UNANG TAGO

0 0 0
                                    

Loreen POV

    Kasalukuyan akong nakasakay sa skateboard ko. Papunta ako ngayon sa school kung saan ako mag aaral, dito sa bayan ng Marisag. Naka skinny jeans at green sweater ako kaya malabong masilipan ako rito. Malapit lang naman ang school sa inuupahan kong apartment. Bihira lang kasi madaan ang tricycle sa lugar na ito, madalas nasa bayan.

Juan Felipe Integrated School

Basa ko, sa nasa taas ng gate. Alas sies pa lang ng umaga kaya konti pa ang mga estudyante ngayon mamayang 8 pa kasi ang pasukan at 4 ng hapon ang uwian.

Nakaraang linggo pa nag simula nang klase at ngayon ko lang naisipan pumasok. Dahil mas inuna ko pa ang paglilibot at pag kabisado ng kasulok sulokan ng bayan na ito. Alam niyo na for emergency cases alam ko kung saan ako pupunta.

Kinuha ko sa sementadong lupa ang skate board ko at hinawakan gamit ang kaliwang kamay. Lumapit ako sa gilid ng gate kung nasaan nakatambay ang guard na si Mang Reg. Nakilala ko siya noong isang araw na nilibot ko ang iskwelahang ito.

"Magandang umaga hija. Ang aga mo naman yata para sa unang pag pasok mo rito?" Bati niya sakin.
"Magandang umaga rin Mang Reg. Pinapatawag kasi ako ng principal. Kaya naisipan ko na ein pumasok sa klase." Paliwanag ko sa kaniya.
"Nako, ikaw talagang bata ka. Nag almusal ka na ba?" Tanong niya muli.
"Di pa, sa canteen na lang siguro ako kakain."

    Ang init nga ng pag tanggap nila sakin dito nung nakaraang dalawang linggo. Unang araw ko dito binigyan nila ako ng pagkain. Pang welcome daw nila sakin  sa neighborhood. Tas pag nakikita nila ako sa daan babatiin nila ako o kaya naman aayain nila akong sumalo sa hapag nila. Gross. Nakaka panibago. Walang ganito sakin sa Maynila.

"Hala sige! Pumasok ka na. Baka kanina ka pa hinihintay ni Sir Airo." Tinanguan ko lang siya. Dumiretso na ako sa principal's office.

    May pitong building ang school na ito. Ang anim ay may tig lilimang palapag at ang isa naman ay faculty at visitor's quater may dalawang palapag lang ito. Madalas daw kasing may bumista sa school na ito dahil na rin sa lawak ng nasasakupan nito kaya madaming events ang nagaganap sa isang buwan.

   Hindi na ako kumatok pa. Pumasok ako agad. Naabutan ko ang medyo may katandaang lalaki na nag babasa ng mga papeyles. Umupo ako sa sofa dito sa opisina niya.

"Do you want me to teach you, How to knock?" Saad nito
"No need. Marunong naman ako." Naka ngising sagot ko.
"Then. Bakit hindi ka kumatok bago ka pumasok?"  Ito na naman siya. Strikto talaga neto.
"Hindi naman kasi naka lock ang pinto. Kaya I assume na hinihintay mo na dumating ako" banat ko pa. Hehe. Sure ako sesermonan ako neto.
"Ayusin mo yang pananalita mo Loreen. Sinasabi ko sayo baka yan pa ang mag pahamak sayo. At sa susunod na papasok sa kwartong ito matuto kang kumato-" pinutol ko na ang sasabihin niya. Hahaba na naman yan at mauuwi nanaman sa mga magulang ko.
"Yeah. Yeah. At sa susunod na papasok ako dapat matuto ka din mag lock ng pinto kung ayaw mo na pumasok ako ng basta basta. Understood Uncle?"  Nakangiti kong sabi. Kahit kailan di talaga mananalo yang si Uncle sakin sa sagutan.
"Hay. Kahit kailan talaga. Bakit nga pala gusto mong mag aral ulit? At talagang dito pa sa iskwalahan ko?" Mapang hinala talaga ito kahit kailan. Nakakapagtaka nga rin at wala pa rin siyang asawa ngayon.
"Hindi ba pwedeng sobrang namiss kita kaya nandito ako?" Biro ko sa kanya.
"Sinasabi ko sayo Loreen. Huwag na huwag mong dadalhin dito ang kabalbalan mo sa Maynila." Alam ni Uncle na meyembro ako ng isa sa kinakatakutang grupo sa Maynila. Kahit siya ay takot din kaya pumunta siya rito sa maliit na bayan na ito at dito na naisipan mamuhay.
"Uncle naman. Grabe ka sakin. Dito na muna ako ng limang buwan. Nasa Maynila kasi si Mom at Dad. Kukunin lang nila ako para gawing model ng bussiness nila sa amerika. Alam mo namang ayaw ko nun." I miss mom and dad pero ang katotohanang gusto lang nila akong gamitin para sa negosyo nila ang pumipigil sakin.
"Fine. Pero siguraduhin mo lang na walang patayang mangyayari hanggat dito ka naninirahan. Alam ko kung anong klaseng mga tao ang kinabibilangan mo Loreen."  Grabe naman ito sa patayan. Mukha ba akong mamatay tao? Hindi naman ako pumapatay ng inosente a. Pero pag hindi inosente, edi todas pag sila naging target ko.
"Promise Uncle. hindi ako mag rerecuit sa grupo. At hinding hindi ko gagalawin ang mga tao dito kahit dulo ng hibla ng buhok nila." Naka taas pa ang kamay ko na parang nanunumpa.
"Mabuti namam kung ganun. Aasahan ko ang mga salitang binitawan mo Loreen. Alam ko tuso kang bata pero may isang salita ka at yung ang gagamitin ko oras na may gawin kang hindi maganda sa paningin ng Diyos." Napalunok naman ako ng di-oras sa sinabi ni Uncle.
"Uncle naman. Ibang usapan na pag may personal akong galit sa mga taga dito." Tinignan niya ako ng mabuti. Napaiwas naman ako ng tingin.
"Sige. Basta iwasan ang mga inosente. Sinasabi ko sayo Loreen. Huwag mong dudungisan ng dugo ang lupa ng bayang ito." Seryosong saad nito.

Tumango lang ako at tumayo na Ngumiti ako ng payak na parang nag sasabi na I-can't-promise-anything-but-I-have-one-word-smile. Lumabas na ko sa opisina niya.

Saan kaya magandang tambayan dito? Sa canteen? Nah. Sigurado mainit dun. Sa audithuriun kaya? Nah. Sobrang tahimik naman dun. Ginagamit lang yun pag may anouncement. Sa court? Nah. Sure ako madaming fan girls dun. Tuwing umaga praktis ng basketball varsity. Hmm. Sa field naman kaya? Tsk. Right place for me. Malawak dun makaka pag skate pa'ko. Maybe I can do some skating tricks. Hay. Bakit kasi walang park dito para sa mga skaters?

Hawak ko pa rin ang 12 year old skate board ko. Regalo sakin to ni Uncle Airo. Ito kauna unahang skate board ko at ito ang lagi kong gamit sa lahat ng skate board tournament na sinalihan ko. Nag lalakad ako ngayon papunta sa open field ng Juan Felipe I.S. Tinignan ko ang relo sa baba ng kamay ko. 6:50 na. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Idadial ko sana ang number ni shana. Nang mabitawan ko ito pati na rin ang skate board ko.

WHAT THE FUCKING HELL.

Her RetributionWhere stories live. Discover now