SM: Chapter 55

30.7K 422 38
                                    

Dedicated to mjc_19

COMVO

=============================

-CHAPTER 55- 

Kathryn's POV: 

“Dad—anong ginagawa mo dito?”

Huminto ako sa pagbaba ng stairs dahil sa lalakeng ang laki ng ngiti saakin.

“Good morning din sa’yo, Kath.”

Tinaasan ko lang siya ng kilay tapos bumaba at pumunta sa harapan n’ya.

“Si Daddy?”

 

“Umalis na.”

Tumango ako, “Oh don’t tell me may lakad tayo?” kasi sabe ko sakanya sabihin naman n’ya ‘pag mag aaya siya. Psh.

“Wala wala, pero dito muna ako, ha?”

Naningkit lang yung mata ko, “Para namang aalis ka ‘pag pinaalis kita.”

Dederetso na dapat ako sa kitchen para sana kumain pero hinila n’ya ‘ko paupo.

“Binilan kita breakfast.”

Tumango naman ako at pinanood s’yang i-prepare ‘yon, aba, gusto n’ya ‘yan, eh.

“Oh, say ‘aaaah’..” 

At do’n na talaga naningkit yung mata ko.

“Ano sa tingin mo ginagawa mo?”

 

“Sabe ko nga, eh, may kamay ka ‘di ba? Hala, sige, kain.” Sabe pa niya ng tumatawa.

Inirapan ko lang si Daniel tapos kumain na ng tahimik.  Para kasing tanga, wala naman s’yang mapapala dito sa bahay at mas lalong wala siyang mapapala saakin.

After ilang minutes tapos na din ako kumain. Ililigpit ko na sana pero nag presinta siyang siya na daw magliligpit, ‘de okay. Sinamahan ko s’ya sa kusina. Nakaupo lang ako sa counter habang s’ya naghuhugas.

“Sila ate?” tanong ko sakanya.

“Nag grocery sila. Kaya, ako lang kasama mo. Hehe.”

Hindi ko lang s’ya pinansin.

“Umuwi ka na pagtapos mo d’yan.”

She's Mine. [SB BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon