*D*

72 14 5
                                    

"Dahilan"

Wala ka na naman sa aking tabi
Sa bagay, ganiyan ka naman palagi
Sa pag-uwi nga 'di na tayo nagsasabay
Kaya paanong hindi ako masasanay?

Kung hindi sa computer shop ang punta mo
May laro naman kayo ng mga kaibigan mo
Minsan, may importante kang inaasikaso
'Ano yan? Mas importante kaysa sa girlfriend mo?

Hoy, hindi ako uto-uto
Alam kong niloloko mo na ako
Pasalamat ka nga nakakapagtimpi pa ako
Kasi sa totoo lang, nanggigigil na itong kamao ko.

Napapagod din kasi ako
Nagsasawa sa mga palusot mo
Naririndi sa mga walang kuwentang dahilan mo
Nangangawit kakatango bilang sagot na "Oo."

Aaminin mo lang naman kung may bago ka na
Bakit kailangan pang gumawa ng istorya?
Hindi naman ako magagalit o magwawala
Baka masapak ko nga lang kayong dalawa.

Random PoetryWhere stories live. Discover now