"Gigising tayo na magkatabi sa isa't isa." Sagot ni Thomas.  

"Tapos? Ano na? Magiging okay rin ba ang lahat?"  

"Sshhh… relax ka lang. Hindi ko rin masasabi kung ano ang mangyayari pero nasisigurado kong magiging okay din ang lahat. Basta hindi lang tayo magpapaapekto. Okay ba ‘yun?" Tumango lang ako bilang sagot. Marahang hinaplos ni Thomas ang aking pisngi pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko.  

"Wag na masyadong mag-worry. Nandito ako. Hindi kita pababayaan." Hinalikan ako ni Thomas sa aking noo at niyakap. Pagkatapos nun, nagsimula na siyang kumanta nang mahina.  

"Because maybe, you're gonna be the one that saves me… and after all, you're my wonderwall…"  

He's slowly singing me to sleep with our favorite song. Unt-unti na ring bumibigat ang aking mga mata hanggang sa tuluyan na akong makatulog.      

Thomas  

Nagising ako dahil sa tunog ng aking cellphone. Pagtingin ko sa caller ID, si Mommy pala. Siguro pinapauwi na nila ako. I pressed ignore pero hindi pa rin ito tumigil sa pagri-ring. Tiningnan ko si Ara na himbing na himbing pa rin sa tulog. Bago pa siya tuluyang magising, sinagot ko na ang tawag ni Mommy.  

"Where is Ara?" Agad na pahayag niya.  

"Mommy, is everything okay?" Sa halip ay tanong ko sa kanya.  

"Thomas, magkasama ba kayo ni Ara ngayon?" There's a sense of urgency in her voice.  

"Ano naman ngayon, Mi? Wala naman kayong magagwa di ba? Mahal naming ang isa' isa at ipaglalaban naming ang nararamdaman naming." I said defiantly.  

"I understand, anak. But right now kailangan niyo nang bumalik ni Ara. Ihatid mo na siya sa kanila."  

"What do you mean, Mi? She's safe with me at wala naman kaming ginagawang masama. I can take her home kapag gusto na niya."  

"Anak, kapag hindi mo ibinalik si Ara sa kanyang mga magulang sa loob ng isang oras, ipapahuli ka nila. They're gonna charge you with kidnapping." Puno ng pag-aalala na sabi ni Mommy.  

"What?! But that's crazy!!! Kusang sumama sa'kin si Ara. Wala nga silang ebidensya na magkasama talaga kami ngayon! Isa pa, kilala nila ako."  

"But things are different now, Thomas. Kagagaling lang nila dito. Nagkaroon ng gulo, nakasagutan si Antonio at ang Daddy mo. Alam nilang tanging ikaw lang ang pupuntahan ni Ara. Please, sumunod ka na lang para hindi na lumala ang sitwasyon." Pagmamakaawa ni Mommy.  

"Thomas, what's wrong?" Nagising na pala si Ara.  

"Mom, I'll talk to you later." At tinapos ko na ang pag-uusap namin ni Mommy.  

"Thomas,  may problema ba?" Tanong ulit ni Ara.  

"Yung parents mo, hinahanap ka nila sa'min. Nagkasagutan daw ang mga Daddy natin. Alam nilang magkasama tayo. Mommy called para i-warn ako na ipapahuli daw nila ako sa mga pulis kapag hindi ka pa naibalik."  

"Nagkakagulo na sila dahil sa'kin. Bakit ba kailangan pang umabot sa ganito?" Ara buried her head in her hands.  

"Ara, wag mong sisihin ang iyong sarili. Matagal nang magkakaibigan ang mga magulang natin. Siguro naman hindi nila yun kakalimutan dahil lang sa isang hindi pagkakaunawaan."  

"Siguro nga kailangan na nating bumalik. Kailangan na nating harapin ang ating mga problema."    

Ara  

Tahimik lang si Thomas habang nagmamaneho patungo sa amin. Tinignan ko siya mula sa aking peripheral vision at nakikita kong napakalalim ng kanyang iniisip. Hinayaan ko na lang muna siya.  

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon