Special Update 4

Magsimula sa umpisa
                                    

Tuwang-tuwa naman ang mga taong nakatingin sakanya habang abala siyang pinag-iisipan kung saan siya pupunta.

“bata nawawala ka ba?” isang nagmamalasakit na babaeng teenager ang lumapit sakanya . may kaputian ito at medyo may kahabaan ng buhok.

“Mommy Bah said do not talk to strangers” tinalikuran nito ang babae at muling nag-isip kung saan nanaman siya susuot.

“sabi ko naman kasi sayo inglesera yan! balat palang hahahaha” sambit ng lalaking kasama nito na matangkad at talaga namang mag hitsura.

“kawawa naman kasi siya, tignan mo nga! Ni hindi niya alam kung saan siya pupunta”

Lumapit pa din ang babae sa batang nawawala.

“You can trust me naman.” Nakangiting sabi ng babae.

“Hayaan na kaya natin siya Colette? Parang ayaw ka naman pansinin. Wala ngang reaction sayo yung bata hahahaha” pang-aasar ng kasama nito

“Pwede ba? I just want to help her.” She retorted.

Nang walang anu-ano’y  biglang nagsalita ang kanina pang nawiwiling bata sa pag-aaway ng dalawa “really? you won’t hurt me? You’ll buy me ice cream?” *O*

“oi Colette! Ice cream daw! Ilibre mo na din ako a hahaha” pambibwisit pa nito sa kasama.

“KZ pwede? Diba ikaw nagyaya dito kaya dapat ikaw manlibre!”

“Is he your boyfriend? I think I saw him somewhere” sabat ng bata sakanila.

“Bo-BOYFRIEND? Sandali nga? Bata ka ba talaga? Bakit kung anu-anong minumutawi ng bibig mo?” medyo napataas ang kilay ng dalaga sa sinabi kasing iyon ng bata.

“you look good together! Like my tita and her boyfriend hihi”

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon