CHAPTER 25 ** HAPPY ANNIVERSARY PART 2 **

1.9K 43 12
                                    

HARLEY'S POV

Nakakapag tampo naman na nakalimutan niya ang date ngayon. Ito pa naman ang araw na pinakahihintay ko tapos siya nakalimutan niya. Siya lang yata ang girlfriend na nakalimutan ang anniversary date .

" Sigurado ka hindi mo naaalala? "

" Hindi nga eh! Ang kulit mo naman! Pagod ako ngayon kaya pwede ba wag muna tayong mag away. Kainis!! " - Joshane

Siya pa talaga ang may ganang mainis? Hinila ko nalang siya papunta sa kotse. Pinagbuksan ko siya at pumasok naman siya sa loob. Buong biyahe kaming tahimik na dalawa pero panakanaka ko siyang sinusulyapan.

Nung nag iba na ang route ko bigla siyang lumingon sa akin. Tiningnan ko lang siya na parang bored ako.

" Saan tayo pupunta? " - Joshane

" I told you kanina na hindi pa tayo uuwi diba?! Don't tell me nakalimutan mo nanaman? Napaka forgetful mo naman. "

Nanahimik na lang siya. Ayoko naman talagang masira ang espesyal na araw na ito. First anniversary namin ito kaya dapat magiging memorable ito. Kahit kanina pa ako nagtatampo sakanya dahil parang wala siyang ideya kung anung araw ngayon.

" We're here! Naaalala mo na ba? "

" Yung totoo, pinaglihi kaba ng nanay mo sa kakulitan? Ang kulit mo eh! Sabi ng wala akong naaalala kung anung meron sa pesteng araw na ito!! " -Sigaw niya sa akin.

Nagulat ako sa pag sigaw niya pero mas nasaktan ako dahil pesteng araw pa pala sakanya ang araw na espesyal naman para sa akin. Na dapat espesyal sa aming dalawa.

" Hoy saan ka pupunta Harley? Wag mo akong iwan dito! " - Joshane

Binalikan ko naman siya at hinatak papunta sa lugar kung saan icecelebrate sana namin ang anniversary namin. Dito din sa lugar na ito niya ako sinagot kaya dito ko gustong icelebrate ang anniversary namin. Pero sira na eh! She ruined the moment!

" Naalala mo ba na dito mo ako sinagot 1 year ago. Mismo sa lugar na to ako naging masaya dahil sinagot mo ako. Di ko naman sukat akalain na sa lugar din nato ako masasaktan. Mahirap bang alalahanin ang araw ng ating anniversary?! Plano ko pa na gawing memorable ang araw na ito pero nasira na eh!! Happy Anniversary Babe! " Mapait kong sabi! Ako na ang bitter kalalake kong tao pero ang bitter ko! Letche!

Tahimik lang siyang umiiyak kaya nilapitan ko siya at niyakap!

" Sshhhh.. Tahan na babe! I'm sorry for making you cry! "

" Babe, i'm sorry! I ruined our anniversary! Nakalimutan ko talaga ngayon na anniversary natin today samantalang kanina lang ng umaga naisip ko na to. " - Joshane

" It's okay babe, di pa naman tapos ang araw na ito. We can still celebrate! " Ngumiti na ako sakanya habang pinupunasan ko ang luha niya. I really love her and i dont wanna see her cry.

" Tara, let's eat na. Alam kong pinag handaan mo ito kaya di dapat sinasayang ang effort mo." - Joshane

Inakay ko na siya sa table at pinag hila ko siya ng upuan. Pero bago ako umupo inabot ko muna sakanya ang isang bouquet ng flowers.

" Thank you babe! You never fail to amazed me! " - Joshane

" Basta para sayo babe! By the way, i have another gift for you. I left it in my car. I'll give it to you later. "

" Paanu yan? Wala akong gift para sayo. I forgot to buy! " Nag pout lang siya sa akin. Di naman ako materialistic na tao eh.

" Babe, your presence is more than enough present for me. Besides, your love is the most precious gift you gave to me. " Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. Kung kanina nagtatampo ako ngayon masayang masaya na ako. Akala ko matatapos ang araw na ito na mag kaaway kami but thank God hindi yun nangyari.

Mr. Heartthrob meet Ms. Scholarजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें