Chapter 9

7.6K 134 49
  • Dedicated kay Chris Jhon Alegrado
                                    

Chapter 9

Thomas

 

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Dad’s dead first wife came back from the dead or rather, pinaniwala kami ni Dad na patay na siya. But why would Dad do that? Ano ang rason niya para ipaalam sa lahat na namatay ang una niyang asawa?

“I don’t understand. Bakit niyo ‘yun ginawa, Dad?”

“Enough of this talk. Alam mo na ang katotohanan. Pwede ka nang umalis.” Daddy said dismissively.

“Mom, ngayon mo rin lang ba nalaman ang katotohanan?”

Hindi sumagot si Mommy. Instead, umiyak lang siya nang umiyak.

“Tulungan niyo naman ako para maintindihan ko ang lahat! Ano na ang mangyayari ngayon?!”

“Just get out of here, Thomas. Mag-uusap pa kami ng Daddy mo.” Si Mommy na mismo ang nagtaboy sa’kin.

“So ganun na lang ‘yun? Pagkatapos kong malaman ang tungkol sa unang asawa ni Daddy?”

“THOMAS, I REALLY DON’T WANT TO TALK ABOUT IT NOW! GET OUT!” Ubod lakas akong sinigawan ni Daddy.

“Thomas anak, makinig ka muna sa kanya. Umalis ko na please…” Pagmamakaawa sa’kin ni Mommy. I walked and slammed hard the door behind me.

Magkahalong galit, gulat at frustration ang nararamdaman ko ngayon. They didn’t even have the guts to tell me the truth. Ano ang totoong nangyari sa unang asawa ni Daddy at bakit ngayon lang siya nagpakita?

A sudden realization hit me.

Ara

Kanina ko pa tinatawagan si Thomas pero hindi man lamang niya sinasagot ang mga tawag ko. Ring lang ito nang ring. Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Bakit hindi niya ako sinasagot? Sinubukan ko na lamang siyang i-text.

Thomas, san ka na? I’m really worried about you. Ba’t di mo sinasagot mga tawag ko?

 

I hit send. Sana naman may reply na siya.

Isa, dalawang oras na ang lumipas pero wala pa ring Thomas na nagpaparamdam sa’kin. I’m really starting to get worried. Usually, agad na sinasagot ni Thomas ang mga tawag ko.

Engaged To My Enemy (ODTT Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon