CHAPTER 29 ** CHRISTMAS PARTY **

1.7K 35 5
                                    

HARLEY'S POV

Christmas party na namin at super busy kami dahil diyan. Halos hindi na kami masyadong nagkikita ni Joshane dahil pareho kaming busy sa mga kanya kanya naming mga responsibilities.

Nag uusap naman kami from time to time para kumustahin ang isa't isa. Ilang araw narin palang hindi nagpapadala ng mga text messages ang stalker ko. Wala narin naman akong natatanggap na mga pictures after that incident sa locker ko.

Masaya ang lahat na mga estudyante kasama na syempre kami kasi after christmas party holiday vacation na. Kinuha ko na ang regalo ko para kay Joshane dahil pupunta ako ngayon sakanya. Nung nasa gym na ako banda nakasalubong ko si Celine ang bestfriend ni Joshane. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sakanya, para kasi sa akin ang lahat ng kaibigan ni Joshane kaibigan ko narin.

" Hey, where are you going? " Celine

" Pupuntahan ko lang ang bestfriend mo at may ibibigay ako sakanya. " Nung sinabi ko yun biglang nawala ang ngiti sa labi niya.

" Oh! Okay, baka nasa room nila siya kasama sila Elisa and Tricia. By the way, this is for you. Hope you like it. Sige, una na ako. " - Celine

Dali dali na siyang naglakad palayo at parang akala mo may humahabol sakanya. Binuksan ko ang gift na binigay niya sa akin, isang rolex watch? Bakit nag abala siyang magbigay nito sa akin? Weird! Ibabalik ko nalang ito sakanya mamaya hindi ko ito matatanggap. I can afford to buy this kind of watch besides hindi niya obligasyon na bigyan ako ng mahal na regalo.

Umalis na ako pumunta na sa room nila ni Joshane. Pag dating ko doon nakaupo lang sila sa kanilang mga upuan samantalang ang mga classmates nila naghaharutan. Pagkakita nila sa akin bigla silang nagsitili na parang pinipilipit ang mga leeg nila. Napatingin naman sila Joshane sa akin at napataas ang kilay niya sa mga babaeng nagtitili sa pag dating ko.

" Gosh! Kayo ang girlfriend? Kung makatili kayo dinaig niyo pa ang sirena ng ambulance sa sobrang ingay niyo! " - Tricia

Umirap lang ang mga classmates nila sa sinabi ni Tricia. Napangiti naman ako sa sinabi niya, alam ko na mataray siya kaya nga hirap na hirap si JL na suyuin siya.

" Babe, bakit ka nandito? Akala ko ba busy ka? " - Joshane

Sumimangot ako sa sinabi niya. Ayaw niya ba akong makita? Miss na miss ko na siya pero siya parang hindi niya ako namimiss.

" Miss na kasi kita kaya pinuntahan kita dito at para narin iabot itong gift ko sayo. " Bigla niyang kinuha ang gift na bigay ko at hinalikan niya ako sa pisngi. Nagulat ako sa bigla niyang pag halik sa akin. Hindi niya kasi ginagawa yan sa public kasi ayaw niya ng PDA. Napasmile naman ako sa kanya at dahil dun hinug ko siya.

" Lumabas nga kayo! Pati kami dito nilalanggam na sa sobrang tamis niyo! " - Tricia

" Inggit ka? Sagutin mo narin si JL para di kana mainggit sa amin." - Sabay belat ni Joshane kay Tricia.

" Oh please! Don't tell me what to do! Di pa siya pumasa sa mga tests ko kaya hindi ko pa siya sasagutin. " - Tricia

" Pa? So meaning may chance si JL sayo? Haha.. " - Elisa

" Shut up! Mind your own lovelife Elisa! " - Tricia

Nag umpisa nanaman na mag bangayan ang dalawa. Nagpaalam na ako kay Joshane at pumunta na ako sa room namin. Pag dating ko sa room nag iingay din ang mga classmates namin at nilalandi ng mga girls ang apat na barkada ko.

Si JL poker face lang, si Peter naman deadma sa mga babaeng nakapalibot sakanya. Si Tristan as usual naglalaro ng gameboy niya at si Kelvin? Ang pinakamalandi sa aming lima. Tuwang tuwa ang mokong sa pakikipag harutan sa mga babae naming classmates. Anu pa ba ang aasahan mo kay Kelvin? Yan na ang buhay at kaligayahan niya ang mga babae!

Mr. Heartthrob meet Ms. ScholarNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ