KORIN'S P.O.V.

"GOOD MORNING KOOOOOORS!" bungad sa'kin nila Keigh at Quendrich.

"GOOD MORNING DEEEEEN!"

"Walang may paki sa inyo kung hindi kayo nag-iingay. Ano ba 'yan! Umagang-umaga ang iingay n'yo. Nakakahiya kayo."  Saway sa sa'min ni Mich.

"SORRY NA PO, 'TE MICH!" Sabi naming tatlo sa kanya.

"Leche kayo. Alis na nga ako." At 'yun nga, umalis na siya. Ayaw niya kasing tinatawag siyang ATE. Hihi.

Si Quendrich Stefan nga pala, babae siya pero panlalaki 'yung pangalan. Akala daw kasi ng parents niya, lalaki sya. HAHA. Inay ang tawag ko sa kanya.

Naghiwa-hiwalay na kami ng landas kasi magkakaiba kami ng secton. Sa Alexandrite si Quendrich at Keigh. Pagkapasok ko ng classroom, lahat sila pinagtinginan ako.

"Ano, ngayon lang nakakita ng maganda?"

"HA? Nasaan ba?"

"Parang wala naman."

"Sino ba?"

"Nasaan? Wala akong makita!"

"Tabi nga d'yan, baka nahaharangan mo."

Sagot nila 'yan. Bastos diba?

"LENGYA KAYO. ANG SAMA NIYO TALAGA."

Biglang may pumatong na kamay sa balikat ko. Nilingong ko at sinaksak ko. JOKE LANG. Si Theo pala.

"Okay lang 'yan. Relate ako sa kanila. Hindi ko din kasi makita kung sino 'yung magandang sinasabi mo."

"LECHE KANG HINAYUPAK KA! PATI BA NAMAN IKAW? ANG SAMA NIYO TALAGA!" Shiyet talaga sila!

"HAHA. Joke lang." Shet siya. Nilayasan ako pagkatapos akong tawanan at nginitian nitong lechugas na 'to.

Nagsimula na ang klase. ANG BORING! BAKIT KASI WALA DITO SILA MICH?! WALANJO!

Sumubsob nalang ako sa desk ko at hindi nakinig sa teacher. Tutal sa likod naman ako nakaupo, hindi ako makikitang natutulog.

"Hoy, bawal matulog."

SHIYETE NAMAN 'TONG SI THEO EH. NAKAKAGULAT NAMAN! LECHE.

"Ang hilig mo manggulat at mambwiset 'no? Kanina ka pa eh. Mauupakan na kita. Makikita mo."

"Haha. Sorry naman." Nagso-sorry ba talaga siya o ano? Sapakan nalang, ano?

"Bahala ka na nga d'yan, walang mata."

"Wow ha! Nahiya naman ako sa'yo, baka may mata ka eh no?"

"Shuddup! Leche ka, bui!"

"Sorry naman Mr. Henson at Ms. Javillana sa pag-uusap niyo d'yan. Mukhang nakakaistorbo kami sa ligawan niyo."

ISA PANG SHIYETE. NAHULI PA NGA KAMI! Napayuko na lang ako.

"Ay, sabi na nga ba eh!"

"Ayyieee!"

"May something talaga 'yang dalawang 'yan eh."

"Kaso may ibang crush si Korin, sayang."

"Yiiieee! Sinagot mo na Kors?"

ABA NGA NAMANG---! Naging issue pa nga.

"Che! Ingay niyo. Miss naman! Nagtatanong lang naman ako eh. Hindi ko kasi maintindihan 'yung sinasabi niyo." Paawa effect ko kay Ms. DiMapantayanAngGanda.

"Hahaha. Defensive much?" Echosera 'tong si Ms. DiMapantayanAngGanda

"Hindi Miss. Nagpapaliwag lang."

Are jokes really HALF-MEANT?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!