Mr. Omegle - Part 11

449 18 3
                                    


YEEEES! UPDATE DIN SA WAKAS! Nag eeffort na talaga ako guys. Sa blackberry ako nagtatype ng story tas cocopy ko tas sesend ko sa facebook tas pag ipad na ng tatay ko hawak ko, cocopy ko sa facebook tas papaste ko dito. EDI WOW. BOOM PANES. ARAY KO BH3. Ajejeje.

Okay so yung medyo unang part ng ud na 'to ay last year pa, tinuloy ko lang. So hindi ganun kaaccurate yung writing style and churva.

-Jan

--x

DAN'S POV

"So hanggang kelan magiging ganito pwesto natin?" Sabat ko, nakaakap pa rin kasi.

Pero please lang wag kang bibitaw. Parang tanga ako eh 'no? Nagsabi pa ko ng ganun, tuwang tuwa naman akong kaakap siya. Pambihirang buhay is a bastard nga naman oh.

Ayun, bumitaw siya bigla. "Ay sorry, akala ko si Ivy." Ivy mo mukha mo.

At dahil autistic kaming lahat at walang may dalang cellphone except ako kaso lowbatt, eto, nakaupo kaming apat, katabi ko si fag, katabi ni fag si Ivy, tapos si Van. Psh.

"Teka magseselfie nalang ako." Sabi ko bigla. Ang awkward kasi, walang nagsasalita.

Nilabas ko sa bag ko yung cellphone ko at nadiskubre kong hindi pala siya lowbatt. Aba'y malay ko ba? Tao lang naman ako, madalas nagkakamali. Tae.

"Hala siya? Kelan ka pa nakakita ng babaeng nagseselfie sa madilim?" Sabi ni.. van? Ewan ko nasa dulo siya eh di ko naman makita.

"Hindi ka talaga makakakita. Madilim nga diba? Ijot."

Narinig ko nalang siya magchuckle. Hay nako. Grabe. Ramdam ko yung ngiti niya. Hanep ka, Dan.

"Ehem.. Uhhm baby takot ako sa dilim..." Biglang interrupt naman nung Ivy.

Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis. Bakit mag gigirlfriend si Van ng ganitong klaseng babae? Pabebe. Pacute. Hindi naman sa nagjujudge ako, pero sa limang minutong nakasama ko siya at sa kwento ni Fag tungkol sa kanya, sigurado akong hindi sasaya si Van sa babaeng 'to. Hindi niya yan type... di din ako insecure. Nakakainis.

"Os? I'm sorry babe, hug nalang kita." Sabi ni Van.

So kailangan inaannounce?

"Psh.. nagpapaniwala ka naman diyan. That girl has never been afraid of anything but me" Sabat ni Fag

"Ha? Pano mo naman nasabi? Close kayo?" Nagtatakang tinanong ni Van.

"Baby, wag mo nalang siguro yan kausapin.. I don't know him." Mahinhing sabi ni ivy

"Oh c'mon, Ivy. That's just stupid, pretending like you've never met me. What? Go on! Convince your so-called boyfriend that I am a stranger and you've never begged for my kisses-" Galit na galit si fag, ramdam ko yung inis niya.

Grabe, mahal na mahal niya talaga si Ivy. Nakikita ko na agad kung gaano kaswerte ni Ivy kay Fag. And if you'll look at them, they look alike. They're so perfect for each other.

Ehem, totoo ang sinasabi ko. Hindi lang para malayo si Ivy kay Van. Bagay talaga si Fag at si Ivy.

"What? Kisses? Ex mo ba yan, Ivy?" Halata namang hindi gulat 'to si Van, malamang wala siyang pake eh feel ko di naman niya talaga girlfriend si Ivy.

Wait what. Wag assumera, Dan.

"Yeah.." Mahinang sagot ni Ivy

"Yeah?! YEAH?! THAT'S BULLSH1T, IVORY." Nagpause bigla si Fag at huminga ng malalim. "Don't do this. Hindi sa nagpapaawa ako but I have heart problems. Literally. Hindi ako pwedeng nagwawala ng ganito."

"Heart problems? Hindi mo nabanggit sakin yan ah." Sabi ko naman matapos mapanis ang laway ko dito.

"I talked to the doctor yesterday, and he said I should take care of myself and especially my fvckin' emotions."

"So ano? Gusto mo bumalik sayo ex mo ganun?" Kalmadong tanong ni Van as I listened to their arguement quietly.

"She's not my ex, dumbas$!! Ivy's still mine and she'll always be mine! Know your place, pare. Dan has always been there for you and yet kung kani-kanino ka lumalandi."

"Hoy.. !! Hindi naman kasi... ugh screw it. Hindi nga talaga kasi kami pwede ni Dan. And that's it."

Ayan ka nanaman eh. You're so ambiguous and vague and just.. secretive. Bakit hindi mo nalang idiretso? Do you really want me to give up, huh van? Maybe it's time to make everything clear. Medyo nakakapagod na rin kasi.

"Bakit ba kasi? Ha?!" Sigaw ko.

Naiirita na talaga ako and I'm glad na madilim dito. Ramdam ko na yung parang ewan sa lalamunan ko, naiiyak ako. Para sa isang babaeng homeschooled na nakakulong sa kwarto araw araw at hindi exposed sa mga social conversations sa personal, napakahirap magadjust sa mga ganitong bagay. I was always use to chatting. Iba pala talaga sa personal. It's like watching a live movie.. only I am the one acting.

"I'm sorry Dan.."

Hindi ko maintindihan yung tono ng boses niya. We've always been close pero parang di ko siya kilala ngayon.

"Bakit nga?"

"Hindi talaga pwede"

"Putek bakit nga?!" I shouted as my hoarse voice filled the small elevator.

Ilang segundo rin ang lumipas, walang nagsasalita. Napayuko nalang ako sa tuhod ko at nagmukmok. What could go worse than appearing desperate?

"KASI BAKLA AKO! Okay?! Ayan na! Hindi ko kayang mahalin ang bestfriend ko dahil ayokong madisappoint siya! Masasaktan ka lang lalo pag pinaasa kita.. I'm sorry.."

Holy. Crap.

Mr. OmegleWhere stories live. Discover now