Dedicated simren_wendhell_sam.
COMVO.
=====================================
-CHAPTER 51-
Bea's POV:
“Sa’n punta?” Jerome asked me no’ng nakita n’ya kong nagsusuot ng sapatos.
“Sa kaibigan ko.”
“You’re kidding, right?” natatawa pa niyang tanong.
Binalibag ko s’ya ng unan. “Jerk”
Tumawa s’ya ng malakas at nag hands up. “Wala ka naman kasing kaibigan—oh, no offense.”
“None taken.” Tapos binalibag ko ulit s’ya ng unan.
“Seryoso, Bea, sa’n ka pupunta?”
“Sa kaibigan ko nga! May kaibigan na ‘ko ngayon, huh, sorry ka.” Tapos kinuha ko nalang yung bag ko at tumayo na. “Later, loser.” Tapos lumabas na ‘ko at sumakay sa kotse ko saka nagmaneho sa bahay ng ‘kaibigan ko’. Na, syempre, ‘di ko naman talaga kaibigan. Sa, totoo nga, eh… hindi n’ya alam na papunta ako sakanya. Hihihi.
Mga 10 minutes ng makarating na ’ko sakanila. Nag doorbell ako’t hinarap ng maid nila. “Ah, sino po sila?”
“Bea Salvatore. Kaibigan ako ni Kathryn.”
------------------------------------
Kathryn’s POV:
May nag doorbell. “Ate, pabukas po!” sigaw ko’t maya maya tumatakbo na si ate para tanungin kung sino yung nag doorbell. Mag isa lang ako ngayon kasi nasa work pa si papa. At thank God wala si Daniel para manggulo.
“Ma’am, kaibigan n’yo daw po yung nasa labas.” sabe ni ateng inutusan ko.
“Huh? Si Aria po ba? or si Julia?” takang tanong ko. Eh, nasa vacation sila... kung ganon ba’t pa ’ko nagtanong ’di ba? Minsan talaga nagiging tanga na ’ko, eh.
Umiling naman si Manang. “Hindi po ma’am, eh.”
“Huh? Eh sino?” sabe ko at naglakad na palabas bago pa man din makasagot si Ate.
ČTEŠ
She's Mine. [SB BOOK 2]
Fanfikce[Book 2 of She's Back] Nawala at bumalik noon dahil sa mahal niya. Ngayong, okay na sila at patuloy ng masaya sa isa't isa. Ba't parang ngayon lang ulit nagparamdam si tadhana sakanilang dalawa? Susuko na ba sila? o lalabanan nila ang pagsubok na it...