*W*

23 5 0
                                    

“Walang Katulad”

Lahat ng tungkol sa ‘yo, nagustuhan ko
Mula sa panlabas na anyo
Hanggang sa bukal mong puso
Katangiang maladiyosa, ika’y perpekto.

Ang malaanghel mong mukha
Kasama ng malapusang mga mata
Ang matangos mong ilong, nadedepina
Mapupulang labing tila inaakit ka.

Mga bagay na sa ‘yo lang makikita
Kaya hiling ng maramiy makuha ka
Sa tingin mo, hahayaan ko sila?
Pwes, huwag na silang umasa.

Hindi ko maintindihan, minsan masungit, minsan masaya
Kunwari’y malungkot tapos biglang tatawa
Pero sa oras na ngumiti ka
Sa mga labi mo, ako’y nahahalina.

Makulit pero masarap kasama
Maingay pero musika sa aking tainga
Kahit minsan, medyo pagkabaliw ka
Mahal kita, walang katulad, kakaiba.

Random PoetryWhere stories live. Discover now