CHAPTER 17 ** Frienemies **

2.7K 62 8
                                    

JOSHANE'S P.O.V

Monday ngayon at excited akong pumasok sa school.. Syempre makikita ko nanaman si Harley at si Celine. And speaking of Celine one week ng nag simula ang klase pero di parin kami nagkikita.. Anu na kaya ang nangyari sakanya? Ilang beses ko na siyang tinext di naman nagrereply at kung tinatawagan ko naman siya di niya rin sinasagot ang tawag ko.. Hays! Sana makita ko siya mamaya baka kelangan niya ako..

Masyado narin kasi akong busy at hati na ang atensyon ko dahil ky Harley.. Pero kahit ganun pa man di naman ako nagsisisi na sinagot ko siya..

Naligo na ako at ginawa ko na ang dapat kong gawin tuwing umaga. Then after that nagpatawag na ako ng taxi para makapasok na ako sa school. Next week pa kasi ako mag driving lesson at dahil yan sa kagustuhan ng daddy ko. Di kasi ako masusundo ni Harley dahil dumating ang parents niya galing Europe at kelangan niyang sunduin ang mga ito sa airport..

Syempre di naman habang buhay na lang na mag taxi ako medyo hassle din yun lalo na pag my mga gusto akong puntahan na kelangan kong makaalis agad..

Sumakay na ako ng taxi and after 20mins nakarating na ako sa school.. Papasok palang ako ng gate at halos lahat ng mata nakatingin sa akin. Bigla tuloy akong naconcious kaya yumuko na lang ako habang naglalakad.

Alam ko kung bakit nakatingin silang lahat sa akin at yan ay dahil sa nalaman nilang girlfriend na ako ng kanilang pinapantasyahang lalake..

Walang iba kundi si Harley!

Kung dati hate lang nila ako ngayon sobrang kinasusuklaman nila ako na halos isumpa na nila ako. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin malamang kanina pa ko nakahandusay sa floor..

Anu ba kasi magagawa ko kung sa akin nagka gusto si Harley? Kasalanan ko ba kung ako ang niligawan niya at ako ang naka agaw ng atenayon niya? Besides, being his girlfriend is not an easy task! Marami akong threat notes na natatanggap sa locker ko. My time na kapag hindi ko kasama si Harley pinaparinggan nila ako ng masasamang salita.

Naiintindihan ko naman sila kaso diba masyado naman yatang mababaw ang reason nila para awayin ako which is in the first place hindi ko naman inagaw sakanila si Harley?! Siya ang kusamg lumapit sa akin at wala akong ginawang move para magkagusto siya sa akin maliban na lang sa pagtataray ko..

Nasa hallway ako ngayon papunta sa first subject ko.. Nakita ko si Celine na my kasamang dalawang babae at sa tingin palang sa dalawa ay mukhang mga matataray na.

" Celine, how are you? I've been calling you pero hindi ka naman sumasagot sa tawag ko at tinetext naman kita pero wala ka rin reply.. Is something wrong with you? " puno ng pag alala kong tanong sakanya..

" Joshane, i'm fine! Busy lang ako kaya di ko masagot text at tawag mo.. Sige, we need to go now. My gagawin pa kaming assignments ng mga FRIENDS ko.. " - Celine

I know somethings wrong with her.. At pinaka diin diinan niya talaga ang salitang Friends.. What does she mean? I'm no longer her friend?!

" Celine, galit ka ba sa akin? Tell me, wala kasi akong maalalang my ginawa ako sayo na ikinagalit mo.. " kinakabahan ako pero ewan ko ba kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?!

" Joshane, i said i'm busy! Anu ba ang hindi mo naintindihan dun? Nakakintindi ka naman ng english diba?! We'll talk some other time! " - Celine

Bago pa nila ako talikuran nakita ko na nag smirk ang dalawang kasama niya at tinaasan pa ako ng kilay! Tinalikuran na ako ni Celine..

Bakit nafefeel ko na parang iniiwasan ako ni Celine? Anu bang ginawa ko sakanya?? Kelangan ko siya makausap habang di pa malala ang tampo niya sa akin kung meron man..

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarWo Geschichten leben. Entdecke jetzt