"Oo, sige na. Labas ka na."

Sabay shupi ko.

One step forward.

"Sigurado ka talaga?"

"Oo nga, anong gusto mo ihahatid pa kita sa labas?"

Five step forward.

"Sigurado ka talga. Hahanap na talaga ako ng iba."

"Oo nga,"

Five step forward ulit.

"Lasy chance mo na to."

"Oo nga, wala ng bawian."

Hahahah

Nakakatawa talag tong si MIkhael, mukhang bata.

Lalakad tapos magtatanogn, tapos lalakad nanaman, tapos magtatanong ulit. Hahaha.

"Last na talaga toh! Sigurado ka talaga? Malapit na ko sa labas o. Ang daming chikas." Sigaw ni Mikhael, malapt na siya sa gate ng green house nila. Pero tanaw ko parin.

"Oo nga!" Sigaw ko sakanya.

"Sure ka na?"

Nakikita kong unti unti na niyang pinipihit yung lock ng greenhouse.

"Go! Susuportahan pa kita."

"Wala ng bawian ah." Sabi niya ng hindi humaharap sakin.

Bubuksan na sana yung gate ng tumakbo siya pabalik sa kinauupuan ko.

"Oh?! Bakit bumabalik ka?"

"Kasi naman eh! Bakit hindi mo ko pinipigilan?" Nakasimangot pa niyang sabi.

His BROTHER or HIM?Where stories live. Discover now