Mr. Omegle - Part 7

1K 23 5
                                    

------------------------------------------------------------------

DAN TRINIDAD'S POV

You are now video chatting with a random stranger.

You both like, Philippines, Faggot, B*tch, Rivera and Kalabasa

Stranger: we meet again, b*tch

You: Hey fag. What's with your cam. Hindi gumagana?

Stranger: Ah tinatakpan ko muna HAHAHA

You: Bakit naman -_-

Actually nakatakip rin yung akin eh.

Stanger: Lol cuz im half naked

Stranger: HAHAHA i mean wala kong shirt

You: Sabi na eh HORNY KA!!

Stranger: Hindi lang nakashirt, horny agad? -.-

You: OO BAKIT BA. Dalian mo sabay nating buksan.

Stranger: Ok na. 

You: ready? in 3

Stranger: 2

You: 1

Bigla naming binuksan yung camera namin. 

"Holy Sh--pirit" Bulong ko.

"Rinig ko yun." Oh gawd. Ang sexy ng boses niya. Ang hot ng katawan niya. Ang gwapo niya. I CAN'T BELIEVE THIS. IM SO LUCKY.

Napangiti nalang ako sa Camera. Itsura ko pa naman, nakamessy bun, tank top na white at shorts. Hindi revealing ah!

Tapos siya.. nakatopless. Backward cap. Pants. At mukhang nasa kwarto niya siya, puro basketball stuff ehh.

"Ba't di ka nakashirt?!" Sigaw ko sabay takip ng mata ko.

Tumawa lang siya. "Hahaha! Pagkatapos mo kong titigan for 5 minutes, ngayon mo lang sasabihin yan?? Sinulit mo ahh.."

"Faggot" sabi ko ng nakatakip parin mata ko. 

"Ayan, nakashirt na 'ko." Sambit niya. Shucks.. ang husky ng boses niya!!

Dahan-dahan kong binaba ang kamay ko. Hay salamat, nakashirt na siya. Na fit. So halata parin yung details ng katawan niya. Oh ghad.

"May boyf--"

*Riiiiinggggrinnggg!!*

Peste.

"Sorry, kunin ko lang 'to saglit." Sabi ko sabay silip ng cellphone ko.

"Take your time, b*tch."

Putek! Si Van pa ang tumawag! Ano nanamang gusto nito?

"Anong kailangan mo??" Agad kong tanong.

[Hey chill. Kamusta?]

"I don't have time for this, Van."

[Ano bang ginagawa mo at hindi mo ko makausap?]

Aha..

"Nakikipag video chat." Nakangiti kong sagot.

[WHAT? KANINO?!]

"From a guy I met in omegle."

[Ha?! Baki--]

*tooootoooot*

Binaba ko kaagad. Bahala siya!

Pagkatingin ko sa screen, yung hot guy nawala. Asan siya? Yung kwarto niya lang nakikita ko.

You: Huy asan ka?

Stranger: Salita ka muna :P

You: -___-

"OY FAGGOT, LUMABAS KA DIYAN!" Sigaw ko sa laptop.

Nagulat ako nung biglang may cap na umangat. Tapos buhok, tapos noo, tapos kilay,

"Oh anong gagawin ko sa kilay mo?" Mataray kong tanong, pero natatawa. Ang cute niya. Fudge.

Nagchuckle siya at umupo na ulit sa upuan niya. Ang hot ANO BAAA!

"YIEEEEEE! Who were you talking to?" Sabi niya with matching taas baba ng kilay.

Napaiwas ako ng tingin. "His name is Van. Bestfriend ko lang.."

"Ohhhh." Sabi niya sabay tayo, tapos kumuha ng pepsi sa ref niya. Siya na mayaman!

"Uy teka, galing G Spot ba yang belt mo?!" Sigaw ko 

Napatingin siya sa bewang niya. "Oo, bakit?"

Napahawak ako sa mukha ko. "Oh goshhh patingin!!!"

Kumunot noo niya at tumawa. "Anong gusto mong gawin ko, maglean ako sa camera at umikot?"

Ang tanga rin pala nito.

"Duhh, tanggalin mo!!"

"Maluwag pants ko." Kalmado niyang sabi.

"Edi hawakan mo. Patingin dali!" Sorry, adik ako sa G Spot. SUUUPERRRR MAHAL NA BRAND, AT BIHIRA LANG ANG GANUN SA PILIPINAS.

Tumayo siya ulit at unti unting tinaggal ang belt niya.

ANG GANDA TALAGA NUNG BELT! Sorry para akong baliw na naaaliw sa belt. Ang lapit pa nung mukha ko sa screen.

*BLAG!!*

Sabay kaming nagulat sa pagbukas ng pinto ng kwarto ko, kaya ayun, nabitawan nung kachat ko yung pantalon niya, at nalaglag hanggang tuhod niya. BUTI NALANG NAKABOXERS SIYA, YUNG TIPONG MALAKI NA MALUWAG NA BOXERS.

"AH SH!T!!!" Napasigaw siya bigla nung nabitawan niya, nataranta siya ta's nadapa at tuluyang nalaglag sa sahig.

"P$@#& INA!!" Napatayo ako nang marinig ko ang boses ni Van. Siya pala ang pumasok ng kwarto. Fudge..

Mr. OmegleWhere stories live. Discover now