chapter 4(New school)

149 6 0
                                    

Claire's POV

Pagkarating ko sa bahay galing sa school ay dire diretso akong pumasok sa kwarto ko at humilata.

Hindi ko pa alam kung saan kami papasok na school ngayon, peste.

Maya maya pa'y biglang tumunog ang cellphone ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

(Mommy's calling)

Hays, panigurado masesermonan nanaman ako. Duh? Ilang beses naba akong napakick out sa school na pinapasukan ko dahil sa mga lecheng gulo at away.

Pinipilit kong magbago pero wala e, diko talaga matiis.

Sinagot ko ang tawag at marahang pumikit at bumuntong hininga.

"Mom?"

"Tumawag sakin ang dean nyo at nabalitaan kong na kick out ka nanaman!! Ano bang pinaggagagawa mo sa sarili mo ha beatriz? Wth, ilang beses ka ng nakikick out sa school dahil dyan sa katigasan ng ulo mo!"

"Listen Mom, hindi ko ginusto 'to ok? Pinipilit kong magbago per---"

"What? Magbago? Sa tingin mo anong pinagbabago mo dyan? Wala diba?! Pinagbawalan na kita sumali sa mga Gangfight para hindi ka mapahamak pero ano yung naririnig ko nanaman ngayon? Sumali ka nanaman sa mga lecheng Gangfight. Im concern about you, anak. Makinig ka naman saakin"

"Sorry Mom, di na mauulit. Hindi ko alam kung saan ako papasok ngayon"sambit ko.

"You do not need to worry, May alam nakong papasukan mo at sure akong ito na ang huling school mo. Okay, I need to go. May aasikasuhin pa kami ng daddy mo, sana hindi na ulit mauulit 'to, naiintindihan mo Beatriz?"

"Yeah, Goodbye"sabi ko at pinatay na ang tawag.

Napabuntong hininga muna ako at tsaka pumikit.

Matutulog muna ako, parang pagod na pagod ako ngayong araw.

--------------

4:16 pm

Nagising ako sa maingay na mga katok galing sa pinto ng kwarto ko kaya inis akong bumangon at pinagbuksan ang pinto.

Pagkabuksan ng pinto ay inis akong tumingin sa dalawa ngayon sa harap ko, sila ella at athena.

"Uh oh, wrong timing tayo athena mukhang kakagising lang ng mahal na prinsesa at nagulo ata natin ang pag d'daydream niya" natatawang sambit ni ella kaya inirapan ko siya.

"Obvious ba?" Iritang tanong ko at sila naman ay nagkibit balikat atsaka dire diretsong pumasok sa kwarto ko."bakit ba kayo nagpunta dito? Para manggulo?" Tanong ko dahil bitin na bitin ang tulog ko.

"Hindi, May sasabihin kami sayo si ella"-athena.

"Ano naman 'yon?" Tanong ko.

"Tumawag yung mommy mo sakin kanina at pare parehas lang pala tayong lilipatan ng school, and you know what? Naka enroll na tayong tatlo at bukas na tayo Papasok" taas kilay na sabi ni ella at ngumiti.

"Seriously? Ayoko pa pumasok bukas"sabi ko at nahiga pa sa kama.

"Tanga, kailangan natin kasi mag dodorm tayo don" sabi ni athena.

Wait? What?! WHAT DID SHE SAID?! mag dodorm kami don? HELL, NO!

"AYOKO MAG DORM ARGH!" Inis na sigaw ko.

"Pero wala na tayong magagawa dahil na enroll na tayo ni tita"sabi pa ni ella.

Nooo, ayoko talaga ugh bat ba kase kailangan ng ganon.


"Ano bang pangalan ng school na 'yan ha?" Tanong ko.



"Fatema Academy"sabay nilang sabi atsaka ngumiti ng matamis.






The Gangster Queens (TGQ) On-GoingWhere stories live. Discover now