Separation Anxiety

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi naman sya pinansin ni Adela; in fact, mas lalo pang sumiksik si Adela sa arm rest ng kanyang upuan para lumayo sa kanya.  Geoff let out a quiet sigh at nilapag ang kanyang lunch box sa mesa ni Adela.  Kahit hindi sya tinitignan ng dalaga ay tinitigan nya lang ito.  Tinignan nya lang ang maamong mukha ng kanyang mahal.  Hindi nya alam kung paano nyang naisip na paglaruan lang si Adela.  Sa pagmumukha pa lang ng dalaga ay kitang kita na na she had a very kind soul; the kind that would not even hurt a fly.  Ang tanga tanga mo, Geoff!  Ikaw na ang pinakamalaking gago sa buong mundo!  He reached up with his right hand to touch her arm with the back of his fingers.  Gusto nyang haplusin ang dalaga, pero nabalot sya ng kahihiyan.  It was as if he didn't deserve to touch her at all.

"Geoffrey Andres, kung ayaw mong mabalian ng mga daliri, layuan mo si Adela ngayon din," he heard Lilian's firm voice behind him.

Geoff looked up to see a very angrey Lilian looking back at him.  He took his hand back and just stared at the ground.  

"Lil," Derek tried to calm his girlfriend.

"Hindi, Derek, huwag kang makialam dito," Lilian turned from her boyfriend and back to Geoff.  "Lumayo ka muna kay Ada, Geoff.   Please lang."

"Okay lang, Lil," sabi ni Adela habang sinasara ang kanyang librong binabasa.  She put her book back in her backpack at kinuha na ang textbook, notebook, at pencil case para sa first subject nila.  "Nanghihiram lang sya ng lapis," she took a pencil from her pencil case and for the first time, looked at Geoff.  "Sige, sa yo na yan," she pursed her lips into a thin line and began writing the date on her notebook para hindi nya na tignan si Geoff.

"Ada..."

"Nakuha mo na ang gusto mo kaya umupo ka na sa upuan mo," Lilian said bluntly.  "Dun sa original mong upuan ha? Dun sa likod.  At isama mo na rin itong si Derek," Lilian huffed.

"Sweetie naman, galit ka pa rin ba sa akin?" Derek complained.

"Oo, kaya shoo!  Dun muna kayo, mga gunggong."

Geoff didn't listen to Lilian and sat in his seat behind Adela.  Wala syang paki sa kung ano man ang sinasabi ni Lilian.  He was determined to win back his love.  He knew it would be an uphill battle, pero hindi nya kaya na mawala ng tuluyan sa buhay nya si Adela.  He was in love with her, and that's all that mattered.

***

"Ada, mauna na ko ha, may meeting pa kasi ang ASB about graduation eh," nagpaalam si Lilian kay Adela nung nagbreak na sila for lunch.

"Sige, okay lang."

"Meet na lang kita sa cafeteria."

"Hindi na, sa labas na lang ako kakain.  Fishball," she giggled.  "Mamimiss ko rin naman kasi ang mga street food natin."

"O sya, enjoy."

Adela stuffed her things into her backpack at mabilisan ng susunod dapat kay Lilian.

"Ada, teka, sabay na tayo kumain," Geoff said behind her.  "Di ba dinalhan kita ng pagkain?  Sige na, tikman mo.  Si nanay nagtimpla nyan para for sure masarap," he smiled and handed her the lunch box again that she deliberately left on her desk.

"Uh, sige, nakakahiya naman kay Tita," she took the bag from him.  "Salamat na lang  kay Tita ha."

"Ada..."

"Geoff, please, huwag mo na akong kulitin."

"Ada, manliligaw ulit ako.  Liligawan ulit kita, this time, wala ng bet bet.  Manliligaw ako dahil mahal na mahal kita at hindi ko kaya na wa..."

"Geoff, please," she pleaded with him at iniwan na si Geoff sa classroom.  

Lumabas na nga ng school si Adela at pumunta kung saan nagtitinda ng fishball.  Sinundan nga sya ni Geoff pero tinanaw lang sya sa may gate.  He watched as Adela walked up to some street children na nakatambay dun.  Nakita nyang tinawag ni Adela ang mga bata at umupo sila sa may bangketa.  Nilabas ni Adela ang mga pagkaing niluto nya at nakita nyang binigay nya ang kanin at ulam sa mga bata.  He felt sad na hindi man tinikman ni Adela ang dinala nya, pero he saw na she was genuine naman in giving it to the kids.  At least hindi nya lang tinapon.  Nakita rin naman nya ang mga ngiti ng mga bata na sobrang nasiyahan sa pagkain nila.  Narinig nya ang mga bata na nagpasalamat kay Adela.  Bumili muna si Adela ng fishball at kumain ng mabilisan bago pumasok na ulit ng gate.  Sinundan nya ulit si Adela at kinuha na ang bitbit nitong lunch box.  Hinawakan nya naman ang kamay ng dalaga kahit wala syang permiso.

Begin Again #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon