SPECIAL CHAPTER * A DATE TO REMEMBER *

Start from the beginning
                                    

Lastly, ang lalakeng mahal ko at pakakasalan ko na nasa harapan ko na ngayon. Kinamayan siya ng mga magulang ko and after that i hugged and kissed my parents. Hinarap ko na si Harley at buong suyo niyang ginagap ang kamay ko at inalalayan niya akong makatayo sa tabi niya. Nagsimula nang mag salita si Father.

" Welcome, all of you. We are gathered here today for one happiest occassions in all human life, to celebrate before God the union of Harley and Joshane who love each other. " Panimula ni Father. " Marriage is a most honorable estate, created and instituted by God, signifying unto us the mystical union which also exists between Christ and the Church; so too may these marriage be adorned by true and abiding love." He continue.

Halos lahat ng tao nakikinig sa seremonyas ni father. Naririnig ko ang malakas na pag tambol ng puso ko pero hinawakan ako sa kamay ni Harley at sabay pisil dun. Tumingin ako sa kanya at lumingon din siya sa akin at nagsabi ng "relax" ngunit walang sound na lumabas dun. Ngumiti siya sa akin at pakiramdam ko hinaplos ang puso ko sa simpleng ngiti niya lang. I can't believe i am too affected with his smile. Ngayon ko lang narealized kung gaano ka tindi ang impact ng lalakeng to sa akin. Kaya niyang yanigin ang buong sistema ko and vice versa. Bigla akong nabalik sa reyalidad nung mag-salita ulit si father.

" You may now say your wedding vows. " Sabi ni father sa amin.

Humarap naman si Harley sa akin at nung mag tama ang mga tingin namin nakita ko na puno ng pagmamahal niya akong tinitigan. And as if on cue, hindi ko na napigilan ang pag landas ng mga luha ko tanda ng kasiyahan. Nag umpisa na siyang sabihin ang wedding vows niya at nakita ko ang butil ng luha niya na nagbabadyang pumatak.

" I, Harley Scheffer Branston, take you Joshane Querah Alvarez, to be my wife. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life. " Dahan-dahan na niyang isinusuot ang singsing sa daliri ko. Pagkatapos niyang mailagay ang singsing ngumiti siya sa akin.

Kinuha ko naman ang singsing na isusuot ko sa kanya. " I, Joshane Querah Alvarez, take you Harley Scheffer Branston, to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honour you all the days of my life. " Isinuot ko narin ang singsing sa kanya. Nakatingin parin kami sa isa't isa at wala ni isa sa amin ang bumawi ng tingin. Kaya kong makipag titigan sa kanya, sa asawa ko kahit habang buhay pa.

" By the power vested upon me, I now pronounce you husband and wife! You may now kiss the bride. " - Father

Dahan dahang inangat ni Harley ang veil ko na nakatakip sa mukha ko. Nung naitaas na niya ang veil, tumingin muna siya sa audience at ngumiti saka ibinalik ang tingin niya sa akin. Unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa labi ko at nung gahibla nalang ang layo ng labi niya sa akin he mouthed " i love you " and he sealed our marriage with a kiss!

Nagpalakpakan ang lahat ng mga sumaksi sa kasal namin at lahat sila masayang masaya para sa amin. Biglang sumigaw si Peter.

" Mabuhay ang bagong kasal! " Sigaw ni Peter.

" Mabuhay! " chorus nilang lahat. At naglakad na kami papunta sa kotse na sasakyan namin para ihatid kami sa venue ng reception.

****

HOTEL.. Nasa reception na kami at walang humpay ang pag bati ng mga guests sa amin ni Harley na malugod naman naming pinasalamatan. May short program pa at dumating na sa part na ihahagis ko na ang bouquet ko. Lahat ng mga abay sa kasal na babae nakapila sa gitna at halatang ayaw ni Tricia at Jomania ang part na yun pero since request ko na mag participate sila kaya wala silang choice kundi sundin ako. After all, this is my wedding at ako ang superior sa araw na to. Nung inihagis ko na ang bouquet, sa sobrang iwas ni Tricia para hindi mapunta sa kanya ang bouquet mas lalo lang na siya ang nakasalo nito na ikinayamot naman niya. Tumawa ako sa kanya pero inirapan lang niya ako.

Next naman na pumila ang mga abay na lalake. Halos lahat sila excited kung sino ang makakakuha ng garter na ihahagis ni Harley. Si Peter deadma lang dahil wala naman siyang pakialam kung makukuha niya o hindi ang garter. Pero si JL pursigidong makuha ang garter dahil si Tricia ang nakakuha ng bouquet ko. Nung inihagis na ni Harley ang garter, tumalon si JL kaya nakuha niya ang garter. Gayon na lamang ang pag laki ng mga mata ni Tricia nung makita niyang si JL ang nakasalo nito. Panay naman amg ngiti ni JL na ikinainis naman ni Tricia. Pinaupo na sa gitna si Tricia at dahan dahang isinuot ni JL ang garter sa binti ni Trish.

" Higher, higher. " Sigaw ng lahat na lalong ikinainis ni Trish. Sinunod naman ni JL ang sinabi ng karamihan ngunit ang lapad ng ngiti niya nung tumingin siya kay Tricia pero sinamaan lang siya ng tingin ni Tricia.

" Kiss her.. Kiss her. " Request uli ng mga tao. Dahil sa narinig ni Tricia bigla siyang tumayo at akmang mag wowalk out na pero pinigilan ko siya.

" Hey, don't be such a killjoy. It's my wedding, remember? " Pangungunsensiya ko sa kanya.

" Fine! " Padabog siyang bumalik sa unahan at hinalikan siya ni JL sa pisngi ngunit napalingon si Tricia kay JL kaya imbes na sa pisngi lang sana siya mahahalikan napunta sa labi niya ang halik. Bigla naman natahimik ang lahat buti nalang nag patugtog na ang bandang binayaran namin na tumugtog sa kasal namin kaya nawala ang atensyon ng mga tao kina Trish at JL at nadako na ang atensyon nila sa banda.

" Are you happy my wife? I love you so much Mrs. Branston. " Ang sarap pakinggan na tinawag ako ni Harley ng "my wife" instead sa usual na endearment namin. Medyo nakakapanibago pa pero alam ko na masasanay din ako balang araw.

" Yes, super happy my hubby. I love you too Mr. Branston. " Hinalikan niya ako sa labi ko at kahit maraming mga tao ang nakatingin sa amin wala na kaming pakialam dahil kasal naman namin.

Ito na talaga ang simula ng malaking pagbabago sa buhay namin ni Harley bilang mag asawa na. Marami kaming pinagdaanan at sinubok ng panahon ang aming pag iibigan. Ngayon ko napatunayan na kapag kayo ang itinadhana, kahit mag hiwalay man kayo ng mahabang panahon magkakabalikan din kayo pag dating ng panahon. Tadhana ang naghiwalay sa inyo, tadhana din ang magpapalapit sa inyong muli.

" For some people, they believe that Destiny is a matter of choice. But for me, destiny is a matter of chance. Hindi ko pinili si Harley noon pero pinili siya ng tadhana para sa akin. At naniniwala ako na kami na talaga forever til the sunset of our lives. "

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWhere stories live. Discover now