TAC 5

966 32 0
                                    

After five years...

Magulo, walang buhay at madilim ang aura ng buong Transylvania. This started five years ago nang makulong ang alpha sa sagradong kuweba. At sakupin ng isang mabangis na lobo ang buong Transylvania sa panahong mahina at lugmok ito dahil sa kawalan ng katinuan ng kanilang Alpha.

Ang mabangis na lobo ay walang iba kundi si Hades Grenier mula sa Argentina. Kasama nito ang kanyang nagsilbing tapat na beta na si Oliver at isang tapat na gamma Zander at deltang si Gasner na mula din sa Argentina. Kinulong nila sa Jura's Jail ang beta, gamma, delta at General. At walang awa nilang pinatay ang ama at ina ni Iuhence. Iniwan nila ang konseho na wala ring nagawa kundi ang sumunod sa alituntunin ng sakim na bagong alpha ng Transylvania. Marami ang nasawi nang lusubin at sapilitan nilang agawin ang trono. Nagpakalayo layo ang karamihan.

Dahil doon, umusbong ang alitan sa pagitan ng bagong alpha ng Transylvania at ang mga alpha na kaibigan ni Iuhence. Sa kasamaang palad, malakas din ang kapit ni Alpha Hades dahil kaibigan nito ang alpha ng Bulgaria, Czech Republic, Ukraine, Croatia, Poland, Galicia, Latvia at Lithuania. At kapatid pa siya ng alpha ng Argentina na kapareho niya ang ugali. Parehas silang sakim sa posisyon at uhaw sa kapangyarihan.

Isang malaking digmaan ang magaganap sa oras na kumilos ang mga kaibigan ni Iuhence. Di hamak na mas maimpluwensya ang mga ito. Kahit di pa man bumibisita ang ilang kamag anak na alpha ni Iuhence mula sa Denmark, Poland, Serbia, Greece, Ireland, Portugal at Andorra maging ang kapatid ni Tyron na nasa Italy ay alam nilang malakas ang laban nila. Pero sakanilang pagrespeto sa kakayahan ng kaibigang alpha na si Iuhence minabuti nilang manahimik muna. At tumulong nalang muna sa paghahanap sa witch na gumawa ng sumpa sa kanilang kaibigan.

Pinagmamalupitan at hinahayaang magdusa ni Alpha Hades ang mga mamamayan ng Transylvania. Hinahayaan niya itong magutom, at inaalila ng todo. Maraming batang lobo lalo na ang matatanda ang naghihirap dahil kinakamkam at sinasarili lamang ng alpha ang lahat ng pagkain, alak, pilak, kagamitan, kasuotan, at lahat ng panananim na pinaghirapan ng mga mamamayan ng Transylvania. Ikinalakal nito iyon sa mga kasundong bansa at lugar ng may patong na limang porsyento. At ang mga dalaga o batang lobo na magdadalaga palang ay binebenta niya sa Latvia, Bulgaria at Czech Republic. Bagay na di matanggap ng mga magulang, kamag anak at kapwa miyembro ng pack.

"Kung sana ay nandito si Alpha Iuhence. Hindi mangyayari ito." Naiyak na turan ng isang ginang. Mugto na ang mata nito sa kakaiyak dahil ang kanyang anak ay kabilang sa mga lobo na ipagbibili sa Czech Republic. Sobrang sakit noon sa parte nila bilang magulang. Pero wala silang magawa.

Narinig iyon ng tusong alpha at marahas na nilingon ang ginang. Nanlilisik ang itim nitong mata sa galit.

"¡¿Qué dijiste?!" What did you say?!
gigil nitong sigaw sa malagom na boses. Nahihintatakutang umatras ang mga lobong naroon. Inilagay naman ng asawa niyang lobo ang ginang sakanyang likuran upang protektahan.

Umiling ang batang lobo na si Seri, habang rumaragasa ang luha sa tsokolateng pares ng mata. Bakas sa muka nito ang takot at hinagpis. Nangangamba siya na baka patayin ng walang pusong alpha ang kanyang mahal na ina at ama.

"No quiero repetirme. ¡¿Qué dijiste hace un rato ?!"
I don't want to repeat myself. What did you fuckin' say a while ago?! Nag iigting ang panga nito. His jet black eyes turn gold. Humaba ang mga kuko, tumulis ang ngipin at kumapal ang balahibo. He turn to his wolf form.

Kumiling ang ulo nito at kumiskis ang mahahabang kuko sa lupa. Tila naghahanda.

Ang asawa ng ginang ay nagpalit na rin ng anyo. A white mix with brown color wolf.

Parehong nag angilan ang dalawa. Nanlilisik ang mga mata at kumakaskas sa lupa ang mahahabang kuko.

Sa pag alulong ng alpha ay siyang hudyat na simula na ng labanan sa pagitan ng ama at ng alpha.

Panay ang hagulgol ng batang alpha. Maging ang ina nito. Beta Oliver together with delta Gasner and gamma Zander smirked devilishly.

Nag iwas ng tingin ang mga naroon. Naikuyom nalang ng palihim ang kamao at kagat labing nagpigil. Wala silang laban. Dugong bughaw ang tusong alpha.

Tumalon ang alpha at tumayo naman si Isaac ang ama ng batang lobo. At sinalubong ang matatalim na pangil ng alpha na kakagat sana sa leeg niya. Kinalmot niya ito diretso sa mata. Dumugo iyon. Saka sinipa ng malakas dahilan ng pagtilapon nito sa puno. Nayupyop ang puno sa pagtama ng alpha roon. Nabahala ang beta, gamma at delta sa nasaksihan.

Isaac is the former delta ng ama ni Iuhence. Bagama't medyo matanda na ito. Walang pinagbago ang angking galing nito sa pakikipaglaban.

Umangil ito sa tila galit na tono. Galit na bumangon mula sa pagkakalugmok ang alpha at galit na umalulong. Nag ikutan ang dalawa nagpapakiramdaman kung sino ang unang susugod.

Sa pag angil ng alpha ay siyang pagsugod ni Isaac. Dinambahan niya ang alpha at mabilis na sinakmal ang muka. Inipit niya ang katawan nito gamit ang sariling katawang pinabigat. Nagpumiglas ang alpha. Kinagat ni Isaac ang leeg ng alpha. Bumaon ang dulo ng pangil niya sa leeg nito nang di nito namalayan ang pagsugod ng beta, gamma, delta sakanilang anyong lobo.

"N-NO!" Sabay na sigaw ng mag ina.

Kinagat ng beta sa leeg si Isaac sa kanang bahagi. Sa kaliwa naman ay ang gamma. Dinambahan naman ng delta sa katawan at mabilis na inialis sa pagkakapatong sa alpha si Isaac habang kagat ang likurang bahagi ng katawan nito.

Bumaon ang pangil ng mga ito kay Isaac. Sumirit ang masaganang dugo kasabay ng pagbulwak ng sariwang dugo sa bibig nito.

Bagsak ang katawan sa lupa. Ang mga mata ay dilat na nakatingin sa mag inang luhaan. A lone tear escaped in the eyes of the former delta.

Umalulong ang lahat ng lobong naroon. Nagdadalamhati sa pagkawala ng isang mabuting delta at kaibigan.

Nanghihinang napaupo ang ginang at ang anak nito. Puno ng kalungkutan at hinagpis ang kanilang kalooban.

"A-Ama...aking m-mahal na ama."usal ng batang babae. Habang yakap ang anyong lobong katawan ng ama. Bitbit ang masasayang alaala nila sa paglisan sa minahal na tahanan.

Lungkot at pait ang kanilang naranasan at nararamdaman kaya napaiyak nalang sila sa sobrang sama ng kalooban.

THE ALPHA'S CUREWhere stories live. Discover now