman nu'n at pamasahe ko na lang 'yun pauwi, noh! Kaya naman agad ko syang sinundan.

"HOY MAGNANAKAW BUMALIK KA RITO! IBALIK MO 'YUNG WALLET KO!" I screamed at the top of my lungs.

Nakita ko syang lumiko sa isang eskinita at patuloy lang ako sa pagtakbo para sundan sya. Humanda talaga sa'ken ang hinayupak na 'yun kapag nahuli ko sya.

Gusto nang sumuko ng mga paa ko pero kaunti na lang ay maaabutan ko na sya kaya naman mas naging buo ang determinasyon ko na abutan sya.

Maya-maya pa ay nakisiksik sya sa napakaraming tao dahilan para mawala sya sa paningin ko. Pero nakipagsiksikan rin ako dun at sa paglabas ko,

Dumungaw sa'kin ang isang lalaking nakatayo at pinagmamasdan ang wallet na hawak nya.

Wallet na walang ibang nagmamay-ari kundi ako!

You guys might think na para bang ipagpapalit ko pa ang buhay ko sa 50 pesos kong iyon. Well, tama po kayo! Haha! Joke lang!

Wala akong paki sa pera kong 'yun. Nandun kasi ang mahahalaga kong ID Cards at ilang mahahalagang documents at talagang importante pa sa buhay ko ang mga iyon kaya naman hindi ako nagdalawang-isip na habulin ang hinayupak na magnanakaw na ito.

Lumapit ako sa kanya at hinablot ang wallet ko at..

Slap!

Sinampal ko sya ng pagkalakas-lakas.

"Walang hiya kang magnanakaw ka! Alam mo bang pinagod mo ko?! Hayop ka pa sa hayop!"

"M-Magnanakaw? Ako?" Nagtatakang tanong nya habang itinuturo pa ang sarili nya.

"At magmamaang-maangan ka pa, huh?!" Napansin ko ang pulis na nag-iikut-ikot roon at agad kong tinawag ang atensyon nito. "Manong pulis, hulihin nyo po ito! Magnanakaw po ito!!" Agad namang lumapit sa'min ang pulis.

"Huy, babae! Anong pinagsasasabi mo?! Hindi ako magnanakaw!"

"At magpapalusot ka pa, huh?! Baka kung sino pang mabiktima mo kaya mabuti pang ipahuli na kita sa pulis!"

"Ano hong problema?" tanong nung pulis pagkalapit na pagkalapit sa amin.

"Manong pulis, hulihin nyo po 'yang lalaking 'yan! Ninakaw nya ho 'tong wallet ko! Mabuti na lang at naabutan ko pa sya! Pero baka may mabiktima pa 'yang iba kaya hulihin nyo na!"

"Tara, sumama ka sa'kin!"--Pulis

"Ano ba! Bitawan mo ko! Huy, babae! Bawiin mo 'yung sinabi mo! Hindi ako magnanakaw! " nagpapapalag na sigaw nung magnanakaw.

"Sa presinto ka na magpaliwanag!" wika ng pulis

"Bleeh! Buti nga sa'yo!" sarcastic na sabi ko . Habang pinagmamasdan kong kinakaladkad sya ng pulis, napansin kong wala naman sa hitsura nya ang pagiging mahirap o kriminal. He looks nice at, okay, gwapo sya. The way he wears his clothes ay masasabing mayaman sya. But then again, hindi basehan ang physical appearance. Malay ko naman kung saang lupalop nya ninakaw 'yung suot nya.

Inayos ko ang sarili ko at chineck ang wallet ko and, Nice! Nandun pa yung 50 pesos ko! Pati na 'yung USB ko. Naka-save kasi ang mga iportanteng soft copy ng mga files at documents ko roon pati na ang aking resume. Dahil summer vacation ngayon ay napag-isipan kong magpart-time job muna sa isang hiring na BPO company para makapag-ipun-ipon kahit papano. Humanap muna ko ng isang malapit na computer shop para magpa print ng resume ko at mamaya, didiretso na ko sa BPO Company na aaplayan ko.

ARCH'S POV

I was on my way papunta sa workplace ko nanng may isang lalaking kumakaripas ng takbo papunta sa kinatatayuan ko.. Sa takot ko na baka magkabungguan kami, bahagya akong gumilid ng daan pero nagulat ako nang may bigla syang hinagis sa harap ko. Sinalo ko naman at pinagmasdan kung ano ito. Isang wallet.

Nagtataka pa rin akong pinagmamasdan iyon at pilit na iniisip ang posibleng sagot kung bakit nya inabot sa'kin nang biglang..

SLAP!

May biglang isang walang pakundangang babae ang lumapit at sinampal na lang ang gwapong mukha ko ng basta-basta.

"Walang hiya kang magnanakaw ka! Alam mo bang pinagod mo ko?! Hayop ka pa sa hayop!"

Eh? Anong pinagsasasabi ng babaeng 'to? Baliw ba sya? "M-Magnanakaw? Ako?? " Nagtatakang tanong ko sa kanya. Halatang hinahahabol nya pa ang hininga nya pero bakas na bakas sa hitsura nya ang pagkagigil.

"At magmamaang-maangan ka pa huh?!" Napansin nito ang pulis na nag-iikut-ikot roon at agad na tinawag ang atensyon nito. "Manong pulis, hulihin nyo po ito! Magnanakaw po ito!!" Bigla akong naalarma na sa pagkakataong iyon.

"Huy, babae! Anong pinagsasasabi mo?! Hindi ako magnanakaw!" naiirita nang sabi ko.

"At magpapalusot ka pa huh?! Baka kung sino pang mabiktima mo kaya mabuti pang ipahuli na kita sa pulis!"

"Ano hong problema?" tanong nung pulis pagkalapit na pagkalapit sa amin.

"Manong pulis, hulihin nyo po 'yang lalaking 'yan! Ninakaw nya ho 'tong wallet ko! Mabuti na lang at naabutan ko pa sya! Pero baka may mabiktima pa 'yang iba kaya hulihin nyo na!"

Bigla akong hinawakan ng pulis "Tara, sumama ka sa'kin!"

"Ano ba! Bitawan mo ko! Huy, babae! Bawiin mo 'yung sinabi mo! Hindi ako magnanakaw! " pilit akong nagpupumiglas pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak sa'kin nung pulis.

"Sa presinto ka na magpaliwanag!" wika ng pulis

"Bleeh! Buti nga sa'yo!" sarcastic na sabi nung babae habang binebelatan ako Shut! Humanda talaga saken ang babaeng yun kung sino man sya!

Dinala ako ng pulis sa presinto at doon ay pinakinggan nila ang side ko at nakapag-explain naman ako ng maayos. Nalaman din nila na anak ako ng mga Almazar kaya ilang saglit lang ay pinakawalan na rin nila ako.

Tssk! Humanda talaga sa'kin ang babaeng iyon once na magkita kami ulit! I will make sure that she will suffer to the core and she will definitely beg for mercy!

Silent HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon