Chapter 64: You Know I'm No Good

88.5K 2K 967

Chapter 64: You Know I'm No Good




Dedicated to the Sethizens & Sethrang shippers! Matutuwa siguro kayo dito. Bakit?



Kasi this chapter ay puro POV LANG NI SETH.. feat. Barbs as well.



Hehehehe. Comment and vote if you liked the chapter! Sana magustuhan nyo XD



PS: 11 to go 




**




Isa sa ayaw ko dito sa babaeng 'to ay yung bibig nya.




"P*TANGINA SAN MO BA AKO BALAK DALHIN!? KAKASUHAN KITA NG KIDNAPPING!! O DI KAYA EXTORTION OF MONEY!!"




What the fck is she talking about? Nakakainis talaga 'to. Sarap busalan ng bibig! Wag ko nga sagutin to.




"HOY HAYOP KA KINAKAUSAP KA NG MATINO!! PUNYETA ANO KA BINGI?!" she grabbed my shoulder. "KAILANGAN MO BA NG HEARING AID!!!"



"Oh shut up."



She gaped at me, para bang sya pa 'tong offended. Pano naman kaya ang tenga ko? Di na sya naawa? "Shut up!? HAYOP KA SHUT UP KA DYAN! YOU'RE WASTING MY PRECIOUS TIME!!"



"Right back at ya." Mas nainis pa sya sakin.



Teka, pano nga ba kami napunta sa ganito?




*FLASHBACK*




Oo, exempted ako sa Math exam namin this week. Nakalimutan ko na exempted nga pala ako dun. Sorry naman diba? Boring naman kasi pumasok.



Dapat babawiin ko nga sa kanya yung pustahan, unfair naman kasi yun na exempted ako tapos sya nagrereview nang mabuti. Kaso di ko sya mahagilap sa building. Nung nagkita naman kami, galit na naman sya. Why is she PMS-ing everyday? Di ko talaga magets. Ako pa nga nagcheck ng paper nya, imba taas! Siguro kung di ako exempted panalo talaga sya, ang mali lang nya sa True or False. Nagulat ako na nandun sya sa cubicle ni Ma'am. Babawiin ko pa naman sana kung tatambay sya sa bridge. Kaso ayun.. ako nga nanalo.



Babawiin? Di na! Natuwa ako sa reaksyon nya eh. Tataas yung kilay nya tas magsasalubong.. lalaki butas ng ilong.. tapos yung masakit sa tengang boses nya. It really amuses me.




Ako panalo. Ako magdedecide kung anong gagawin nya.




"ARE YOU FCKING KIDDING ME!?! ARE YOU FCKING KIDDING ME!?"



Puro ganyan ang sigaw nya nung nagkita kami sa bridge, kahapon, Friday. Pinag-isipan kong mabuti kung anong ipapagawa ko sa kanya.



"Bakit ka umaangal dyan? Di ba ikaw ang nagsabi na pustahan tayo?"



If I FallRead this story for FREE!