CHAPTER 4 : BLOODY NIGHT

Start from the beginning
                                    

"Alexa, okay ka lang? Aminin mo my ginawa sayo si Revi no?" Bulong ni Tricia sa akin. Tinapik ko naman siya noo  kaya napanguso to."Wag ka ngang makulit Tricia. Wala siya sabing ginawa." Paliwanag ko.  Napatingin kami lahat ng biglang kumalabog ng malakas ang pinto namin. Isang hingal na hingal na classmate namin ngayon ang nakatayo sa my pinto.

"Ti-tingnan niyo sa b-bintana, may pa-patay." Patay?! Kusa naman kaming tumayo at nag si silip sa bintana. Agad akong napaatras sa nakita. Isang lalakeng nakagapos sa silya at puno ng saksak sa katawan. Napa balik ako ng kusa sa upuan ko sa nakita, nahilo at naduduwal.  Sinong tao ang kayang gumawa ng ganyan?

Nagsimulang umingay ang loob ng classroom namin at nagsimulang mag-iyakan. Napaka walang puso naman ng gumawa niyan!

"Nagbabadya nanaman ba ang away ng dalawang grupo? Ayaw na naming madamay." Hagulgol ng isa. Grupo? "Huminahon kayo." Pagkakalma ni Richiane sa mga classmates namin.

"Huminahon? How can we calm down isa isa na tayong pinapatay dito!"Bulyaw naman ng isa. Nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa mga classmates ko na hindi na magkandaugaga. Humagulgol na rin si Denise sa tabi ko na pinapatahan ni Tricia. Naalala ko tuloy ang mga kaibigan ko. Nakikita rin kaya yan nila Lovely? Umiiyak din ba si Lorraine? I know how much she hates seeing blood. Si Rhen kaya Napapaisip kung sino my gawa niyan? E si Cindy?

Natapos ang buong araw na balot ng takot ang buong campus.  Hindi man lang sila naawa sa ginawa nila. Hindi ko na talaga kayang manatili pa rito. Baka sa susunod ako na yung nasa silya na yun kaya heto ako pinuntahan si Ma'am librarian matapos ang buong klase namin.

"Huminahon ka Alexa." Pagkakalma sa akin ni Ma'am Librarian. Kanina pa kasi ako hindi magkandaugaga dito dahil sa nangyare nga kanina. Natatakot lang naman ako na mangyare sa akin yun.

"Ayaw ko na rito Ma'am! Please gusto ko ng umalis. Wala bang mas madaling paraan para makaalis tayo ng mas mabilisan?" Kung pwede lang talaga ibalik yung araw na nasa library kami gagawin ko. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayare sana nakinig na lang talaga kami kay Ma'am.

"Hindi naman lahat ng bagay e nakukuha mo sa mas mabilisang paraan. Winarningan ko na kayo hindi ba? Now face the consequence. Yun lang ang tanging paraan habang hindi pa natin nahahanap mga kaibigan mo. " Kung bakit ba kasi my gantong libro sa library niya ee.

"You should go back to your dorm hija. Malapit na ang bloody night. " Ayan nanaman yang bloody night na yan. Pauso tong school na to. "Can you explain me what is this bloody night all about? Ano ba tong paaralan na to!?" Kita ko ang pag-aalala ni ma'am sa akin.

"Explain ko sa susunod na magkita tayo sa ngayon kailangan mo ng bumalik. Hindi kita matutulungan kung nagkataon dahil pare-parehas tayong maiipit." Napabuntong hininga na lamang ako saka tuluyang umalis. Nakakainis! Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang hanapin ang mga kaibigan ko kung gantong mukha ang gamit ko. Paano ko rin sila makikita kong ibang mukha rin ang gamit nila?

"Napakatapang, 30 minutes before bloody night pero heto naglalakad pa mag-isa ang isang tanga ." Kahit di ko pa siya nilingon alam na alam kong si Revi to. Nakakainis ano bang problema niya?

"Hindi ko alam na close pala kayo ng gurong yun. So do you think matutulungan ka niya?" Napahinto tuloy ako ng wala sa oras. Kahit di ko siya nililingon ramdam kong nakangisi to at nang-aasar.

"Sinusundan mo ba ako? Pwede ba lubayan mo na lang ako. Wala naman akong ginagawang masama sayo ha!" Kung gusto niyang makipag away wag ngayon kasi maabutan na ako ng bloody night dito sa labas. 

"Ikaw wala pero ang kaibigan mo meron." Napakunot ako ng noo. Ano bang pinagsasasabi nito. Binilisan ko na lang ang paglalakad. "Oh bat nagmamadali ka?" Tanong niya sa akin na sumabay pa sa akin sa paglalakad.

"Kung gusto mo mamatay wag mo ko idamay, pwede ba?" Pakiusap ko sa kanya na nakaharang na sa daanan ko.

"Dont tell me takot kang maabutan ng bloody night HAHAHAHAH . Gusto mo ba tulungan kitang ihatid sa dorm mo?" Saka pa siya bahagyang lumapit sa akin at tinutukan ng kutsilyo. Hindi ba siya nauubusan ng kutsilyo?

"I dont need anyone's help, lalo na sa isang katulad mo. Kaya umalis ka sa dinadaanan ko." Nginisian nya lang ako  at diniinan ang pagkakatutok ng kutsilyo sa ilalim ng baba ko. Ramdam ko ang pagbaon nito. Nakakainis! Saka niya lang to tinaggal to ng marinig namin ang kampana. "Fine" Saka syang parang baliw na tumatawa paalis.

Tuluyang nanlambot ang tuhod ko. Hinawakan ko ang baba ko at tangina my dugo. Bwesit na Revi na yan! Napatayo ako ng maalala kong tumutonog pala ang kampana na umalingawngaw sa buong paligid. Shit 7pm na! Nagmadali akong naglakad para maka balik sa dorm pero isang grupo ng mga naka maskara ang papunta ngayon sa kinaroroon ko. Umatras ako at umiba ng daan pero isang grupo ulit ng mga naka maskara ang naglalakad.  Naman! Hindi ko aakalaing ganto pala nakakatakot magpaabot ng bloody night . Anong gagawin ko?

Pag ako talaga napahamak dito lintik lang ang walang ganti. Bwesit na Revi na yan!

Bumalik ako kung saan ako nanggaling para puntahan na lang sana si Ma'am librarian ng biglang my humila sa akin.

"Bitawan mo ako! Bitawan mo ako---!" Pagpupumiglas ko pero tinakpan niya ang bibig ko. Jusq , please lang ayaw ko pa mamatay!

"Alex, Alexa heeey! Ako to si Richiane!" Saka niya ako hinila palayo doon. Hindi ko alam kung paano niya ako nailayo doon pero nagpapasalamat ako ng makarating kami sa dorm ng ligtas.

"Alexa! Thanks God at ayos ka lang. Kanina pa kami nag-aalala sayo. Saan ka ba galing bruha ka! " Salubong sa akin ni Tricia. "Buti naman at nahanap ka ni Rich. Pati kami dito nag-aalala na dahil sa tagal niyo!" Maiyak iyak na sabi ni Denise. Napatingin ako kay Rich na naka cross arm pang nakatingin sa akin. Nag peace sign naman ako saka niya ako tinanguan. So hinanap niya pala ako?

HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now