CHAPTER 45

2K 41 6
                                    



Camella point of view;





Hindi ako mapakali. Tingin ako ng tingin sa entrance ng restaurant ng tutunog ang bell sa ibabaw nito. Kinakabahan ako sobra. Pinapawisan na ako pati na ang mga kamay ko. Kinuha ko ang towel sa bag ko na nakapatong sa mesa at naglagay ng kaunting perfume sa leeg.




Tumunog muli ang bell kaya napatingin ako sa entrance at nakita ko si Richard kasama si--Anna na magka-hawak ang kamay. Its hurt like hell. 



" Kaya mo 'yan.." Cheer ko sa sarili ko at bumuntong hininga. Nginitian ko silang dalawa habang papalapit sa table ko.



" Oh?sorry Cam, were late. Kumain pa kasi kami ni Love sa paborito kung restaurant." Sabi ni Anna at kumapit sa braso ni Richard.



" Its okay. Take your seats." Sabi ko, umupo naman silang dalawa. Bali kaharap ko sila ngayon, " Gusto niyo bang kumain uli?. My treat.."



" No its okay Cam. Ikaw nalang ang mag order." Sabi ni Richard. Kinuha ko ang menu at pumili ng makakain ko.



" Huwag na nating patagalin pa 'to Camella. We need to end this." Sabi ni Anna, binaba ko ang menu at pinatawag muna ang waiter at ibinigay ko ang order ko.



" Were happy now Camella. So, you should move on and let go.." Sabi ni Anna.



Hindi ako nagsalita dahil nagsalita si Richard, " Love, kami muna ang mag-uusap ni Camella.." Kumunot naman ang noo ni Anna.



" Girlfriend mo ako. At dapat kung marinig at magsalita rin dito.." Matigas na sabi ni Anna.



" Yes you're my girlfriend and I love you. Diba sabi mo nandito ang mga friends mo? mag bonding muna kayo I know na gusto mo. I will text you if tapos na kaming mag-usap." Sabi ni Richard at hinalikan si Anna sa noo, nag-iwas agad ako ng tingin.




" Okay, I love you.." Sabi ni Anna.



" I love you too, take care." Sabi naman ni Richard. Tumingin muna sa akin si Anna na masama ang tingin, hindi ko nalang pinansin.




Bumaling sa akin si Richard matapos niyang tignan si Anna papaalis. They love each other, at wala akong karapatan na humadlang sakanila.



" Pasensya kana sa sinasabi ni Anna." Sabi ni Richard.



" Okay lang, tama naman yung sinasabi niya, kaya 'wag na nating patagalin pa boom-karakaraka." Sabi ko. Kahit papano nilagyan ko ng kaunting Joke para hindi kami mukang namatayan," Pero bago natin tapusin 'to lahat, gusto ko lang na malaman kong bakit mo ginagawa sa akin ang mga bagay na nagpapaibig ng sobra sa akin. Ang bait mo sa akin at sobrang concerned mo sa akin at 'yong sinabi mo na ' IPAGPATULOY KO LANG ANG NARARAMDAMAN KO SA'YO.'." Dagdag ko.



Huminga siya ng malalim at pinakawalan ito," Nung bumalik ka galing LA, sobrang saya ko 'non hindi ko alam kung bakit at mas lalo akong naging masaya ng makita kita sa bahay at alam kong mahal mo pa ako kaya sinasabi ko sa'yo na 'wag mong pigilan ang feelings mo sa akin. Nung hindi pa kami ni Anna, I tried to love you dahil para naman hindi ka masaktan sa akin diba? para naman masuklian ko ang pagmamahal mo. Pero, hindi ko talaga kaya dahil mahal ko si Anna kaya nung naging kami ni Anna masaya ako, pero hindi kita nalimutan non Camella. Kaya nung naghiwalay na kami ni Anna dahil n-niloko niya ako wasak na wasak ako 'non nung dinamayan mo ako. At doon ko lang narealize na nasasaktan karin pala sa akin kaya itinaboy kita para hindi kana masaktan sa pa.." Uminom muna siya ng tubig at nagsalita uli;



" ...Kaya nga akala ko 'non naka move on kana eh pero hindi pa pala, pero binaniwala ko 'yon at sinubukan ko naman namang lumapit sa'yo para matutunan kang mahalin pero ayaw talaga eh, hindi kita kayang mahalin dahil kaibigan ang turi ko sa'yo. Hanggang sa nagkabalikan uli kami ni Anna binigyan ko siya ng second chance. Kaya sana Camella..Mag move-on kana lang." Sabi ni Richard.



Hindi ko mapigilang hindi umiyak, kaya sumubo agad ako ng pagkain na inorder ko kanina pa at uminom ng tubig.



" Narinig ko na ang lahat..Thank you for trying to love me. I will try my best to move on." Sabi ko, dumating naman si Anna kaya pinunasan ko kaagad ang luha ko.



" Lets go Love, mukang tapos na kayong mag-usap. Bye Camella!I hope maka move-on kana." Sabi ni Anna at bigla akong yinakap.



Ngumiti nalang si Richard sa akin sa umalis silang dalawa. Doon na bumuhos ang mga luha ko ng biglang may yumakap sa akin.



" Now I understand kung bakit mo kami pinapatigil sa panliligaw sa'yo. Stop crying na ititigil ko na ang panliligaw sa'yo. Pero nandito lang ako sa tabi mo, at sorry sa inasal ko." Sabi ni Kenly.



" Thank you at sorry rin." Sabi ko.



" Hatid na kita pauwi.." Hindi na ako nag-inarte pa, nagpahatid na ako kay Kenly.



Habang papauwi na kami hindi parin ako tumigil sa pag-iyak at hinayaan nalang ako ni Kenly.



Ang hirap mag move at mag let go pero kakayanin ko.





To be Continue..

Should I Let Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon