"Enough," muling awat ko ngunit wala ni isa sa kanilang nakinig sa 'kin.

Humakbang papalapit si Taguro at pumuwesto sa paanan ni Deib. "Tayo," pautos niyang sabi.

"Anong tayo?" kunot-noong tanong ni Deib.

"Tumayo ka."

Kabadong bumangon si Deib. "Ano ang gagawin mo?"

Seryosong tumitig sa kaniya si Taguro. "Sasapakin kita, susubukan mong iwasan. 'Tapos ay tatanungin kita kung bakit ka umiwas."

Umugong ang malakas na tawanan. Kaliwa't kanan ang bulungan ng paghanga sa itrinato ni Taguro sa kaibigan ko. Hindi na ako nagtataka dahil ngayon lang nangyari ang ganito. Wala pang pumatol sa ganitong ugali ng isang Deib Lohr Enrile.

"Are you crazy?" nanggigigil na ani Deib.

Humakbang muli papalapit si Taguro. "Kung talagang gusto mo ng gulo, sabihin mo. 'Wag mo 'kong idinadaan sa mga papatid-patid at pambabatok mo dahil gano'n lang din ang igaganti ko sa 'yo."

Napako ang galit na tingin ni Deib dito. "Who do you think you are?"

"Sino ka rin ba sa akala mo?" malunamay pa rin ang pananalita ni Taguro, walang nagbago sa tono at hitsura niya.

"Don't you know who I am?"

"Bakit, ako ba kilala mo?"

"Bakit kita kikilalanin? Ako ang dapat mong kilalanin!" Humakbang papalapit si Deib sa kaaway at saka tinitigan ito mata sa mata. "I am a big deal."

Kumurap lang si Taguro. "Hindi ako interesado." Inabot niya ang bote ng tubig nang hindi inaalis ang tingin kay Deib saka tinalikuran ito. 

Napamaang si Deib, maging ang lahat. Matagal bago namin nagawang sundan ng tingin si Taguro, na noon ay naglakad na para bang pag-aari niya ang mundo.

"Ha," suminghal at tumawa nang malakas si Deib na animong tunay siyang natutuwa. Galit siya. "Did you see that?" baling niya kay Tob. "I'll never forgive her!"

"She's really something," tatango-tango ang nakangiting si Tob. "Whose fault is it anyway?"

"That girl is a goddamn problem!" namulsa si Deib at inis na sinipa ang sahig. "She did this to me!" inis niyang pinagpag ang dumi sa pants.

"What?" hindi ko napigilang manahimik. "It's not her fault, Deib."

Inis niya akong nilingon. "I didn't say it was her fault, I said she did this to me, Lee!" Itinuro niya ang sarili.

"Sana ay hindi mo na lang pinatulan." Hindi namin inaasahan ang presensya ni Migz. Natahimik ang karamihan. "No one ever wins a fight or an argument against you, Mister Enrile, you know that. At halos lahat ay ikaw ang kinakampihan."

"What do you want me to do, then? It's not my fault, Migz. I'm special, different from others, I am Deib Lohr Enrile and you cannot do anything about it." Ngumisi si Deib.

Ngumiwi naman si Migz. "Alam mo kung sino sa inyong dalawa ang mali. Sana ay hindi na maulit 'to. Maraming students ang nakakakita sa inyo at hindi maganda ito. Senior ka at junior student naman si Max," sumulyap ang ngiti sa mukha ko nang banggitin ni Migz ang pangalan ni Taguro. "Hindi magandang example ito sa freshmen at sophomores."

"So her name is...Max?" Ngumisi si Deib.

"Sa inyo kasi ay biruan lang 'yan, sa amin away na 'yan at hindi magandang tingnan. Babae si Max. Bukod do'n ay tatlo kayo, nag-iisa lang siya." Nanatiling seryoso si Migz.

"'Oy, hindi kami damay," nakangusong ani Tob. "Umaawat nga kami ni Lee, eh."

"We will try to fix this, Migz, I'm sorry," ako na ang nagpakumbaba.

"Fix it," mariing ani Migz. "Sana ay 'wag nang maulit 'to, Deib, ako na ang nakikiusap sa 'yo."

"Sino ka para pakinggan ko?" mayabang na ani Deib.

"Nakikiusap lang ako, nasa sa 'yo na 'yon kung hindi ka magpapaubaya," pagtatapos ni Migz sa usapan bago umalis.

"What's wrong with those people?" angil ni Deib saka muling naupo sa table. "Lagot talaga sa 'kin 'yong babaeng 'yon."

"Tsk, enough, Deib, okay?" palag ko.

"Ano ba? May gusto ka ba ro'n?"

"Wala."

"'Wag mong kampihan kung gano'n."

"Mas matanda na ang pag-iisip ko kompara sa 'yo, Deib."

Sinamaan niya ako ng tingin at hindi na sumagot. Iiling-iling siyang nag-iwas ng tingin. Iyon si Deib Lohr Enrile, ang numero unong bully sa campus na ito. Hindi tinatanggap ang sariling kamalian. Gagawa ng kalokohan at sa huli ay magagalit kapag siya ang napahiya. Sa madaling salita, isip-bata.

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon